Viniel Nagluto muna ako ng pagkain para naman may makain ang asawa ko pagkagising niya. Pupuntahan ko kasi si Yna. Kailangan ko siyang kausapin tungkol sa pagbubuntis niya. Tumawag siya noong isang linggo at sinabing buntis. Ako raw ang ama. Bago umalis ay nag iwan ako ng sulat para kay Chastine. Ilang araw na akong hindi mapakali dahil natatakot akong malaman ng asawa ko ang totoo. Ayaw akong tigilan ni Yna. Kaya kailangan ko ayusin ang problema sa kanya. Ayoko nang masira kami ni Chastine. Nagsisimula na ulit kami. Hindi ko dapat sayangin ang pagkakataon. Nasimulan ko na magbago at hindi ko hahayaang mahinto ito dahil lamang sa ibang tao. "Buti naman dumating ka. Nagluto ako ng pagkain para sa 'yo," sabi ni Yna nang makarating ako sa bahay niya. "Hindi naman ako magtatagal. Kakausapi

