Summer's POV Hindi ko maitatanggi na natuwa ako sa pageeffort ni Alex, from the flowers to strawberry cake, yun bang tuwa na may halong kilig. Although marami na rin naman sa mga nanligaw sa akin ang gumawa ng kung anu anong gimik, never ko naramdaman yung ganitong feeling. Nagulat nalang ako ng biglang tumugtog yung band, akala ko nagseset up lang ang mga ito para sa gig mamya. Tumayo si Alex at lumapit sa akin. "Can I have this dance?" tanong nito sabay lahad ng kanyang kamay. Oh my gosh! Hindi pa ba tapos mga surprises nito? Sobra sobra na ang kilig na nararamdaman ko. Para maitago ang magkahalong kilig at kaba, dinaan ko nalang ito sa biro. "Sige, dahil nasarapan ako sa strawberry cake mo, pagbibigyan kita, hahaha!" sabi ko dito. Ang sarap ng feeling ng ganito, nakahilig ako

