Alex's POV
Nandito kami ni Toni sa airport, ngayon ang dating ni Migz, at ako ang inutusan ni Dad na sumundo. Sa dinami raming inutos sa akin, eto lang yata ang sinunod ko, hahahaha!
"Nakita mo na ba yung fiancè ni Migz?" tanong ni Toni.
"Hindi pa, once lang naman daw napunta sa bahay, nung birthday ni Mommy, kaso umalis ako nun db, nabadtrip kasi ako kay Dad, kaya hindi kami nagkita."
"Ano kaya itsura Dude? Maganda kaya?Sexy kaya?Hahaha!"
"Siraulo ka talaga! Requirement ba yun pagiging sexy?"
"Syempre naman Dude noh!"
"Sus, siguro sayo, pero knowing Migz, hindi choosy yun, hahaha! Pero siguro naman may itsura yun, d naman siguro papayag sila Mommy na malahian kami ng di kanais nais. Sayang naman gandang pamilya namin. Hahaha!"
"Wow dude ha! Ang hangin! Hahaha!"
"Sino namiss niyo!?"
Sabay kaming napatingin ni Toni sa nagsalita.
"Tol!/ 'Couz!" sabay takbo kay Migz at niyakap namin.
Noong mga bata pa kami, kaming tatlo talaga ang close at laging magkakasama sa kalokohan. 4 years din nagstay si Migz sa US, para magmanage ng business namin doon. Ako dapat ang nandoon, pero hindi ako pumayag at walang nagawa si Dad, kaya naman hindi kami talaga close ni Dad dahil isa daw akong pasaway.
Good thing lang, tanggap ng family ko ang pagiging isa kong lesbian.
"Wow, di niyo naman ako namiss ng sobra ano, hahaha!
"Promise 'couz, namiss ka talaga namin! Pasalubong ko ha! Hahaha!"
"Hahaha, Siraulo ka talaga Dude!, pero Tol, namiss talaga kita, wala akong kakampi eh kapag nagaaway kami ni Dad, hahaha!" sabi ko dito.
"Di pa rin ba kayo ok ni Dad?"
"Not totally hindi ok, pero para pa rin kaming aso't pusa, hahaha!"
"Sus, di na magbabago yun tol!"
"Tara na, sa sasakyan na natin ituloy yan, basta 'couz yung pasalubong ko talaga ha! Hahaha!"
"Hahaha, naku 'couz hindi nagkasya babae sa maleta ko!"
At sabay sabay kaming nagtawanan.
Hindi matapos tapos ang kwentuhan at kulitan namin habang pauwi sa bahay.
"You mean 'tol after ni Clariz, wala ka ng naging girlfriend?"
"Wala" tipid na sagot ko dito.
"Pero marami syang girlflings! Hahaha!" pangaasar nitong si Toni.
Nagtawanan naman kami sa sinabi nito.
"Mana lang sayo Dude!" sabi ko dito.
"Seriously tol, you should try again" si Migz.
"Tol, kapag ready na ko, madali na yon, pero for now, negosyo muna aasikasuhin ko."
"Kapag nakita na niya si Ms.Bora." singit naman nitong si Toni.
Sus, kadaldal talaga!
"Ms. Bora?"tanong ni Migz.
"Long story tol, saka ko na ikukwento." sabi ko nalang, sabay tingin ng lagot-ka-sa-akin-mamaya look kay Toni.
Nagpeace sign lang ito at umiwas na ng tingin.
Tama naman si Toni, siguro nga kung makikita ko pa ulit si Summer, baka nga siya na yung taong inaantay ko...
@@@@@
Liz's POV
Dahil tapos na ang thesis namin, nandito kami ngayon sa isang bar sa BGC para magcelebrate,kasama ang ibang groupmates namin.
"Beshy, tahimik ka yata, wala ka ba sa mood?" tanong ko kay Aali.
"No, im ok Beshy, may mga iniisip lang, but Im good." sabi nito.
"Hmm..let me guess Beshy, naalala mo siya noh kapag nasa bar ka?"
Bumuntong hininga lang ito. I guess I'm right. Hay, kung may magagawa lang ako para mahanap yang Alex na yan.
Summer's POV
"Dave, sobrang dami namang tao dito, ano bang meron?" tanong ko dito sa becky na kagroupmate namin, siya din kasi ang nagyaya dito.
"Grand opening kasi ngayon nito gurl!" sagot nito.
"Pano mo naman nalaman tong bar na toh, pero infairness becks ,maganda!" tanong ko dito.
"Sa jowa ng kapatid ko, mamaya nandito yun, pakilala ko sa inyo." Dave
Maaga palang, pero medyo marami na akong naiinom, siguro dala na rin ng maraming isipin kaya nasa mood akong maginom.
"Beshy, ok ka pa?Medyo marami ka ng naiinom ah"
"Ako pa ba Beshy??Hahahaha! I'm good, don't worry."
"Ok Beshy, just tell me if you wanna go na ha!"paalala nito.
"Sure Beshy, I will."
Ilang oras pa ang lumipas, mas padami pa ng padami ang tao.
"Guys! Meet my sisteret, Daina, and her gf, Toni"
"Hi guys!" sabi nung dalawa.
Ok, gf? Tama nga yata si Alex, uso na ngayon ang girlfriend, hahaha! Alex nanaman!
"Sis, Toni, these are my classmates, Apple, Vani, Kiel, Liam, Liz and ofcourse ang twinnie ko sa kagandahan, si Aali, hahaha!" pakilala sa amin ni Dave.
"Twinnie talaga becks!"sabi nila Apple.
Tumango lang naman ako sa mga ito, at nginitian sila.
"Anong special ngayong opening Toni?" narinig kong tanong ni Dave, katabi ko lang kasi ito.
"Marami pang dadating na banda, and syempre pinaka special dun yung band nang 'couz ko, siya din yung owner nito, later I'll introduce her sa inyo."
"Wow, exciting, nandito pala ang A-list Band, mga becks, you should really hear them play!" excited na sabi naman nitong si Dave.
Siguraduhin lang nyang A-list band na yan na mas magaling sila kay Alex! What?Alex nanaman! F*ck!
Ilang oras pa ang lumipas, pero wala pa rin yung A-list band na yun,
Tsk! Mukhang di ko na maantay.
Tumayo ako at kinuha ko na ang bag ko, bago pa ako malasing ng bongga eh uuwi na ko, isa pa baka nagaantay na rin sa akin si Daddy.
"Beshy, i think i'll go ahead na."paalam ko kay Liz, di ko na ito niyaya at mukhang nageenjoy pa.
"I'll go with you na Beshy, kaya mo pa ba?"nagaalalang tanong nito.
"Yup, oo naman, ok lang ako Beshy, just enjoy ok" sabi ko dito.
"Ok, sure ka ha?Di mo na ba aantayin yung sinasabi ni Dave na band?"
"Nope, hindi na siguro, I should really go, baka malasing pa ko, hahah!"
"Hahaha, oo nga Beshy, cge ingat ka ha, sure ka kaya mo ha i can go with u naman"
"Yup, ikaw na bahala magsabi kina Dave, dahil malamang pipigilan ako nyan."
"Ok, i will! ingat beshy, text me if house ka na ha" bilin nito.
"I will, Bye Besh!" nakipagbeso ako at umalis na.
"Let's all welcome, the A-List band!"
@@@@@@