Summer's POV
Its my second day here in Bora, nagdecide akong maglakad lakad since malapit na rin naman ang sunset...i really love watching sunsets.
Kasi for me its a proof that no matter what happens, everyday ends beautifully.
Naupo ako sa isang tabi para doon antayin ang paglubog ng araw, at para magisip isip na rin.
Nang may naramdaman akong taong
papalapit sa pwesto ko. Nang tignan ko kung sino ito....well, its the band vocalist...yung masungit na babae kagabi.
"Mind if I sit here?" tanong nito.
Nginitian ko ito, "No, its ok, go ahead".
Naupo naman ito "Thanks....by the way about last night, sensya ka na kung medyo badtrip ako, its just ayoko lang talaga nakakita ng babaeng binabastos." sabi nito.
"Ok lang, ako dapat ang magthank you, kasi kung di ka dumating baka di tumigil yung lalaking yon."
"You should not be drinking too much if magisa ka lang."sabi nito.
Ok pano niya nalaman na magisa lang ako?
Kunot noo akong tumingin dito.
"Tama ako diba? Magisa ka lang dito?"
"Pano mo naman nalaman?" tanong ko dito.
"Syempre kung may kasama ka e di sana hindi kung sino sino kasayaw.mo kagabi, tsk!" sabi nito sabay smirk.
Ok, so iniistalk ba ko nito?
"Wow ha, stalker ka ba?pano mo naman nalaman yan?" mataray na tanong ko dito.
"Hahaha! Me?Stalking you?Siyempre hindi, napansin ko lang kagabi, malapit kasi yung table namin sa place mo." paliwanag nito.
"Ok, sabi mo eh" at nagkibit balikat nalang ako.
"By the way, i'm Alex" sabi nito sabay lahad ng kanyang kamay.
"Summer" inabot ko ang kanyang kamay at nakipagshake hands
"Hey! Babe! Kanina pa kita hinahanap eh!" sabay kaming napatingin dito sa babaeng dumating.
Nagbitaw kami ng kamay at tumayo ito.
"Cge Summer, see you around!"paalam nito.
Tumango nalang ako dahil hindi na maipinta yung mukha nitong babaeng tumawag sa kanya ng "Babe".
Hmmm, babe? So, does it mean she's a lesbian??Hay, whatever!
Alex's POV
Mahaba pa naman ang oras bago ang gig, kaya maglalakad lakad muna ako, makapagrelax manlang...
Nang may nahagip ang aking paningin na isang pamilyar na tao.
Hmm..mukhang magisa nga lang talaga 'tong babaeng to dito...mukhang napakalalim naman ng iniisip niya.
Ewan ko ba kung ano pumasok sa isip ko at nilapitan ito.
Mukha naman naramdaman niya ang presence ko, lumingon kasi ito.
"Mind if I sit here?" tanong ko dito.
Nginitian naman ako nito , "No, its ok, go ahead". Sabi niya.
Hay, nakakatunaw naman yang ngiting yan.
Naupo ako medyo malapit sa kanya, enough space para magkarinigan kami....."Thanks, by the way about last night, sensya ka na kung medyo badtrip ako, its just ayoko lang talaga nakakita ng babaeng binabastos." hingi ko ng paumanhin dito dahil sa pagsusungit ko kagabi.
"Ok lang, ako dapat ang magthank you, kasi kung di ka dumating baka di tumigil yung lalaking yon." sabi nito.
"You should not be drinking so hard if magisa ka lang." sabi ko dito.
Kunot noo naman itong tumingin sa akin.
"Tama ako diba? Magisa ka lang dito?"
"Pano mo naman nalaman?" tanong niya.
"Syempre kung may kasama ka e di sana hindi kung sino sino kasayaw mo kagabi, tsk!" sabi ko dito sabay smirk.
"Wow ha, stalker ka ba?pano mo naman nalaman yan?" mataray na tanong nito.
Hahaha! Ang cute naman magtaray nito. Pero teka ano daw, napagkamalan pa akong stalker.
"Hahaha! Me?Stalking you?Siyempre hindi, napansin ko lang kagabi, malapit kasi yung table namin sa place mo." paliwanag ko dito at baka kung ano pa isipin nito.
"Ok, sabi mo eh" kibit balikat na sabi nito.
Teka, kanina ko pa kinakausap di ko manlang alam pangalan niya.
"By the way, i'm Alex" pakilala ko dito sabay lahad ng aking kamay.
"Summer" nakipagshake hands naman ito.
Hmmm...Summer, nice name, bagay sa kanya.
"Hey! Babe! Kanina pa kita hinahanap eh!"
Haist! Wrong timing ka naman Bea eh!
Hindi ko girlfriend si Bea, ika nga nila "fubu", no strings attached...kami lang kapag nandito ako sa Bora.
Tumayo ako at nagpaalam na kay Summer, mahirap na baka atakihin ng selos tong isa, kahit hindi totally kami, may pagka possessive pa rin to, baka gumawa pa ng eksena.
"Sino naman yon?"tanong ni Bea.
"Ah, wala, just met her last night"
"Ikaw Babe ha! Nandito na ko kung saan saan ka pa tumitingin" malambing na sabi nito.
"Hahaha! Kahit kailan talaga pagdating sa akin, napakapossessive mo." pangaasar ko dito.
"Eh kasi naman Babe, why dont we step up to the next level na, yun bang seryosohan na...you know how much I love you Alex"
Bea is so damn gorgeous, sweet and girlfriend material talaga, Ewan ko nga ba bakit nagtiyatiyaga sa akin to...kahit alam naman niya na malabong magseryoso ako.
"Bei, you know im still not ready, if ever man na dumating yun time na willing na ko magtake ng risk ulit sa isang relasyon, i wont hesitate to give us a shot." paliwanag ko dito.
"Hay, if you say so, wala naman ako magagawa eh, atleast i can have you this way." nagsidehug ito sa akin.
Hay, sana magkaroon pa ako ng kakas ng loob na sumubok ulit...
@@@@@@
Summer's POV
Bago ako pumunta sa bar, tinawagan ko muna si Liz, siya lang ang nakakaalam nitong bagong no. Na ginagamit ko.
AKO: beshy, basta pagtumawag so Daddy sayo or si Tita Mayet, ikaw na bahalang magconvince sa kanila na hindi mo talaga alam kung nasaan ako...ok beshy.
LIZ: Ok beshy, i'll do my best na maconvince sila ha, kilala mo naman ang dad mo eh.
AKO: Beshy please, promise.me hindi mo sasabhin ha, ayaw ko pa siya makausap Besh.
LIZ: Ok ok I promise Beshy, pero wag ka naman magtagal masyado dyan ha.
AKO: Yes besh, thank you!.love you besh, bye!
LIZ: ok besh, ingat ka dyan..love u too Besh, mis na kita! Bye!
After namin magusap ni Liz, nagayos na ako para pumunta sa bar. Hindi ko trip pumarty ngayon kaya dun ako sa acoustic bar pupunta.
Pagdating ko sa bar, marami ng tao ang nandun.
"Jampack na naman tayo ngayong gabi!" waiter 1
"Oo nga, syempre sila mam Alex .ang banda ngayon eh, minsan lang nandito yan kaya jackpot mga nandito ngayon." waiter 2
Ok, e di siya na ang sikat, hahaha! Infairness naman kasi, talaga naman maganda boses ni Alex at magaling ang banda nila.
"Hi everyone! Here's our next song, Lego House by Ed Sheeran." si Alex
Hiyawan naman ang mga tao.Ang ilan pangalan ni Alex ang sinisigaw.
At ng magumpisa na itong kumanta, halos lahat ng nandon ay nakatuon ang pansin sa kanya.
Hay, bat nga ba ang sarap pakinggan ng boses mo...
Dito ako nakapwesto sa gilid medyo malapit sa stage.
Nagorder na rin ako ng drinks...Hindi ko alam kung bakit di ko maalis ang tingin ko sa kanya, napakalakas ng dating nitong babaeng to, na mapa babae't lalake ay tipong mahuhumaling sa.kanya.
Nagulat nalang ako ng tumingin ito sa aking pwesto at ngumiti.
Juicecolored! Ang puso ko nagwawala, ang mga paruparo ko sa tyan ay nagkakagulo, anong feeling toh? Tapos sa isang babae pa?
Lumingon-lingon ako baka sakaling nagkakamali ako na sa akin sya nakatingin, pero magjowa tong katabi ko at busy sila sa isa't isa.
Ok, nginitian niya nga ako...hahaha...bakit ako kinikilig?
Next song naman "Sad Song" by We the Kings, isa rin ito sa mga fave songs ko.
Medyo nakakarami na rin ako ng naiinom ng may lumapit sa akin na lalake...
"Hi, alone?"tanong nito.
Tinignan ko lang naman ito at muling tumingin sa stage.
"Hey, miss, i just want to make friends" sabi ulit nun lalaki.
Nilingon ko ito, "Sorry, but I already have a lot of friends, i dont need a new one"
"Woooh! Playing hard to get huh!?"sabi nito sabay smirk. Hinapit ako nito sa baywang palapit sa kanya.
"Ano ba!" tinulak ko ito.
"Ms. Come on!" sabay hawak sa wrisk ko.
"Please, take your hands off me!" pakiusap ko dito, medyo nahihilo na rin kasi ako kaya wala na akong gaanong lakas magpumiglas.
"Pano kung ayoko?" sabi nito.
"Pano kung ipabugbog kita sa mga bouncer dito at ipadampot sa pulis?harrassment yan ginagawa mo!"
Sabay kaming napatingin dun sa nagsalita.... Si Alex...again.
"Ano?Aalis ka ba o ipapadampot na kita!"
Binitawan nito ang aking kamay at dali daling umalis.
"Tsk! Kada magkikita nalang ba tayo ganito eksena?" sabi nito sabay smirk.
"As if na ginusto ko naman yun, anyway...thank you pa rin." sabi ko dito sabay inom nung last shot na inorder ko.
"Sabi ko naman sayo diba, wag kang iinom ng sobra ,lalo na magisa ka."
Tinignan ko ito, "Eh magisa nga lang ako diba?So pano yun?
"E di wag uminom ng sobra"
"Sus! Uminom ka pa, di ka rin naman pala malalasing!" sabi ko dito.
Tinignan lang ako nito, na para bang di makapaniwala sa sinabi ko.
"What?" takang tanong ko dito.
"Tsk! Lasinggera!" naiiling na sabi nito.
"Hahaha, sobra ka naman!" natatawang sabi ko dito. "Mabuti pa, damayan mo nalang ako dito"
"Kaya mo pa ba?" tanong nito.
"Ako pa ba?" mayabang na sagot ko dito.
" Ok! Cge, tutal naman tapos na yung set namin, papatulan kita dyan." sabi nito.
"Alright! Ayan pwede na ba ako uminom ng sobra?"
"Ha?"
"Sabi mo diba, kapag magisa wag magiinom ng sobra, eh may kasama na ako at ikaw yun so it means pwede na diba?Hahaha!" natatawa kong sabi dito.
"Tsk! Taba ng utak mo!" at sabay kaming tumawa.
********************************