Summer's POV Nandito kami ni Liz sa room ko, maghapon lang akong nagkulong dito, nakita kong umalis si Toni at Alex kanina.... nasabi ko na rin kay Liz yung tungkol kay Alex... "My gosh Beshy, sobra naman kayong pinaglaruan ng tadhana, kailangan pang magkapatid sila." di makapaniwalang sabi nito. "Oo nga Beshy, what a small world diba?" "Now I understand bakit para kang napako sa kinatatayuan mo kanina, kung ako nga yun Besh, baka nagcollapse pa ko! Hahaha!" sabi nito. "Actually Beshy, muntik na, buti nalang at nacontrol ko sarili ko." "Anong plano mo Beshy?" tanong nito. Isang malalim na buntonghininga lang ang tangi kong naisagot. Ano nga ba ang gagawin ko ngayon?May dapat ba akong gawin?Eh para naman wala lang kay Alex kung anu man yun nangyari sa amin? Baka ako lang ang may so

