2

1485 Words
Chapter 2 Ang bilis bilis ng kilos ni Sidney habang isinasalansan ang mga gamit niya sa loob ng office niya. She's so damn excited seeing her destiny. Wala na yatang makakapigil pa sa kasalang magaganap sa pagitan nilang dalawa sa lalong madaling panahon. Baka ang pagiging bodyguard na niya ang simula ng lahat ng katuparan ng mga pangarap at pagsinta niyang pururot. Napangiti siya nang matamis. Nakagat niya ang sariling labi at nayakap ang librong revise penal code, na halos kabisa na yata niya sa kakapaulit-ulit, na kahit na yata abogado ay tinatalo pa niya sa rasunan dahil sa kabisado na niya ang batas, na kahit nakapikit sya at tumutulay sa alambre ay makakaya niyang kabisahin kahit na pabaliktad man. Sabi nga ng Mommy niya ay mag-aral na siya ng Law pero ayaw niya. Nabuburyong sya sa eskwelahan at kung hindi lang nga sya matyagang binabantayan ng Daddy niya noong elementary at high school sya ay malamang na hindi sya nakatapos. Sige kasi ang eskapo niya at ang takbo niya ay sa firing range na pagmamay-ari nila. She always escapes. Hindi niya mabilang kung ilang beses na ipinatawag ng prinvipal ang mga magulang niya dahil sa pagtatakas niya sa eskwelahan. Dumadaan siya sa lumang gate at nagagawa pa niyang umakyat sa bakod para lamang makaalis. Pero putik naman, siyam na taon pa lang yata sya ay sharp shooter na sya. Yun lang hindi sya honor kahit matalino sya. Lagi kasi syang escape at ang tagasumbong noong highchool sya ay si Royce nang mag-aral na yun sa Pilipinas. Fourteen noon ang binata at sya naman ay dose. Lagi kasi siyang dumadaan sa classroom niyon dahil doon lamang ang daan papaalis, kaya ang nangyari ay isang taon din na nasa paaralan ang Daddy niya at nakikinganga sa labas ng classroom. And that time she remembers na nakaidlip yata ang ama niya ay pumuslit sya pero nang patalon na sya sa bakod ng paaralan ay sinalo sya ng Daddy niya. Gising pala iyon at inabangan siya. At tumino lang sya ay noong pumasok na sya sa PNPA, she graduated Suma c*m laude kaya promoted kaagad siya pagpasok niya sa NBI. And now she's the Chief Inspector, handling all the police officers in the entire city of Manila and of course, the coolest NBI agent in town, the most beautiful and hot, too. Pwede siyang ilaban sa Bb Pilipinas kung tutuusin. She has all the guts in the world to be a beauty queen but it’s not in her system. She’s not into pageantry, she’s into solving crimes and saving lives of people. Natigil ang pagmumuni-muni niya nang may kumatok sa pinto ng opisina niya. Kaagad niyang isinaksak ang libro sa locker nang marinig iyon. "Kung gwapo pumasok na, pag pangit sasalubungin kita ng bala!" asik niya sa nasa pinto. "Sidney! Si Ninong General ito," maawtoridad na boses ng nasa pinto. Natutop niya ang bibig. Ay! Pinalambing niya ang boses. "Come in po Ninong Gen kong pogi pa sa Daddy ko," aniya at lumiit pa pati boses niya. Iniluwal nga ng pintuan ang di pa may edad na lalaki. Her ninong General Lloyd was the youngest NBI agent noong kasikatan ng Daddy niya, kaya ngayon na retired na ang Dad niya, general na naman ngayon ang youngest agent noon sa katauhan na nga ng ninong niya. "That's why I knocked first. I know you hate trash," nangiti pa ang lalaki sa kanya. Humagikhik sya, "Joke lang po yun. So ano pong kailangan nyo sa inaaanak niyong walang kasing ganda?" she blinked her eyes and kept her lips. Umiling ang lalaki bago ngumiti, "Ilang bwan kang mawawala, anak?" he asked her. Ni hindi na ito naupo at nakatayo lang habang nakapameywang at pinagmamasdan ang bawat pagsalansan niya ng gamit sa lalagyan niya. "It depends po Ninong General kung sapilitan akong ipagtabuyan ng destiny ko, baka dalawang araw lang akong mawala. Kapag naman nag propose na sya sa akin, baka po isang taon," natigilan pa sya sa paglalagay ng mga important files niya sa cabinet kasi lihim syang humagikhik. I'm coming destiny! This is it pansit. Pero pumormal ang mukha niya nang makita na parang naguguluhan ang Ninong niya at hindi yata maabsorb ng utak ang sinabi niya. "Niloloko mo ba ako inaanak?" tanong nito sa kanya. "Hindi po Ninong! Totoo po yun! Masungit po kasi yung bago kong misyon. Basta po ang leave is two months lang naman. I'll report before it ends,” ngumiti pa sya. The General sighed, "Okay. We'll miss you. Walang maingay dito," aniyon at nagsimulang humakbang palapit sa kanya. "Wala rin pong pinakamaganda and sexy. Di ba Nong?" tumaas taas pa ang mga kilay niya sa lalaking kaharap na niya ngayon. Ginulo nito ang buhok niya at lumaki ang ngiti, "Ikaw talaga, para kang hindi twenty-seven. Daig mo pa ang bata." "Twenty-six pa lang po ako. Next month pa birthday ko. Wag niyo po akong patandain. Ayokong tumanda, ninong,” palatak niya na ikanatawa lang ng kausap niya. Kasi baka magkaugat na ang matris ko wala pa kaming basketball team ni destiny. I can't let it happen. I'll rape him if needed! Niyakap sya ng ninong niya, "Take care iha. Be good, too,” bilin nito sa kanya matapos syang hagkan sa bunbunan. "Yes Ninong!" sumaludo pa sya bago tuluyan lumabas ang Ninong General niya. Late na rin kasi yung reaction niya dahil busy sya sa pag-iisip sa matris niya kung paanong hindi mauugatan habang hindi pa niya napapalahian si Royce ng lahi niyang mga habulin. Bwisit kasing yun! Ubod iyon ng pihikan at hindi man lang siya nakuhang hangaan. Tumatanggi iyon sa pagkagandang grasya na hulog ng kalangitan sa katauhan niya. Dapat mapaimpress nya ang lalake na yun ngayon at nanakawan na rin niya ng maraming halik para kahit na palayasin sya kaagad ay nakarami naman sya. Akala nun hindi siya makadami ha! Humanda ka! Naikuyom niya ang kamao. Parang kinakati ang nguso niyang mahalikan ulit ang lalake na yun na ubod ng sungit sa kanya. Talagang gusto niya ulit sampolan yun. Although she's aware ma may girlfriend na yata si Royce ay hindi sya nawawalan ng pag-asa. Mahal naman kasi nya iyon nang totoo, di nga lang halata kasi iba syang magpakita ng pagmamahal. Dinadaan niya biro ang lahat kahit na parang binubuhusan ng asin ang puso niya kapag nakikita niya sa balita na may rumored girlfriend na ang destiny niya. Ang pangit naman kasi ng pamana ng Daddy niya, kakengkoyan. Lahat tuloy ng namana nila ni Jace eh puro kalokohan. Sana man lang ay nagmana siya sa mommy niya kahit kaunting kahinhinan man lamang. She really adores her mom for being so refined and so beautiful. Haaay! Di bale na. Self motivated naman sya. She's not the type of woman na madaling sumuko not unless na masaktan na talaga sya nang totoo, dun lang sya bibigay at iiwas. But for now, ayaw niyang masira ang hapiness niya kahit pa may Yvette na raw si Royce niya. She'll take that woman out of the picture, na minsan nyang nakita na may kalaplapan sa isang private resort somewhere in Batangas, noong napadako sya para sa misyon niya. That's also the reason why she's so damn eager to get Royce, malandi kasi ang babae at ang isa naman ay tutulog tulog sa pansitan. Di pa man lang asawa ni Royce ang babaeng iyon ay naiiputan na sa ulo ang mahal niya. That time na nakita niya ang eksena na yun na alam niyang hindi friendly kiss ang ginagawa ng dalawang artista. Halos magkapatong na kasi ang dalawa sa sun bench, nasa ibabaw ang babae at panay ang himas ng artistang si Nicolo Vallejo sa pwet ng babaeng kerengkeng. Nakapasok pa ang kamay nun sa loob ng bikini ni Yvette and she’s sure that they’re not in a shooting. Yun ba ang mahinhin sa paningin ng destiny niya? Di hamak naman na lamang sya dahil wala pang nakakahimas sa pwet niya. Tanga kasi ang destiny niya. Bulag iyon! Pili nang pili, ang napipili ay bungi! Di nun alam na may kahati iyon sa girlfriend at kung anu anong kalandian ang ginagawa kapag walang matang nakatingin. Hmmmp! Dinampot niya ang bag at tiningnan ang kabuuan ng office nya nang makarating sya sa pinto para lumabas na. "I'll miss you my office. I'll see you in a month or two! Dun na muna ako sa destiny ko. Babalik ako rito buntis na sya!" lumaki ang ngiti nya bago kinabig ang pinto pasara. Ready na sya para tanggapin ang walang katapusang snob sa kanya ni Royce. Para sa kanya ay lambing yun ng lalakeng magiging mister niya. See you tomorrow my destiny! Pakiss agad! Kinilig sya at nanginig pa ang katawan niya sa sobrang excitement. Akala niya laro lang ang lahat pero death threat ang haharapin niya. Yakang yaka ko yun! Bala ang tumatakbo sakin at hindi ako ang tumatakbo sa bala! I'm Sidney Arguelles and I'm the best!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD