Doon muna nagtigil si Jane at Carson sa magiging room ni mommy. Maaga akong nagpareserve dahil madaming dumadating na pasyente. Kami ni Nathan ay nasa room ni Bella. We’re not talking. Nakaupo lang at ayokong makipagtalo pa. Pagod na pagod na ako. Naramdaman ko ang kamay ni Nathan na humawak sa aking kamay at hinayaan ko lang sya habang pareho kaming nakaupo sa sofa. I need comfort. Maya-maya ay umakbay sa akin ito at napasandal ako sa balikat niya.I know he still care about me pero yung isip ko laging sinasabing masama sya. “Everything will be fine,” pinapalakas nito ang loob ko at sana nga ay totoong concern siya sa akin. “Strong sila at gagaling sila agad.” “Sana maging ok na ang lahat. Nakakapagod na.” “Aayusin ko ang lahat at ibigay mo sa akin ang detalye ng lending company na inut

