Helleia Demetria Vandross-Falcon Nagising ako dahil sa mahinang sampal ng maliit na kamay. Nangunot ang noo ko at napahawak sa pisngi ko. Nagmulat ako ng mata at agad napabangon nang salubungin ako ng mukha ng isang cute na cute na batang may mataba at may dimples na pisngi. Makapal at malantik ang pilik mata nya. Mapula ang manipis na labi at matangos ang ilong. “Baby!” gulat na bulalas ko saka bumangon. Humagikhik sya. Pumalakpak saka inabot ang pisngi ko. “Good morning, lovely wife” Napatingin ako kay Red na nasa bandang likuran ng bata. Lumuhod sya sa kama saka dumukwang sakin at pinatakan ako ng halik sa noo. “How's your sleep?” malambing na tanong nya saka muling bumalik sa pagkakaupo. Binuhat ko muna ang cute na batang humahagikhik sa tabi ko saka sya muling binalingan, “Nakat

