Chapter 32 Helleia Demetria's POV Naalimpungatan ako at nagising na nakahiga sa isang malambot na kama. Dahan-dahan akong bumangon at napatitig sa paa kong nakakadena sa paa ng kamang kinahihigaan ko. Hindi ganoon kahaba ang kadena, sapat lang yon para makahiga ako sa ibabaw ng kama. Umayos ako ng pagkakaupo nang bumukas ang pinto sa gilid. Pumasok ang lolo ni Red, seryoso ang mukha habang mabagal na naglalakad sa tulong ng kanyang tungkod. May dalawang lalaki syang kasunod, kapuwa nakaitim at may baril sa tagiliran. Napalunok ako at dahan-dahang hinawakan ang tiyan ko nang maalala ang nangyari bago ako mawalan ng malay. Nag-angat ako ng tingin, naluluhang tiningnan ang matandang naupo sa sofa sa may paanan ng kamang kinaroroonan ko, "A-Anong nangyari sa baby ko?" "He's fine. You shou

