Chapter 21 Helleia Demetria’s POV Hinagod ko ang suot kong uniform habang bumababa ng hagdan, natigilan ako nang maabutan ko si Sasuke na nakatulala sa kawalan. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Ano bang problema ng taong to? “Sasuke” Bigla syang tumayo at halatang gulat na napatingin sakin. Humalukipkip ako, “Ayos ka lang ba?” Umiwas sya ng tingin, “I’m sorry about that night” Bumuntong-hininga ako. Iyon ba ang iniisip nya kaya sya tulala? Tiningnan ko ang kamay ko na may benda pa rin, hindi na yon gaanong masakit, pahilom na rin ang sugat. “Wala ka sa sarili mo nung gabing yon. Ayokong mangyari ulit yon, Sasuke” Tumingin sya sakin saka tumango. I have to be tough even with this kind of situation. Hindi ko sya gustong pagalitan pero alam kong hindi ikagagaan ng kalooban nya kung

