Chapter 24 Helleia Demetria’s POV Rest day ko kinabukasan. Nakaupo ako sa kama habang tinutupi ang mga damit namin ni Red. Alas diyes na ng tanghali pero hindi pa ako nag-aalmusal, wala kasi akong gana, ewan ko kung anong nangyayari sakin, gusto ko lang dito sa kwarto habang inaayos ang mga gamit namin ni Red na hindi ko alam kung bakit magulo sa paningin ko gayong maayos naman. Tiningnan ko ang damit na tinutupid ko. Inis kong binago ang pagkakatupi sa hindi ko malamang dahilan. Tok tok tok Kunot noo kong tiningnan ang nakasaradong pinto. Siguradong si Moonstone nanaman yan, hindi na sya sumama sa pag-alis nina Killiana, Dart at Aphrodite kagabi, naiwan silang dalawa ni Sasuke dito sa bahay kasama ko. Dapat lang naman talaga nila akong bantayan. Tss Tok tok tok “Queen” tawag ni Moo

