Chapter 8 Helleia Demetria’s POV Humugot ako ng malalim na hininga saka hinilot ang sintido ko. Nananakit ang ulo ko sa kaiisip kung nasaan si Red, dalawang araw na syang hindi umuuwi. Hindi ko na alam ang gagawin ko para mahanap sya. Bakit naman ganito? Ngayon pa nga lang kami nagsisimula tapos may problema nanaman. Problemang tulad noon ay sinosolo nya. “I know you’re bothered but please focus, hindi pwedeng hindi mo ituloy ang pag-aaral mo” Nag-angat ako ng tingin kay Moonstone. Aphrodite is also with us, si Natsume ay nakaupo rin sa mahabang sofa habang katabi si Spencer at Dart, they’re hacking all the CCTV’s near our village hanggang sa mga CCTV sa kalsada just to find Red but he‘s nowhere to be seen. “Tama si Moonstone, Helleia” I pursed my lips. “Puwede bang next year nalan

