CHAPTER 2: THE SAME FACE FROM THE PAST.

2871 Words
Habang naglalakad ako sa may tabing-dagat ay napansin ko ang isang babae na para bang nawawala. Kung hindi ako nagkakamali ay kasama siya ng grupo nila Gio. Sa tansya ko ay nasa bandang late 40’s na ang babae. Nilapitan ko siya upang tulungan dahil baka nga naliligaw siya. “Okay lang po kayo? Kailangan niyo po ng tulong?” Magalang na pagtatanong ko sa babae. Tumingin naman siya sa akin at para bang laking pasasalamat niya sa pagdating ko. “Oo, hija. Naligaw kasi ako. Ang dami nang nagbago sa lugar na ito kumpara noon. Ang tagal ko na rin kasing hindi nakakapunta rito.” Nagtanong siya sa akin kung saan ang direksyon ng sauna dahil naiwan daw siya ng mga kasama niya. Itinuro ko naman iyon. “Gusto niyo pong samahan ko kayo?” Pakiramdam ko kasi ay hindi niya naitindihan ang pagbibigay ko ng direksyon. Tumango naman siya at nagpasalamat sa akin. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa direksyon ng sauna. Nang una ay tahimik lang kaming dalawa hanggang sa basagin niya ito dahil bigla siyang nagsalita. “You look familiar. Taga rito ka ba sa isla?” Tanong sa akin ng babae. Napatingin ako sa kanya bago ngumiti. “Taga Polillio po ako.” Sagot ko sa kanya. Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha bago ngumiti sa akin. “Talaga? Taga Polillio rin ang pamilya ko. Kaya lang nang makapag asawa ako ay hindi na ako masyadong nakakapunta rito.” Napahanga naman ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na marinig na taga rito siya sa Quezon. “Kahawig mo iyong anak ng naging kasambahay namin dati. Nakakatuwa.” Elegante siyang tumawa matapos sabihin iyon. Napapatulala tuloy ako sa kanya. Ang ganda ganda niya talaga. “Talaga po? Parang nakakahiya naman pong marinig iyan.” Nahihiya akong ngumiti sa kanya. Tumawa siyang muli dahil sa sinabi ko. Tumigil siya sa paglalakad kaya’t napatigil din ako. Humarap siya sa akin at tinitigan ako ng mabuti. Inayos niya pa ang buhok ko. “What’s your name, hija?” Patuloy niyang inaayos ang aking buhok habang itinatanong iyon. Nahihiya man pero sumagot din agad ako. “Bryleigh Ainhoa Acosta po, Ma’am.” Hindi ko mapigilang tumulala sa kanya at humanga sa kagandahang dala niya. Kahit masasabi mong may edad na ay hindi maitatangging hindi kumukupas ang ganda ng pagkadalaga niya. Her beauty is ethereal. “Just call me Leonor. Leonor Dorotea Benavidez.” Pagpapakilala nito sa akin. Napasinghap ako. Maging ang kanyang pangalan ay sumisigaw ng karangyaan sa buhay. “Sige po, Ma’am Leanor.” Natawa siya sa sinabi ko ngunit hindi na siya kumontra pa. Nagpatuloy na kaming dalawa sa paglalakad. “Your surname, is that your father’s surname? Pamilyar kasi sa akin.” Biglaang pagtatanong niya habang naglalakad kami. Umiling naman ako bilang sagot. “Hindi po. Sa aking ina po. Hindi ko na po kasi nakilala ang aking ama. Ang sabi po ng aking ina ay iniwan daw po kami ng aking ama.” Malungkot akong ngumiti nang maalala ko ang mga salitang sinabi sa akin ng aking ina sa tuwing nagtatanong ako tungkol sa aking ama. “May maganda naman daw pong rason ang aking ama bakit niya kami iniwan.” Dahil doon ay hindi kailanman ako nagalit sa kanya sa ginawa niyang pang iiwan sa aming mag ina. Maging si Inay ay hindi mukhang galit sa kanya. He must have a reason for leaving us. “Oh, I’m sorry.” Napalingon ako sa kanya nang marinig ko ang pagkadismaya at lungkot sa kanyang boses. Siguro ay nagsisisi pa siyang naitanong niya iyon. “Nako, okay lang po.” Pagpapagaan ko ng loob niya. Tumingin siyang muli sa akin at nakita ko na naman ang malambing niyang ngiti. “What’s your mother’s name? Nagbabakasakali ako na baka kakilala ko pala siya.” Aniya. Ngumiti ako bago sumagot sa kanya. “Laila Acosta—” “Leonor!” Lumapit ang isang lalaki sa kanya. “Bakit ngayon ka lang. Halika na. Nasa loob na silang lahat. Sila Gio ay nagpunta ng pool.” Sabi ng isang lalaki na sa tingin ko ay asawa niya. Napatingin ako kay Ma’am Leonor. Tulala lang siya habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong dahilan at para bang gulat na gulat siya. “Thank you, hija.” Pasasalamat sa akin ng lalaki bago marahang hinigit na si Ma’am Leonor. Sinundan ko lang sila ng tingin at napansing nakatitig pa rin sa akin si Ma’am Leonor. Napakibit balikat naman ako dahil naguguluhan din ako sa kung anong nangyari sa kanya at para bang gulat na gulat siya sa isang bagay. Naglakad na ako papaalis doon. Siguro ay oras na para bumalik ako sa dorm at makapagpahinga. Pipilitin ko nalang na makatulog ako para kahit papaano ay may lakas ako mamaya sa pagta-trabaho. Kinuha ko iyong cellphone ko at nagtipa ng mensahe para sa aking ina. Alam kong malabong makapagreply siya sa akin pero gusto ko lang magbakasakali. Tumigil muna ako sa paglalakad hanggang sa maipadala ko ang mensahe. Sana ay nasa maayos na kalagayan ang aking ina. “Yo!” Napatalon ako sa gulat nang may biglang magsalita sa may likod ko. Nilingon ko iyon para lang makita at salubungin nang nakangising si Gio, iyong guest namin sa Costa del Sol. Awtomatikong napairap ang aking mga mata dahil sa presensya niya. He’s pissing me off. Ayokong ayoko talaga sa lalaki o sa kahit na sino ay iyong makulit. Ipinapamuka mo na nga sa kanila na ayaw mo pero patuloy pa rin sila sa pangungulit sayo. Tumawa siya, siguro ay dahil sa naging reaksyon ko sa pagbati niya sa akin. “Nagulat ba kita? Kakakita mo palang sa akin ay busangot na agad ang mukha mo. It gives me wonder why you treat me so differently than the others? Hindi ka naman ganyan sa mga kapatid ko. Lagi ka pa ngang nakangiti sa kanila. Why am I the only one being treated contrarily?” Umakto pa siyang nalulungkot siya kahit na bakas naman sa mukha niya ang pagiging sakrastiko. Hindi ko sinagot ang katanungan niyang iyon. Because he deserves to be treated that way. Masyado siyang makulit at lagi niya akong tinititigan. Hindi ko alam ano bang tinitingnan niya sa akin. “Mga kapatid?” Sa lahat ng sinabi niya ay iyon talaga ang pinili kong pagtuunan ng pansin. Na-curious lang ako kung sino ang mga kapatid niya sa mga kasama nila ganoong apat lang naman silang kabataan dito. “You know, Sera and Hara. They are my sisters. Sera is the oldest and Hara is the youngest. I am the middle child.” Sabi niya sa akin na para bang proud siya. Pilit akong ngumiti sa kanya at inirapan muli siya. “You’re a middle child? That’s why you deserve to be ignored.” Napawi ang aking ngiti sa labi. Ayoko nang makipag usap sa kanya. Gusto ko nang umalis dito! Pero bakit ba naandito pa rin ako at nakikipag usap sa kanya? But no. Contrary to what I’d said, no matter what your birth order is, you shouldn’t be ignored. Parents love their children equally whether you’re the oldest, middle, or the youngest. I just want to piss him off and if ever I trigger him or something because of what I’d said. I’m more than willing to apologize. I am not that insensitive. Siguro, minsan. Madalas kasi ay walang filter ang bunganga ko kaya madalas ay napapahamak din ako. But really, I don’t mean any harm. “Oh, that hurts. You’re the first one to say that to me. Wala pang kahit na sinong hindi pumansin sa akin, ‘no? Sa gwapo kong ito? Everyone woman kneels before me—” “Well, not me.” Pagpuputol ko sa kanyang sinasabi. Naglakad na ako. Iiwan ko nalang siya roon dahil wala na talaga akong oras sa kanya. Mas gugustuhin ko pang ubusin ang oras ko sa pagpipilit sa sarili na makatulog kaysa ang makipag usap sa kagaya niya. “Seriously, what’s with you? Gusto ko lang namang makipag usap.” Pagsunod niya sa akin. Napabuntong hininga ako dahil sa kulit niya. Why is he following me? Hindi pa rin ba malinaw sa kanya na ayoko siyang makausap? Can someone tie him or something? “Ayokong makipag usap.” Matipid kong sabi sa kanya. Mas binilisan ko ang aking paglalakad para hindi niya ako mahabol. “I don’t usually chase woman but maybe I can jog a little for you.” Halos madapa ako sa paglalakad ko nang marinig ko ang boses niyang bumulong sa tainga ko. Napatigil ako sa paglalakad at mariing ipinikit ang mga mata. Kaunti nalang ay masasabunutan ko na ang sarili ko dahil sa kanya. “First of all, leave me alone. Second, if you want to flirt, you can get another woman to flirt with you but please, exclude me from your choices. Third, you have a girlfriend, aren’t you? That Selina? I don’t want to get involved in a drama just because you keep on following me around instead of being with your woman!” There. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hangga’t maaari ay nagtitimpi pa ako sa kanya ngunit mukhang wala siyang balak layuan ako. Natulala siya saglit pero imbis na umalis sa harapan ko ay ngumiti pa ito na para bang namamangha siya sa sinabi ko. Oh my god! I’m so done with him. “Okay. First, I can’t leave you alone. Second, I don’t want to flirt with any woman other than you. Blame this island for having you as the most beautiful woman here. Third, Selina is not my girlfriend. I’m just babysitting her. She’s not even my type. Spoiled brat is not my thing.” My eyes went wide. Did he just refute everything I’d said to him? Kinagat ko ang aking labi. Pagtitimpi? Hindi kailangan ng lalaking iyon ang pagtitimpi ko. Huminga ako ng malalim at taas noong nagsalita. “If you think you can get any woman just because you are aware about your looks, then sorry to burst your bubble, but a man like you is not my cup of tea. Hindi kita type.” Matapos kong sabihin iyon ay umalis na ako. Bahala siya kung magreklamo siya sa management na sinigawan ko siya o sinupladahan ko siya. Kung matanggal man ako sa trabaho dahil sa mababaw na rason na iyon ay matutuwa pa ako dahil makakauwi ako sa amin. Pumasok na ako sa dorm namin at isinubsob ang sarili ko sa kama. Wala akong oras makipaglandian sa kahit na sino. Mas marami akong dapat unahing bagay kaysa roon. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog sa umagang iyon. Basta naramdaman ko nalang na ginigising ako nila Olive dahil may naghahanap daw sa akin sa labas. Mabigat ang aking mga mata nang imulat ko iyon. Sino namang maghahanap sa akin? Shift ko na ba? Parang kakapikit ko palang ng mga mata ko, eh. “Anong oras na ba? Shift ko na ba? Kakatulog ko palang.” Nag-set ba ako ng alarm? Hindi ko matandaan. Hindi ko nga namalayan kung ilang oras akong tulala kanina bago ako dalawin ng antok. “Iyong guest doon sa Costa del Sol, Brie, nasa labas at hinahanap ka. Mukhang may kailangan sayo. Huwag kang mag alala, may ilang oras ka pa bago ang shift mo. Labasin mo muna iyon. Nakakahiya, kanina ka pa nila hinahanap.” Sabi ni Olive sa akin. Humikab ako at tumayo rin. Kinusot ko ang aking mata bago ayusin ang sarili para maging presentable kapag hinarap ko na kung sinong naghahanap sa akin. Bakit naman nila ako hahanapin? Anong kailangan nila sakin—nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko ang nangyari kanina. Sinigawan ko nga pala iyong lalaki kanina na nasa Costa del Sol. Iyong Gio! Nagsumbong kaya siya sa mga magulang niya at naandito sila upang pagalitan ako dahil sa mga sinabi ko? Mariin kong ipinikit ang aking mga mata dahil sa mga pinag iiisip ko. Come to think of it, saan ko nakuha ang lakas ng loob ko kanina? I can’t lose this job! Nag ayos na ako at nagdadalawang isip na lumabas ng dorm. Naabutan ko roon iyong Gio na nakahalukipkip habang nakasandal sa katawan ng isang puno at iyong dalawang kapatid niya na nag uusap. May dalawa pa silang kasama na may edad na. Nakatalikod sila sa akin kaya’t hindi ko mamukhaan kung sino sila sa guest ng Costa. Baka mga magulang ng Gio na iyon. “Good afternoon po. Hinahanap niyo raw po ako?” Kinakabahan man ay hindi ko iyon ipinahalata. Tiningnan ko kung nasaan si Gio. Seryoso lang naman siyang nakatingin sa akin. Umirap ako para ipamukha sa kanya na hindi ko pinagsisisihan ang mga sinabi ko sa kanya kahit na pakiramdam ko ay last day ko na sa trabaho ngayon. Humarap iyong mga magulang ata nila Gio sa akin at nagulat akong makita na si Ma’am Leonor pala iyon. No way! Siya ba ang ina ni Gio? Weh? Parang hindi sila magkamukha—hindi sila magkaugali! “Hi,” malambing na pagbati sa akin ni Ma’am Leonor. “I hope you remember me, Bryleigh.” Napatungo ako at bumati rin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako ginagapangan ng hiya ngayon. Parang gusto ko na agad humingi ng paumanhin kay Ma’am Leonor sa lahat ng sinabi ko sa kanyang anak kahit hindi ako sigurado kung iyon ba ang dahilan bakit sila naandito ngayon. “By the way, this is Santiago Jiovani Benavidez, my husband.” Pagpapakilala niya sa lalaking kasama niya. Magalang naman akong bumati. Nginitian din ako ni Mr. Santiago. Nilingon ni Ma’am Leonor iyong tatlong anak niya at ipinakilala rin sa akin. “My eldest, Seraphine Harriette Benavidez. My youngest, Sahara Henedine Benavidez and of course, my only son, Giovanni Jarret Benavidez.” Nginitian ako nila Hara at Sera. Si Gio naman ay seryoso pa ring nakatingin sa akin. Nagpanggap nalang ako na hindi ako kinakabahan at ngumiti kahit hindi ko alam bakit niya ako ipinapakilala sa pamilya niya. “I know you’re curious and confused right now but when I heard about your mother’s name, I can’t help but feel happy. You’re Laila Acosta’s daughter, right?” Hindi nawawala ang malalambing na ngiti ni Ma’am Leonor. Nakakatulala talaga iyon. Para siyang diyosa na nagkatawang tao mula sa mga mythology book na nabasa ko noon. “Opo.” Kilala niya ba ang aking ina? Ngayong nabanggit niya iyon, nang sabihin ko sa kanya ang pangalan ng aking ina kanina ay natulala siya at para bang isang surpresa iyon sa kanya. Niyakap niya ako na siyang ikinagulat ko. Humiwalay din naman agad siya at humingi ng paumanhin dahil sa biglaan niyang ginawa. “Pasensya ka na, ha? Masaya lang talaga ako. Si Laila kasi iyong tinutukoy ko na anak ng nagtrabaho sa pamilya ko rati. Malapit kami sa isa’t isa at ang tagal ko na rin siyang hindi nakikita. Para ko na siyang ate noon. Kaya lang bigla siyang umalis sa bahay nang walang paalam at hindi na nagpakita. The last thing na narinig kong balita sa kanya ay nagdadalang tao siya. I was just so happy to meet you. Kaya pala kahawig mo siya kasi ikaw ang anak niya.” Natulala ako dahil sa mga detalyeng sinabi niya sa akin. Pinoproseso ko iyon at para bang isang panaginip ang lahat ng narinig ko. Kakilala siya ng aking ina? Nang bata ako ay madalas na may ikinukwento si Inay sa aking isang babae. Itinuring niya raw iyon na nakababatang kapatid dahil solo siyang anak. Na kahit nagta-trabaho sila ng lola ko sa pamilya ng babae bilang kasamabahay ay hindi siya itrinatong iba ng babae. Si Ma’am Leonor ba ang tinutukoy ni Inay? “We’re planning to visit our house in Polillio tomorrow. You said that you’re from Polillio, right? Can you come with us? You can act like you’re our tour guide para naman hindi masabing hindi ka nagta-trabaho. My husband knows the manager of this place, he can talk to them and to your supervisor. I also want to see Laila again. I hope you will say yes.” Nakaposisyon pa ang kanyang kamay sa may bibig niya at para bang nagdarasal ito na tanggapin ko ang alok nila. Napatingin ako sa kanyang asawa at tumango ito sa akin, para bang sinasabi na huwag ko sanang tanggihan ang asawa niya. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako dahil ito iyong hinihintay ko. Ang makauwi sa amin para mabisita ko man lang si Inay kahit sandali. Huminga ako ng malalim at tumango kay Ma’am Leonor. “Sasama po ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD