Nakauwi na ulit kami sa mansyon. Sina Sir Santiago at Ma’am Leonor ay nagpaiwan pa sa bahay nina Sir Silas. Ang sabi ni Sir Santiago ay kailangan daw nilang makita si Sir Vince upang malaman ang kalagayan nito dahil sa nangyari sa anak nito. Papunta na sana ako sa kwarto ko nang hawakan ni Gio ang kamay ko. Nilingon ko siya at nakita ko ang malulungkot niyang mga mata. Matipid siyang ngumiti sa akin. “Can you…uhm, sleep in my room?” tila ba nagdadalawang-isip niyang tanong sa akin. Tumulala pa ako nang una pero ngumiti rin nang maproseso ko ang sinabi niya. Maayos ko siyang hinarap at tumango. “Sure. Magbibihis lang ako,” sabi ko sa kanya at tinapik ang kanyang kamay na nakahawak sa akin. Tumango rin naman ito at hinayaan na akong pumunta sa kwarto ko. I took a short bath and changed

