“I want to you to help me find a gift for someone important.” Iyon ang sabi ko kay Monica. Isa sa mga naka-hook up ko rati. Marami siyang alam sa mga alahas at dahil ayokong gayahin sina Silas at Zavi sa mga ibinigay nilang regalo sa mga babae nila ay humihingi ako ng tulong sa kanya ngayon. “Wow, after you stopped contacting me for almost a year, tatawagin mo ako rito para tulungan kang ipili ng regalo ang ibang babae mo? You never gifted anyone jewelries, Gio, so why now? Anong kaibahan ng babaeng iyan sa amin?” pagtatanong niya. Hindi ako nagsalita. Ano nga ba? I don’t know. Ang alam ko lamang ay iba ang trato ko sa kanya at simula nang pasukin namin ang kasunduang mayroon kami ay tumigil na rin ako sa pambababae. “I didn’t invite you here to question me. Just tell me what’s a good j

