Episode 01

876 Words
"Samantha POV" Masaya akong nagbe-bake ng cupcakes ngayon. Uuwi kasi si Kuya Lugan mula sa ibang bansa, at gusto ko siyang i-surpresa. Mag-isa lang akong gumagawa sa kusina. Si Manang Fe naman ay abala rin sa paghahanda ng pagkain. Tahimik ang paligid, tanging tunog lang ng oven at mga gamit ang maririnig—pero puno ng excitement ang puso ko. Maingat kong nilagyan ng icing ang bawat cupcake. Pinaganda ko talaga, gusto kong magustuhan niya. Gusto kong… matuwa siya sa akin. At nang marinig ko ang tunog ng mga sasakyan sa labas, bigla akong kinabahan at natuwa. Dumating na siya. Mabilis kong inayos ang mga cupcakes sa tray at halos patakbong lumabas ng kusina. Pagdating ko sa living area, saktong bumukas ang pinto. “Hi, Kuya… welcome home!” masigla kong bati, halos hindi maitago ang saya sa boses ko. Pero ang sumalubong sa akin… ay isang malamig na titig. Parang biglang nanlamig ang buong katawan ko. Kahit ganoon, pilit akong ngumiti at lumapit. Iaangat ko pa lang sana ang mga kamay ko para yakapin siya— Ngunit malakas niya akong itinulak. Napaatras ako. “K-Kuya…?” mahina kong tawag, nanginginig ang boses ko habang tumitingin sa kanya. Galit. Iyon lang ang nakikita ko sa mga mata niya. “Can you stop? Stop calling me that. You’re not my sister.” Parang may kung anong sumaksak sa dibdib ko. Masakit. Sobrang sakit. Pero ngumiti pa rin ako. Pinilit kong itayo ang sarili ko, inayos ang tray na muntik ko nang mabitawan. “Kuya… para sa’yo ‘to. Ako mismo ang gumawa…” mahina kong sabi, pilit kinakalma ang sarili habang pinipigilan ang mga luha. Masakit… pero kailangan kong kayanin. Kailangan kong subukan ulit. Lumapit siya sa akin. At sa sandaling iyon… umasa ako. Kinuha niya ang isang cupcake. “Really?” malamig niyang tanong. Sandaling tumibok nang mabilis ang puso ko. “Then… kainin mo.” At bago pa ako makareact— Tinapon niya iyon sa mukha ko. Napapikit ako sa gulat. Kasunod noon, malakas niyang binangga ang balikat ko. Nawalan ako ng balanse at bumagsak sa sahig. Nagkalat ang mga cupcakes. Yung mga pinaghirapan ko. Yung mga ginawa ko… para sa kanya. Bakit ganito? Halos isang taon na… Pero bakit parang wala pa ring nagbago? Bakit parang nasa umpisa pa rin ako? Pinilit kong huminga nang malalim. Pigilan ang luha. Tumayo ako. At doon ko napansin— Naroon pala ang mga kaibigan niya. Nakatingin sila sa akin. Sa pangalawang pagkakataon… nakita na naman nila kung paano niya ako tratuhin. Nakakahiya. Masakit. Pero ngumiti pa rin ako. Yumuko. At tahimik na umalis. Diretso ako sa kwarto ko. Pagkapasok na pagkapasok ko— Doon ko na pinakawalan ang lahat. “Bakit ba…? Bakit hindi pa rin…?” basag ang boses kong tanong sa sarili. “Ginawa ko naman lahat, ah…” Hindi ko na napigilan. Tuluyan na akong humagulgol. “H-Halos isang taon na akong nagtitiis… pero bakit… ganito pa rin? A-Ang sakit-sakit na…” Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit. Ginawa ko na ang lahat para matanggap niya ako. Pero wala pa rin. Parang… wala akong halaga. Parang gusto ko na lang umuwi sa probinsya. Doon… kung saan hindi ganito kasakit. Mabilis kong pinahid ang luha ko at pumasok sa banyo. Binuksan ko ang shower. Hinayaan kong bumuhos ang tubig sa akin— Umaasang kahit papaano… mahuhugasan nito ang sakit na nararamdaman ko. Alas-6:45 na ng gabi pero nasa loob pa rin ako ng kwarto. Kanina pa ako gustong lumabas. Pero… nauuna ang hiya. Nahihiya ako. Sa mga kaibigan ni Kuya. Sa nangyari. Kaya kahit kumakalam na ang sikmura ko sa gutom, hindi pa rin ako lumalabas. Mahigpit kong niyakap ang sarili ko. Kung nandito lang sana sina Mama at Papa… Pero wala. Nasa ibang bansa sila para sa business trip. Kaya kaming tatlo lang—ako, si Kuya, at si Manang—ang nandito. Ang tahimik. Ang lungkot. Hindi ko namalayan ang oras. Hanggang sa napagpasyahan kong lumabas na. Alas-9:43 na ng gabi. Siguro naman… wala na sila. Paglabas ko ng kwarto, tahimik ang living area. Wala na nga sila. Napabuntong-hininga ako. Dumeretso ako sa kusina at nadatnan si Manang Fe na nag-aayos. “Iha, bakit ngayon ka lang lumabas? Halika, kumain ka na,” malambing niyang sabi. “Salamat po,” mahina kong tugon. Umupo ako at nagsimulang kumain. Ngayon ko lang naramdaman kung gaano ako kagutom. Hindi na siya nagtanong. At nagpapasalamat ako doon. Wala akong lakas magpaliwanag. Pagkatapos kong kumain, nagligpit ako. Paglabas ko, napatingin ako sa living area. Dito… Dito lahat nangyayari. Dito niya ako tinataboy. Dito niya ako sinasaktan. Hindi na ako nagtagal. Lumabas ako ng bahay para magpahangin. Madilim ang paligid, pero may kaunting ilaw pa rin mula sa labas. Naglakad ako papunta sa gate. “Iha, gabi na. Saan ka pupunta?” tanong ni Manong Rolando. Ngumiti ako. Kahit hindi naman talaga ako masaya. “Diyan lang po, Manong… magpapahangin lang,” sagot ko. Tumango siya at pinagbuksan ako. “Salamat po,” sabi ko bago lumabas. Tahimik ang paligid. Halos walang marinig. Nasa gitna kasi ng kakahuyan ang bahay namin. At kailangan pang maglakad ng ilang metro bago makarating sa labas. Huminga ako nang malalim. At nagsimulang maglakad. Umaasang kahit papaano… Gagaan ang pakiramdam ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD