Episode 03

1136 Words
Chapter 03 "Samantha/Anna pov" Tahimik ang buong bahay. Well, lagi naman. 8am pa lang ng umaga pero sobrang tahimik na, parang ang bigat ng paligid kahit wala namang ginagawa. Pagkababa ko ng hagdan ay sa kusina na ako dumiretso para kumain. Late kasi ako nagising dahil matagal din akong nakatulog kagabi. "good morning Iha, kumain ka na rito," bungad sa akin ni Manang, may halong lambing sa boses niya na kahit papaano ay nakakapagpagaan ng pakiramdam ko. "Good morning po. Saan po sila?" tanong ko rito habang kumuha ng pinggan at umupo, medyo mabigat pa rin ang dibdib ko kahit bagong gising. "Maagang umalis, sina ma’am and sir... ang kapatid mo naman, ayun umalis din," paliwanag ni Manang. Buti na lang at umalis siya. Kagabi, pag-uwi ko, sobrang galit niya sa akin. Bakit daw ginabi ako ng uwi. Si Papa at Mama ay hindi naman nagalit, pero siya—parang mas galit pa kaysa sa magulang ko. Akala mo naman tatay ko kung umasta. Naalala ko pa kagabi… ilang beses akong humingi ng sorry kay Papa dahil nagamit ko ang pera niya. Ipinaliwanag ko naman lahat, kaya sa huli naintindihan niya rin. At sabi pa niya, magpapadala daw siya ng tulong para sa magkapatid. Kaya kahit sobrang galit si Kuya… may maliit na ngiti pa rin sa puso ko dahil sa sinabi ni Papa. Matapos akong kumain ay tumulong na ako sa paglilinis. Naglinis ako sa second floor ng bahay, pagkatapos ay sa baba. Hindi naman mahirap linisin dahil malinis naman ito, pero ramdam ko pa rin ang bigat ng katahimikan sa loob ng bahay. Nang nasa sofa na ako at naglilinis ay bigla ring bumukas ang main door at pumasok ang kapatid ko kasama ang mga kaibigan nito. Hindi ko na lang ito pinansin at ipinagpatuloy ang ginagawa ko, kahit ramdam ko ang bigat ng presensya nila. "Buti naman at naisipan mo 'yan," seryosong sabi nito at pabagsak na umupo sa sofa, kasunod ang mga kaibigan niya. Umayos naman akong tumayo sa harap nila, pilit pinapakalma ang sarili ko. "Gusto niyo ng maiinom?" tanong ko sa kanila, kahit sa loob-loob ko ay kabado ako. Isa sa natutunan ko sa pamilya ko sa probinsya ang pagiging magalang. Hindi ko sila bisita, pero bisita naman sila ng kuya ko. "Naku wala naman—" "Oo, hindi na namin kailangan uminom—" "Magdala ka ng malamig na tubig rito," walang buhay na sabi ng kapatid ko, na para bang wala akong halaga sa harap nila. "Sige po," magalang kong sagot dito bago tumalikod, kahit may kumurot sa dibdib ko sa bawat salitang lumalabas sa kanya. Agad naman akong umalis sa harap nila, pero bago pa man ako makalayo ay narinig ko pa ang sinabi ng isa sa kaibigan ni kuya. "Bro, bakit ka ba ganyan sa kapatid mo?" tanong nito, pero hindi ko na pinakinggan ang sagot ng kuya ko dahil alam kong mas masasaktan lang ako sa maririnig ko. Dahan-dahan kong nilapag ang dala kong tubig at iba’t ibang prutas sa mesa, pilit pinipigilan ang panginginig ng kamay ko. "Bakit tubig lang yan?" agad naman akong napalingon sa kuya ko na biglang nagtaas ng boses, kasabay ng matatalim na tingin niya at ng mga kaibigan niya. "Ih, eh kayo po ang nagsabi—" "Shut up. Kahit kailan wala ka talagang silbi rito," galit nitong sabi sa akin. Putcha… sobra na talaga. Agad akong napayuko para pakalmahin ang sarili ko. Konti na lang at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. "Yan na lang ang gagawin mo, palpak pa," dagdag niya, bawat salita parang patalim na tumatama sa dibdib ko. "Hey bro, stop it," awat ng isang kaibigan nito, may pag-aalala sa boses. "Wag kang makialam dito," galit namang sagot ni kuya, parang walang pakialam sa sakit na ginagawa niya sa akin. Nako kuya… konti na lang talaga. "Ih, kayo namang ba—" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. Sa isang iglap, hinila ko ang damit niya at malakas siyang sinuntok sa mukha. "Pangatlong beses na 'to ha, at talagang hindi ko na 'to palalagpasin," sigaw ko habang nanginginig sa galit, at muling sinuntok siya sa mukha dahilan para matumba siya. "What the—" "Hoy, KUYA alam mo matagal na akong nagtitimpi sa'yo ha... lahat ng masasakit mong sinabi sa akin tiniis ko kahit wala sa vocabulary ko ang salitang MAGTIIS!" galit kong sigaw, habang nanginginig na ang boses ko sa halo-halong sakit at galit. Nanahimik silang lahat. "nakakaubos ka na ng pasensya ha... kung ayaw mo sa akin bilang kapatid, ayaw ko rin sa'yo. Sinusubukan ko namang maging mabait sa'yo..." galit kong sabi, pero ramdam ko na rin ang pagkapagod sa dibdib ko. Hindi ko na siya hinintay magsalita. Mabilis akong umalis sa harap niya, bago pa ako tuluyang bumigay. Agad naman akong nahiga sa kama ko at nagtakip ng kumot, habang nanginginig pa rin ang kamay ko. "putcha bakit ba ang ikli ng pasensya ko... pero siguro naman tama na 'tong ginagawa ko," mahina kong sabi sa sarili ko, habang pinipilit kong pakalmahin ang dibdib ko. Ah bahala na. Mabilis naman akong bumangon at lumabas ulit. Pagkababa ko ay nakita ko itong nakaupo na sa sofa. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin nang tumingin siya sa akin, kaya agad ko rin siyang inirapan. Tsk. Kung akala niya hihingi ako ng tawad sa kanya, asa naman siya. "Iha? Buti nandito ka. Ano bang nangyari kanina doon? Narinig kong sumigaw ka o galit," tanong sa akin ni Manang habang abala sa niluluto nito, may pag-aalala sa boses niya. "Naku Manang, wala lang po 'yon," pagsisinungaling ko dito, kahit ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko, at umupo sa harap ng mesa. Tahimik ang buong hapag-kainan at tanging tunog lang ng kutsara at tinidor ang maririnig. Kasama naming kumain ang mga kaibigan niya at si Manang. Hanggang matapos ay tahimik pa rin ang lahat. Nauna na akong umalis sa kanila at dumiretso sa sofa at maayos na umupo sa harap ng TV at nanood, kahit hindi naman talaga pumapasok sa isip ko ang pinapanood ko. Napansin ko namang papalapit ang mga kaibigan ni kuya, pero hindi ko na lang ito pinansin at itinutok sa TV ang atensyon ko. "Samantha, aalis na kami paki sabi na lang sa kuya mo," sabi ng isang kaibigan ni kuya. Lumingon naman ako sa kanila at tumango. "Sige po," maikling sagot ko, pilit na ngumiti kahit pagod na pagod na ang pakiramdam ko. "Ooh, oo nga pala ang galing mo kanina ahh," napangiti naman ako sa sinabi ng isang kaibigan ni kuya sa akin. Nag-thumbs up pa ito sa akin at ganoon din ang iba bago sila lumabas ng bahay. Nang makaalis sila ay tumayo na rin ako para pumunta sa kwarto para matulog, dahil pakiramdam ko pagod na pagod na ang buong pagkatao ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD