Chapter 04
"Samantha/Anna pov"
Unang araw ko ngayon sa eskwela at halos hindi na ako mapakali. 4am pa lang ng umaga ay gising na ako para ihanda ang mga gamit ko. Maaga kasi akong pupunta dahil may aasikasuhin pa si Kuya sa university. Yes, siya ang maghahatid sa akin. Sina Mama at Papa naman ay nasa ibang bansa dahil sa businesses kaya kay Kuya nila ako iniwan.
Halos manginig ang buong katawan ko paglabas ko ng banyo. Pagkatapos kong maligo ay naalala ko na nakalimutan kong ayusin kung paano gawing mainit ang tubig sa shower kaya no choice ako kundi maligo sa malamig.
5:30am, lumabas na ako ng kwarto ko at saktong nakita ko si Manang sa kusina na busy na rin sa pagluluto.
Tumulong na rin ako at pagkatapos ay kumain na rin. Sakto ring bumaba si Kuya kaya sabay-sabay na kaming mag-almusal.
"Wala ka na bang naiwan na gamit?" tanong nito.
"Nandito na po," walang gana kong sagot at nauna nang pumasok sa sasakyan niya.
Pumasok na rin siya at pinaandar na ang sasakyan. Medyo mahaba ang biyahe dahil malayo ang university na ito. Kaya nga naisip nina Mama na mag-condo na lang ako para hindi na ako mahirapan sa pag-uwi, pero sabi ko pag-iisipan ko muna.
May malapit naman na university sa amin pero ayaw nina Mama dahil public. Wala naman akong problema roon, pero gusto nila na maranasan ko ang private school. Kaya pumayag na rin ako. At least, kilala nila Mama at Papa ang university dahil may shares sila doon.
"Oh btw sis, Kuya William will be coming this evening... and I know first time mo pa siyang makikilala," sabi ni Kuya Lugan.
Halos manlamig ang buong katawan ko sa sinabi niya.
Si Kuya William—panganay namin. Nakakausap ko na siya pero sa calls lang, at never ko pa siyang na-meet. Kaya first time pa naming magkikita.
At lagi nilang sinasabi sa bahay na sobrang seryoso daw ni Kuya William… kaya mas lalo akong kinakabahan. Baka hindi niya ako matanggap.
"Hey, are you listening? Wag kang mag-alala, hindi ka naman papatayin ni Kuya," natatawang sabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin.
Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na lang sa labas ng bintana.
"Here your uniform and ID, and your class schedule," agad ko itong tinanggap at sumunod kay Kuya Lugan.
Habang nag-uusap sila ay hindi ako nakikinig. Ang isip ko ay nasa university pa rin. Sobrang ganda pala dito—halatang mamahalin.
Lumabas kami ng office at para na akong buntot ni Kuya sa kakasunod dahil hindi ko alam kung saan pupunta.
"Hey, stop following me. You need to be on your own, remember, Samantha," seryosong sabi niya.
Kaya agad akong napayuko.
"Hindi na kita masasamahan pa. Nandiyan sa loob ang map para hindi ka maligaw. Remember, Samantha, you're 20. I know kaya mo iyan," sabi niya.
Kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.
"Anong akala mo sa’kin, bata? Kaya ko na ito. Hindi naman kalakihan ang university na ito para mawala pa ako rito," maarte kong sabi.
"Ohh really? Then good luck," sabi niya na may pang-aasar na tingin.
"Wag na wag mong papatayin cellphone mo Kuya ah," mahinang sabi ko.
Doon siya tumawa.
"Akala ko ba hindi ka na bata? HAHAHAHA"
"Tumahimik ka nga Kuya, tinitignan na tayo ng mga tao oh," sabi ko at tumingin sa paligid.
Hindi ko na siya pinansin at mabilis na umalis sa harap niya.
Binuksan ko ang envelope at kinuha ang map. Baka mawala pa ako dito. Malaki talaga ang university.
"Okay, doon ang locker area... at doon ang cafeteria... at doon... at doon..." mahinang paliwanag ko sa sarili ko habang tumitingin sa paligid.
Sa locker area muna ako pumunta para magpalit ng uniform at ilagay ang ibang gamit ko.
Sinabihan na rin ako ni Kuya kanina tungkol sa rules dito dahil dito rin sila nag-graduate.
Naglalakad na ako papunta sa building ng BSBA-FM dahil doon ako nabibilang. Alangan namang sa Engineering building ako pumunta.
"Section 3-B, first period room 6, second period room 1," agad akong napabuntong-hininga.
Sino bang matutuwa sa schedule na ‘to? Yung room 6 nasa 4th floor, tapos yung room 1 nasa ground floor. Parang araw-araw kang papayat sa kakakyat-baba. Buti na lang may elevator.
Pumasok ako sa elevator at pinindot ang 4th floor. Buti na lang tinuruan ako ni Kuya kung paano sumakay dahil kung hindi, baka pinagtawanan na ako ng mga estudyante.
Tatlong beses akong kumatok bago binuksan ang pinto. Ngumiti ako sa prof at yumuko.
"Pasensya na po, late ako."
"Ms. Samantha Maria Perez?" tanong niya.
Ngumiti ako at tumango.
Naglakad siya at humarap sa klase.
"Listen everyone, may bagong classmate kayo. Come here Ms. Perez, introduce yourself."
Lumapit ako nang confident at humarap sa kanila.
"Hello everyone, I'm Samantha Maria Perez, or you can call me Sam. I'm 20," sabi ko at ngumiti.
Pero tahimik lang silang nakatingin sa akin.
"Okay, Ms. Perez, you can sit beside Ms. Salvador," sabi ng prof at tinuro ang isang babaeng seryosong nakatingin sa akin sa gilid ng bintana.
Tahimik ang buong klase hanggang matapos. First day ko kaya wala pa akong kakilala o kaibigan, kaya mag-isa akong naglalakad papunta sa likod ng Engineering building.
Sabi ni Kuya may malaking puno raw doon na pwede kainan tuwing tanghali.
Nakayuko ako habang naglalakad dahil nakasalubong ko ang ilang lalaki. I feel so small every time may lalaki akong nakakasalubong.
Nagpatuloy ako hanggang marating ko ang likod ng building.
Napahinga ako nang malalim at dinama ang malamig na hangin mula sa kagubatan sa harap. Puro puno ang makikita rito.
Napatingin ako sa malaking puno ng mangga at lumapit doon.
Napangiti ako nang makita ko ang pangalan ni Kuya na nakaukit sa puno. Sabi niya, sila raw ng mga kaibigan niya ang unang nakakita nito kaya inukit nila ang pangalan nila bilang tanda.
Hindi ko na lang ito pinansin at umupo sa ugat ng puno ng mangga at binuksan ang bag ko para kumain. Nagbaon talaga ako para makatipid.
Habang kumakain ay napapikit ako dahil sa malamig na hangin na dumadampi sa balat ko.
Last subject na lang bago uwian. Tahimik akong nakaupo sa gilid ng bintana sa computer lab para sa accounting subject.
Ngayon ko lang nakita kung gaano pala kaganda kapag nasa loob. Sa probinsya kasi bihira kami makapasok sa lab, at kapag nakapasok man ay maglilinis lang kami kaya sobrang excited ako ngayon.
Hindi nagtagal ay nag-umpisa na ang activity. Buti na lang may alam ako kahit papaano sa computer, nakakahiya rin sa mga kaklase kong parang professionals na gumamit nito.
Hindi ko alam kung anong oras ako natapos, pero nagulat na lang ako na madilim na pala sa labas.
Kaya halos tumakbo na ako palabas ng gate.
Mas lalo akong nagmadali nang makita ko ang 20 missed calls mula kay Kuya Lugan.
Agad akong napahawak sa dibdib ko nang makalabas ako. Ilang estudyante na lang pala ang natitira.
Bigla akong napatigil nang may malakas na busina sa likod ko.
Kaya galit ko itong hinarap—
At nakita ko si Kuya Lugan na tumatawa sa loob ng sasakyan.
"Happy?" galit kong tanong habang sumasakay.
"Tumigil ka na nga," sabi ko.
"Oh my God, nakita mo lang reaction mo kanina, pati ekw matatawa," natatawang sagot niya bago pinaandar ulit ang sasakyan.
"Ewan ko sayo."