Chapter 05
"Someone POV"
"Hey bro, I have good news for you," my friend Arkin said happily.
"What now?" I answered without interest and continued my work for the organization I handled.
"That jerk is back in the Philippines… and for sure that jerk is happy now, especially since they’ve already found his long-time missing sister," he said.
I suddenly stopped and looked at him seriously.
What? Happy? No one should be happy in this world.
"What’s the plan?" Ashton asked while seriously playing on his phone.
"No one is allowed to be happy in this world… especially that jerk," I said seriously, almost breaking the pen I was holding.
"Easy, bro. Revenge isn’t satisfying if there’s nothing to lose, right?" Andrew said while looking at me seriously.
"Buhay ang kinuha niya, kaya buhay rin ang babawiin ko," I said seriously and stood up, then walked away.
I will make sure you feel the pain of losing someone you love. You will pay for everything you did and everything you took from me, William Perez.
"Samantha/ Anna pov"
Tahimik lang akong nakaupo sa gilid habang sina Kuya Lugan at Kuya William ang nag-uusap. Nasa isang restaurant kami. Dumiretso kami dito ni Kuya Lugan dahil kakadating lang ni Kuya William at dito niya gustong kumain.
At tama nga sila… nakakatakot pala talaga si Kuya William. Kahit kinakausap niya ako, naiilang pa rin ako. Para siyang taong dapat katakutan. Yung aura niya… parang hindi siya natatakot pumatay. Pero sabi naman nila Mama, mabait daw si Kuya William. Ahh, ewan. Bahala na.
“Hey, Samantha, are you okay?” tanong niya.
Napatingin ako sa kanya at napangiti bago uminom ng tubig.
“Ah, okay lang po ako,” sagot ko, pilit na nakangiti.
“How’s your school? I heard today is your first day.”
“Ah, opo. Maayos naman po, wala namang nangyari,” magalang kong sagot.
“That’s good. If something happens, just tell me, okay?” sabi niya.
“Yes po,” tugon ko.
Lumipas ang mga araw. Naging maayos naman ang routine ko—bahay at school lang ang ikot ng araw ko. Normal lang. Madalas wala sina Mama at Papa. Si Kuya naman ay naging busy na rin sa company, pero kahit gano’n, sinisigurado pa rin nilang maayos ako. Si Kuya Lugan ang laging naghahatid at sumusundo sa akin sa school.
Pero si Kuya William… simula nang umuwi siya, palagi na rin siyang umaalis. At kapag tinatanong ko si Kuya Lugan, lagi niyang sagot ay may importante daw itong trabaho.
“Good morning, everyone,” bati ng professor namin.
Napangiti ako nang mapatingin siya sa akin bago ako bumati pabalik.
“Okay, today I have an important announcement for all of you,” masaya niyang sabi, dahilan para mag-ingay ang buong klase.
“Ang IU University ay may bagong chairman, and one of these days, possible siyang bumisita rito. So make sure na ready kayo sa araw na iyon, okay?”
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya.
Ano naman ang pakialam ko sa chairman? Okay sana kung bata pa ‘yon, kaso paniguradong matanda na. At itong mga kaklase ko, akala mo naman makakatili sa kilig.
Hindi ko na lang sila pinansin at pinagtuunan na lang ng pansin ang next subject ko. Nakalimutan kong may assignment kami, kaya heto ako nagmamadali. Buti na lang at hindi na nagklase si Ma’am at announcement lang, kaya may oras pa akong tapusin ito.
"Hey Sam,"
Agad naman akong lumingon sa tumawag sa akin at nakita ko si Bella na kakapasok lang.
"Ang aga mo naman dumating," walang gana kong sabi at binalik ang tingin sa notebook ko.
"Nasiraan kami kaya na-late ako. Buti na lang at hindi nagklase si Ma’am," masayang sabi nito.
Si Bella… kaibigan ko. Sa awa ng Diyos, nagkaroon ako ng kaibigan sa university na ito.
"Wait, assignment natin ‘yan ah? Hindi mo ginawa ‘yan kagabi?" takang tanong nito.
Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya tumahimik siya agad.
"Hayst… unang araw mo ngayon? Init ng ulo mo. Oh, ito idea lang, kunin mo ha," sabi niya at inabot sa akin ang notebook niya.
Tinanggap ko naman agad.
Hindi ko alam pero wala talaga ako sa mood sa araw na ito. Mabilis akong magalit. Buti na lang at naiintindihan ako ng gaga na ito.
Hayts