PAGKAPASOK pa lamang namin ni Morgon sa entrance ng VMI building, sa amin agad natuon ang paningin ng mga taong naroon sa lobby. I’m wearing a spaghetti strap red bodycon dress kaya kitang-kita ang magandang kurba ng katawan ko. I wear four inches pointed heels and my hair is also in a ponytail. Sanay na akong pagtinginan ng mga tao. Well, sabi ko nga... Sa klase ng trabaho ko sa London, hindi na bago sa akin na matuon sa akin ang camera o mga mata ng mga tao sa paligid ko. But I know hindi lamang iyon ang dahilan kung bakit nakatingin sa amin ni Morgon ang mga tao ngayon na nasa lobby. Dahil magkahawak kamay kaming dalawa. Marahil ay nagtataka sila kung bakit kami magkasama ni Morgon at magkahawak kamay na dumating sa building. Hindi ko na lamang sana iyon papansinin, pero huminto nama

