Malinaw naman ang mga sinabi ni Sir Wade pero nahirapan siyang isaksak iyon sa kanyang utak. Masyado na sigurong malaki ang paghanga na ibinigay niya sa lalaking ito at ayaw niyang paniwalang kaya nitong mag-alok sa kanya ng ganoong bagay. Ang baba ng tingin nito sa kanya. Nasasaktan siya. Naapakan nito ang pride niya. Kahit ilang beses siyang isinalba nito, kahit ilang pagkakautang pa magkaroon siya rito, wala itong karapatan na maliitin siya ng husto. Kung ibang lalaki pa siguro, mauunawaan niya. Hindi lang alam ni Sir Wade kung gaano siya nanliliit sa pakiramdam. Buong akala niya ay iba ito. Inilagay niya ito sa pedestal ng paghanga pero katulad din pala ito ng iba. Nakakasama ng loob. May pagkamahinhin ang kilos niya pero nagawa niyang mabilis na tumayo at buksan ang pinto. “Ta

