CHAPTER 19

3102 Words
Rain POV Nagising ako dahil umaga na hahahaha joke lang nagising ako dahil nagugutom na ako tumingin ako sa orasan mag e-eleven na pala, kaya na isipan ko nang tumayo para makapagluto na ng lunch pero bago ako tumayo napansin kong medyo matigas yung unan ko kaya tinignan ko pagtingin ko nanlaki ang mga mata ko, hala hindi pala unan kundi braso pala ni red kaya napabangon ako pero hindi ako naka-alis agad dahil yung kamay ni red nakayakap sakin bigla na naman lumakas yung kabog ng dibdib ko. Dug! Dug!... Dug! Dug!... Dug! Dug! Hala ano na naman nangyayari sa puso ko alam ko may sakit ako sa puso pero bakit ganito na naman yung t***k ng puso ko. Naramdaman ko na nag-init ang mukha ko sa ilang kaya dahan dahan ko inalis yung kamay ni red at dahan dahan din akong tumayo, pagtayo ko napansin ko na magkakayakap sila mag papartner kaya pinicturan ko sila isa isa nakakakilig talaga sila. Umakyat na ako, maliligo at magbibihis muna ako bago magluto. Pagtapos ko ay bumaba na agad ako pagtingin ko sa sala wala na si red pagpunta ko sa kusina nandun sya tawa nang tawa. "Uy ano tinatawa tawa mo dyan?" sita ko sa kanya napatingin naman sya sakin "Yung mga picture kasi nila ang e-epic kasi hahahah" tumawa ulit sya nang tumawa "Patingin nga" lumapit ako at tumabi sa kanya Pinakita naman nya yung mga pictures, pagtingin ko tumawa ako nang malakas. "Hahahah oo nga hahahah ang epic hahahah" nakakatawa ang mga itsura nila habang natutulog "Shhh hinaan mo lang boses mo mamaya magising sila" saway nya sakin habang tumatawa "Nakakatawa kasi hahahaha" tumawa ulit ako pero mahina na "Kanina ka pa ba gising?" pag-iiba nya nang usapan "Medyo, nakaligo na nga ako" sagot ko naman sabay suklay ko sa buhok ko gamit yung mga daliri ko "Ang aga mo naman nagising" nagtatakang tanong nya na nakatingin sakin "Anong maaga? Tignan mo nga magtatanghalian na" sagot ko sa kanya na nakaturo sa wall clock sa kusina "Sabi ko nga eh sige akyat na muna ako para makaligo na din ako" paalam nya at binulsa nya na yung phone nya "Sige magluluto na muna ako" tumayo na kami parehas Umakyat na sya, ako naman nagsimula nang magluto. Malapit na akong matapos magluto nang bumalik si red. "Tapos na ako maligo, may maitutulong ba ako?" tanong ni red pagkadating nya sa kusina "Naku wala na patapos na din itong niluluto ko" sagot ko habang hinahalo yung niluluto ko "Sigurado ka ba?" lumapit na sya sakin at tinignan yung niluluto ko "Oo naman... Magtimpla ka na lang pala ng juice" utos ko nang hindi nakatingin sa kanya Pumunta na sya sa ref at kumuha ng tatlong pitsel ng tubig tapos kumuha sya powder juice sa cabinet malapit sa ref. "Ano pala yang niluto mo?" tanong nya habang nagtitimpla sya ng juice malapit sa pwesto ko "Ang specialty ko tinolang manok" nakangiting sagot ko habang inilalagay ko yung dahon ng sili sa kaserola "Mukhang masarap yan" nakita ko pang inamoy nya yung usok mula sa kaserola "Oo naman noh" tinakpan ko na yung kaserola "Tulungan mo na ako maghain para pag gising nila nakahanda na ang lahat" pakiusap ko sa kanya at pinatay ko na yung kalan "Yes boss hahahah" nilapag nya na yung mga juice sa lamesa Habang nag-aayos sya ng mga gagamitin namin napansin kong hinihilot nya yung kaliwang braso nya. Naalala ko na ginawa ko pa lang unan yung braso nya kagabi siguro nangalay. "B-bakit mo h-hinihilot yang b-braso mo?" kinakabahan ako at nagsisimula na mahiya sa kanya "Medyo masakit kasi, siguro nadaganan ko kagabi habang natutulog" sagot nya habang iniikot yung balikat nya "G-gusto mong hilutin ko?" utal na tanong ko sa kanya, bakit kasi dun pa sa braso nya ako nahiga "Wag na mawawala din siguro ito mamaya, iinom na lang ako ng gamot para makapagdrive pa pauwe" sagot naman nya sabay ngiti nya sakin "Naku wag ka nang magdrive, saglit lang dyan ka lang may kukunin lang ako sa kwarto" paalam ko sa kanya at ibinaba ko na muna yung mga tasa "Okay sige" pinagpatuloy nya na yung paghahain Umakyat na ako para kunin yung baby oil para mahilot sya, kasalanan ko naman kung bakit sumakit braso nya, pagbalik ko nadaanan ko pa sila kuya na tulog pa. "Red maupo ka dito" sabay turo ko sa upuan na kaharap ko "Bakit ano ba yung kinuha mo?" takang tanong nya habang lumalapit sakin "Langis hilutin ko na yan para hindi na gaano sumakit" paliwanag ko sa kanya at binuksan ko na yung baby oil "Hindi okay lang tsaka nakakahiya" pagtanggi nya, ayan na naman sya nahihiya na naman sya sakin kelan ba sya masasanay "Ano ka ba wala kang dapat ikahiya. Sige na akin na yang braso mo" hinila ko na sya para umupo Sumunod naman na sya at hinilot ko na yung braso nya. "Dahan dahan lang naman ang sakit kaya" reklamo nya na pumipikit pikit pa dahil sa sakit "Ang arte mo naman hayaan mo patapos na" konting pisil pisil pa ang ginawa ko bago matapos "Salamat sa paghilot" nakangiting sabi nya pagtapos ko sya hilutin "Wala yun, ano masakit pa ba?" tanong ko muli sa kanya habang sinasarado yung baby oil "Hindi na masyado" sagot nya habang ginagalaw galaw nya yung braso nya "Mabuti naman... Tara gisingin na natin sila para makakain na tayo" tumayo naman na sya tapos pinauna nya ako maglakad Pumunta na kami sa sala nakita namin na gising na sila kuya at yung girls pero yung boys tulog na tulog pa. "Gising na po pala kayo tara na po, kain na po tayo" pag-aaya ko pagkalapit namin sa kanila kaya napalingon sila samin "Aga nyo nagising ah, nakaligo na kayo at nakaluto na" nakangiting sabi ni sheng habang tumatayo "Maaga pa ba ang eleven na magising" pagbibiro ni red sa kanya "Hala tanghali na pala, akala ko mga nine pa lang" gulat na sagot ni sheng at tumingin pa sya sa phone nya "Sige na gisingin nyo na yung boys para makakain na tayo" utos ni red sa kanila "Sige sige pero maliligo na rin kami bago kumain para mamaya mag-aayos na lang tayo ng mga gamit at makaalis na" tumayo na rin si dean at nagstreching "Sige po hintayin na lang namin kayo sa kusina" sabay ngiti ko sa kanila Ginising na nila yung boys at nag akyatan na. Kami naman ni red ay pumunta na sa kusina at naupo na. "Anong oras na kaya sila natulog kagabi?" takang tanong ni red sakin "Hindi ko alam, hindi ko nga din namalayan na nakatulog na ako" at hindi ko din namalayan na nakatulog na pala ako sa braso mo "Kahit ako hindi ko din alam kung anong oras ako nakatulog" pagkukwento nya sakin "Wait natapos mo ba yung palabas?" tanong ko sa kanya "Hindi eh, ikaw ba?" sagot nya "Hindi rin... So magkasabay lang pala tayo nakatulog" mabuti naman at hindi nya alam yung nangyare "Siguro!" nagkibit balikat sya Maya maya dumating na sila kuya at nakaligo na sila kaya kumain na kami. "Musta tulog nyong dalawa?"  mapang-aasar na tanong ni jacob samin dalawa ni red "Okay naman, bakit po?" pagtataka ko, bakit nya tinatanong "Okay din naman kaso pag gising ko masakit yung braso ko siguro nadaganan ko" sagot naman ni red sa kanya "Alam namin kung bakit" nagtaas baba ng kilay si clark, nanlaki naman yung mata ko "Huh? Panu? Bakit?" tanong naman agad ni red sa kanya "Hala nakita nyo?" tanong ko din agad, nakakahiya kung nakita nila "Oo naman kayo kaya ang unang natulog sating lahat" natatawang sagot ni sheng sakin "May ebidensya pa nga kami" tinaas ni lhean yung phone nya, napalunok naman ako sa kaba May pinakita silang picture samin. Kaya ganito itsura ko O_o paktay na. "Kaya pala pilit mong sinasabi na hihilutin mo kasi ikaw pala may kasalanan" panunukso sakin ni red kaya napapikit ako nang mariin Nakakahiya akala ko pa naman ako lang ang nakakaalam yun pala pati ang barkada alam at ang malala pa ay mas nauna pa nilang nalaman kesa sakin. "Tse! Hindi ko naman alam na braso mo pala yun, ikaw nga nakayakap ka pa sakin" depensa ko naman, hindi ko naman kasi talaga alam "Ang sweet nyo ngang tignan kinilig kami kagabi hahahaha" panunukso ni dean saming dalawa "Ewan ko po sa inyo lakas din po nang trip nyo, picturan ba naman po yung natutulog" reklamo ko sa kanila sabay subo ko ng pagkain "Okay lang may pang ganti naman ako hahahaha" sabay tawa ni red "Hahahah oo nga pala" naalala ko yung mga picture nila na pinagtatawanan namin kanina ni red "Ano yun?" kabadong tanong ni jacob samin "Wag nyong sabihin pinicturan nyo din kami" reklamo agad ni lhean kahit wala pang sinasabi si red Sabay naman kaming tumawa ni red. "Hintayin nyo na lang sa instabook" pananakot ni red sa kanila sabay ngisi nya "Uy wala naman ganyanan, wag mo naman ipost" pagmamakaawa ni jacob kay red "Patingin naman kami please" pakiusap naman ni sheng Pinakita ni red yung mga picture nila na nakanganga, tulo laway at iba pa tapos nagtawanan kaming lahat. "Grabe kadiri yung laway ni Jacob hahahahaha" pang-aasar ni kuya kay jacob "Buti nga hindi napasukan ng insekto yung bibig ni clark" pang-aasar naman ni jacob kay clark "Ang sweet nga nila kuya at Ate Joyce hahahahah" baling ko sa picture nila kuya na dapat hindi ko na pala ginawa "Mas sweet kaya yung sa inyo hahahah" balik na pang-aasar ni ate joyce sakin "Hindi kaya hahahah" pagtanggi ko, wrong move ako "Musta naman yung kila bob hahahaha" pang-aasar naman ni red kila bob Natigil kami sa pag-uusap at pagtatawanan nang dumating ng sabay sila arvin at berna. . . . Clark POV Napatigil kami sa pagtatawanan dahil dumating yung dalawa sila berna at arvin. "Upo na kayo at kumain na" pag-aaya ni red sa kanila, sumunod naman agad sila "Pagtapos nyong kumain mag-ayos na kayo ng gamit nyo at uuwi na tayo maya-maya" paliwanag naman ni joyce sa kanila "Ang saya nyo kanina ah... Ano pala pinag-uusapan nyo?" tanong ni arvin samin na parang walang ginawang kasalanan "Guys akyat na po ako, nawalan na po ako nang gana" paalam ni rain sabay tayo nya "Bunso sabay na tayo baka kasi magdilim pa ang paningin ko dito makabugbog pa ako" seryosong sabi ni renz at tumayo na rin sya Uminom muna si renz bago sila umalis. Nakikinig lang ako sa kanila habang kumakain "Tapos na ako akyat na rin ako para makapag-ayos na" paalam na rin ni red sa amin at umalis na sya "Akyat na rin kami tapos na naman kami kumain" paalam naman ni joyce Tinignan ko naman ang mga plato nila nasa kalahati pa yung laman na pagkain. "Sige kita kita na lang tayo mamaya" alam ko naman na umiiwas lang sila kila arvin Umalis na yung girls kahit hindi pa sila tapos kumain. "Kayo hindi ba kayo aalis?" mataray na tanong bigla samin ni berna "Hindi! Hindi pa kami tapos kumain" kain lang nang kain si jacob "Tsaka wala kang pakialam kung kelan kami aalis" kumain na rin ako nang kumain Si arvin naman tahimik lang na kumakain. "Baka kasi pati kayo wala nang gana kumain" pagtataray ulit ni berna "Makaalis na nga, pinapaalis na kasi tayo dito, bro kita kita na lang mamaya" padabog kong binaba yung kutsara't tinidor tsaka ako tumayo "Sabay na tayo wala na rin akong gana kumain" pagpigil sakin ni bob tapos uminom na sya "Wait intayin nyo ako nakakawalang gana pala magstay dito" nag-isang subo pa si jacob bago tumayo Uminom muna ako bago kami umalis sa kusina at umakyat sa kwarto. Pagdating namin sa kwarto nag-impake na agad kami habang nagsa-soundtrip para maalis yung badtrip namin. . . . Arvin POV Tanghali na ako nagising kasi naman hindi ako nakatulog kagabi dahil may iniisip ako. Paglabas ko ng kwarto nakasalubong ko si berna pababa na din sya pero hindi nya ako pinansin. Dumeretso agad kami sa kusina pagdating namin dun nagtatawanan sila pero nung nakita nila kami natahimik bigla sila at nag-alisan. Nawalan na daw sila nang ganang kumain. Kaya naiwan kami dito ni berna. Maya maya nagsalita si berna. "Baka ikaw din wala nang ganang kumain?" walang ganang tanong ni berna sakin "Gutom ako kaya hindi ako mawawalan nang gana" sagot ko hindi kasi ako nakakain kagabi "Pwes ako wala nang gana" aalis na sana sya nang magsalita ako "Sorry na mommy hindi ko sinasadya mapagsalitaan ka nang ganun kahapon" pagpigil ko sa kanya, umupo naman ulit sya sa tabi ko "Sorry din dahil nakikialam ako sa gulo nyo" paumanhin din ni berna "Hayaan mo na yun tapos na, nangyare na" sabay ngiti ko sa kanya Niyakap naman nya ako tapos nagulat kami nang biglang pumasok sina red, bob at dean kaya napabitaw kami sa pagkakayakap sa isa't isa at napatingin sa kanila. "Sorry nakakaistorbo kami sa inyo" paumanhin ni red samin "Iinom lang sana kami, siguro iaakyat na lang namin" kumuha na ng mga baso si bob "Pasensya kung na-istorbo namin kayo, sige alis na kami tuloy nyo na ginagawa nyo" lumapit si dean sa ref para kumuha ng tubig Pag kakuha nila nang mga kailangan nila umalis na agad sila napasapo naman ako sa noo ko. Badshot again! "Hays kumain na nga lang ulit tayo para makapag-ayos na din tayo ng gamit natin" inis na sabi ni berna "Sige!" wala naman kaming choice tsaka gutom kami dahil wala kaming kinain kagabi Kumain na lang kami, nang matapos na kami ay umakyat na agad kami, hindi na kami naghugas siguro naman si red na maghuhugas nun, nakasalubong kasi namin sya, kami paakyat sya pababa. . . . Red POV Pag-akyat ko nag-impake na agad ako para hindi na ako maabutan ni berna dito sa kwarto. Nang matapos ako pumunta muna ako sa kwarto ni bob dala ko na yung gamit ko. "Uy Red tapos ka na agad" gulat na tanong ni bob sakin nang makita ako sa pintuan "Oo hindi ko naman kasi nilabas yung gamit ko sa bag" hindi talaga ako sanay maglabas ng mga gamit pag nagbabakasyon sa ibang lugar "Ah ganun ba" sagot ni bob habang naglalagay ng damit sa bag nya "Gusto mo tulungan na kita?" tanong ko habang papalapit ako sa kanya "Wag na medyo patapos na rin ako" nilalagay naman na ni bob yung toileries nya sa bag "Okay!" sagot ko "Ayan tapos na tara na dun muna tayo sa kwarto nila Jacob" aya nya sakin habang sinasara yung bag nya "Sige tara baka kasi maabutan tayo ni Arvin dito baka masapak na naman ako hahahahah" pagbibiro ko sa kanya hindi naman sa takot ayoko lang magkagulo sila "Baliw nakuha mo pang tumawa ha" napailing na lang sya sa sinabi ko Pumunta na kami sa kwarto nila jacob pagdating namin dun nagsa-soundtrip sila habang nag-aayos ng gamit. "Oh ang bilis nyo naman mag-ayos ng gamit" pagtataka ni clark nang makapasok kami sa kwarto nila "Mabagal lang talaga kayo hahahaha" biro ni bob sa kanila "Nabusog ba kayo? Kayo kasi yung naiwan kanina" umupo ako sa tabi ng bintana "Hindi nga eh pinaalis ba naman kami ni Berna" kwento naman ni jacob habang nagtitiklop ng damit nya "Bakit naman kayo umalis?" pagtataka ko pwede naman kasi sila hindi umalis "Nabwisit na kasi kami kaya umalis na lang kami" paliwanag ni clark habang naglalagay ng damit sa bag "Hayaan nyo na, baba muna ako iinom lang ako" paalam ko sa kanila tapos tumayo na ako "Sama ako nauuhaw din ako" paghabol ni bob at tumayo na din sya "Baba muna kami" paalam ko ulit sa kanila nang nasa tapat na ako ng pintuan "Sige kuha nyo din kami" utos ni jacob Lumabas na kami ng kwarto sakto naman lumabas din si dean sa kwarto nila. "Dean san punta mo?" tanong ko sa kanya pagkalapit namin sa kanya "Ah sa baba kukuha lang nang inumin namin" sagot ni dean at tumabi kay bob "Ganun ba sige sabay ka na samin, pababa din kami at kukuha nang inumin" sagot ni bob sabay inakbayan nya sya Bumaba na kami at pumunta na sa kusina. Pagdating namin dun nakita namin sila arvin at berna na magkayakap. "Sorry nakakaistorbo ba kami" paumanhin ko sa kanila tsaka ako lumapit sa ref "Kukuha lang kasi kami nang maiinom, pasensya na" sumunod naman sakin si bob "Pasensya kung na-istorbo namin kayo, sige alis na kami tuloy nyo na ang ginagawa nyo" kumukuha naman si dean ng mga baso Kinuha namin yung dalawang pitsel na may juice at inakyat na namin. "Grabe sila hindi na nahiya" inis na sabi ni dean "Lantaran na talaga sila, hindi man lang nagtago" galit na sabi naman ni bob "Okay ka lang ba Red?" nag-aalalang pagbaling sakin ni dean "Oo naman tanggap ko na naman" nginitian ko sila, wala na akong pakialam sa kanila "Halata naman, kasi nandyan si Rain hahahaha" pang-aasar sakin ni bob "Baliw kayo, hindi noh" pagtanggi ko pero siguro nga dahil sa kanya "Oh pano ba yan pasok na ako, kita na lang tayo mamaya" paalam ni dean samin nang tumapat kami sa kwarto nila "Sige sige" binigay ko sa kanya yung pitsel at inabot nya sakin yung ibang baso Pumasok na sya kaya pumunta na kami sa kwarto nila jacob at pumasok. "Oh eto na yung inumin" binaba ko sa lamesa yung pitsel "Ang dami naman nito hindi namin mauubos yan" reklamo ni jacob pagkalapit sa lamesa "Madami talaga syempre iinom din kami" sagot naman ni bob sa kanya "Akala ko ba uminom na kayo sa baba" natatakang tanong ni clark samin "Hindi kami nakainom sa baba kaya kumuha na lang kami ng pitsel at dito na lang uminom" paliwanag ko sa kanila habang nagsasalin ng juice sa baso "Bakit naman natakot kayo sa baba?" pang-aasar ni jacob "Baliw hindi, maliwanag na matatakot pa kami" napailing na lang ako, igaya pa kami sa kanya na matatakutin "Eh bakit nga?" pangungulit ni jacob "Kasi kung dun kami iinom, makakaistorbo kami dun" si bob na ang sumagot at nagsalin na din sya nang maiinom nya "Makakaistorbo? Bakit naman?" tanong ni clark kumuha na rin sya nang maiinom nya "Pagdating kasi namin sa kusina nakita namin sila Arvin at Berna na magkayakap" kwento ko sa kanila tapos umupo ako sa kama ni jacob "Grabe naman sila hindi na ba sila makapagpigil nang kalandian at sa kusina pa talaga" pinagpatuloy na ni clark yung pag-aayos ng gamit nya "Sinabi mo ba bro, kakabadtrip nga sila nung nakita namin" inis na sabi ni bob sa kanila Mabuti na nga lang kami yung nakakita hindi sila renz lalo na si rain sigurado ako na masasaktan sya. "Ano yun wala na talaga silang hiya hiya" inis na sabi ni jacob "Siguro akala nila wala nang bababa kasi lahat tayo nag-aayos ng gamit" nagsalin ulit ako ng juice "Pero ikaw ba Red okay ka lang nung nakita mo sila?" pag-aalala naman ni clark tapos tumingin pa sakin "Oo naman pero syempre nung nakita ko sila nagulat ako, pero okay lang ako" paliwanag ko sa kanila, nagulat lang talaga ako "Si Red pa, okay lang yan may Rain na yan eh" pang-aasar naman ni jacob sakin, magkakaibigan nga talsga sila mahilig mang-asar "Loko loko bilisan nyo na nga mag-ayos ng gamit kanina pa kayo dyan" pagsaway ko sa kanila "Kaya nga nakabalik na kami lahat lahat nag-aayos pa rin kayo" sermon ni bob sa kanila "Ganun talaga" proud na sagot ni jacob "Guys baba na muna ako hindi pa natin naliligpit yung pinagkainan natin sigurado naman ako hindi maghuhugas sila Berna" pagpalaalam ko muli sa kanila, sa ugali ni berna hindi maghuhugas yun kahit magligpit hindi nya gagawin "Sigurado talaga ang tamad kaya nilang kumilos" pagsang-ayon sakin ni bob "Sige baba na ako ibababa ko na din yung gamit ko nakakahiya naman kung ipapababa ko pa sa inyo hahahaha" biro ko pa bago ko kinuha yung mga gamit ko "Buti alam mo hahahah joke lang" biro naman ni jacob "Iwan mo muna dito kami na magbababa mamaya" utos naman sakin ni bob "Wag na hahahah ako na. Sige baba na ako" paalam ko ulit sa kanila "Sige intayin mo na lang kami sa baba tutulungan ko muna itong mga ito" lumapit na si bob kay jacob "Sige!" sagot ko Lumabas na ako sa kwarto nila pababa na ako nang makasalubong ko sila arvin na paakyat. Hindi ko sila pinansin at deretso lang ako bumaba. Iniwan ko muna yung gamit ko sa sala bago pumunta sa kusina. Pagdating ko sa kusina tama nga ako hindi sila naghugas ng mga plato kaya ako na lang naghugas kesa naman hintayin ko pa yung isa sa mga girls para maghugas. ***************** End of Chapter 19: Ang Asaran! Good mood naman silang lahat pag gising nila pero nawalan naman sila nang ganang kumain. Ano kaya mangyayari sa pag uwi nila? Abangan! Hope you like it! Thank you for reading ang viewing! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD