First Person POV Walang pasok kaya nakapahinga ngayon ang isip at katawan ko, dumating na kasi ang araw ng party na ilang beses na ipinapa-move ng mga organizer ang petsa dahil nagkakaroon yata ng problema sa mga napipiling venue. Sa totoo lang ay tinatamad nga akong pumunta, kundi dahil kay Sky na naunang nagyaya sa akin, mas gusto ko pang umuwi na lang sa probinsya namin o 'di kaya ay matulog. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga ganitong party, kaso lang.. baka ipa-salvage ako nung kapalit ni Sky na makakasama ko kapag nagkataon, takot ko lang. Kanina pa ako nakahiga sa kama at nakikipagtitigan lang sa kisame. Wala akong magawa. Nakakabagot ang ganito. At dahil nag-iisa lang ako ay pumasok na naman tuloy sa isip ko ang unggoy. D*mn, baliw na yata talaga ako sa lalaking 'yon. Napah

