First Person POV Lalo ko itong minamahal sa mga simpleng salita at kilos nito. Niyakap ako nito kapagkwan at kuntentong napayakap din ako rito, ninamnam namin ang sandali at ang musika. May sinambit ito na tila ba bulong lamang, dahil hindi ko narinig ay tumingala ako para sana tanungin dito kung ano iyon, ngunit natigil ako noong salubungin nito ng halik ang noo ko bago matapos ang huling kanta. 'Di ko na tuloy natanong at napapikit na lamang ako. Nang natapos na ang party ay umuwi na kami sa unit ni Kyo, bitbit ko pa rin 'yung rose na bigay nito. Hindi ko nga mabitawan.. balak kong itago, first time na binigyan ako nito ng bulaklak, e. Hindi pa kami nakakapagpalit pareho ng damit, tinanggal ko lang 'yung suot kong high heels dahil masakit na ang paa ko. Samantalang nakaupo naman it

