First Person POV Kay tahimik ng paligid na sobrang nakakabingi. Huminga ako nang malalim habang ini-scan ng mata ko ang lahat ng naroon. Bukod sa tahimik at wala akong kasama ay puro puti ang natatanaw ko. Mapayapa ngunit nakakasawa rin pala ang ganito, pakiramdam man at sa aking paningin. Damn. Hindi ako sanay ng ganito. Nakakabagot. Maingat akong bumaba sa kinauupuan ko at dahan-dahang lumapit sa bintana bago ko hinawi ang makapal na puting kurtina na tumatabing doon. Damn. Yes, pati ang kurtina ay puti rin. Nakakaumay. Ngunit nang tuluyan kong mahawi iyon ay napapikit ako dahil sa sumalubong sa akin na nakakasilaw na sikat ng araw. Marahil ay naninibago pa ang mata ko dahil ito ang unang beses na ginawa ko ang bagay na ito sa mga nakalipas na araw dahil palagi akong nasa k

