Chapter 33.1

2133 Words

First Person POV Nginitian ko si Sky na inabutan kong naroon pa rin sa kwarto, pero walang mababakas na kahit na ano mang anino ng ngiti ang mukha nito, 'yung ngiti nito na nagbibigay palagi sa akin ng comfort at kapanatagan ay hindi ko mahagilap, bagkus ang naroon sa mata nito ay pag-aalala. Dahil mas lalo lamang akong nakakaramdam ng awa at panliliit para sa sarili ko ay iniiwas ko na rito ang tingin, nagpokus na lang ako nang mag-umpisa na akong punasan si Kyo. Kung pwede nga lang na iatang ko na kay Sky ang gawaing iyon ay ginawa ko na sana, pero hindi maaari. Kapag ginawa ko iyon ay alam kong hindi naman ito tatanggi pero alam kong mas lalo lamang itong mag-aalala sa akin. Habang pinagmamasdan ko si Kyo ay ramdam ko ang kirot. Bakit hindi na lang ako, Kyo? Ako naman ang nandito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD