Chapter 27

2368 Words

First Person POV Nagising akong si Kyo na ang nakayakap sa akin, hindi ako gumalaw kahit sobrang naiinitan at ngalay na ang nararamdaman ko, mukhang tulog pa ito base sa hindi nito paggalaw. Kahit na masakit pa rin ang balikat ko ay hinayaan ko na lang, kailangan pa rin kasi nito ng pahinga. Pero sa salat ng balat nito sa akin ay mukhang maayos na ang lagay nito dahil hindi na ito kasing init kagabi. Natakot pa nga ako sa ilang beses na nanginginig ito kahit na yakap ko na nga at pinatungan ko pa ng ibang kumot ang nakapatong sa amin. Gustong-gusto ko na sanang tawagan si Sky para magpatulong at magpasama upang dalhin ito para mapatignan sa doktor dahil hindi ko naman ito kayang buhatin, kapag tinatangka kong kumilos lang ay nagigising ito at laging sinasabing h'wag ko raw s'yang iiwan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD