First Person POV Sumapit na ang linggo, ilang araw na rin ako rito sa unit ng unggoy at as usual ay hindi kumpleto ang araw nito nang hindi nakakapangharot at nakakapang-asar. Daily routine na nito iyon. Ewan ko ba kung bakit ngayon ko lang nakita kung gaano kahaliparot ang lalaking 'to. Nakakabanas at nakakainis lang dahil ang hirap umarte sa harap nito na masakit pa rin ang balikat ko para lang matigil ito sa kalokohan, nung una ay effective pa, pero kalaunan ay mukhang hindi na dahil sa napapansin na yata nito ang pagtanggi ko sa tuwing yayayain ako nito sa doktor para patignan at mukhang nahahalata na rin nito na pag-arte lang ang ginagawa ko. Ibinaling ko ang tingin ko sa bintana. Malakas ang ulan sa labas, nagyayaya sana akong magsimba pero bago pa kami umalis ay bumuhos ang ulan

