Episode 8

1151 Words
Marie's Pov Nagulat ako and at the same time nag aalala akong tinignan ang pinsan kong mahimbing na natutulog sa kama, what happened to her? "President? Anong ginagawa mo dito? Rinig kong tanong nung lalaking may subo ng lollipop. Napatingin naman ako sa tinutukoy niya at mas lalo akong nagulat, anong ginagawa ng SC President dito at ang nakakapagtaka pa nasa tabi siya ng pinsan ko? Pero hindi yan ang pinunta ko sa ngayon dito kung hindi ang pinsan ko.  Pumasok na ako ng tuluyan at pumunta sa tabi ng kama ni Sophie. Pumasok din ang mga kaklase nila at umupo lang sa gilid buti na lang malaki to place kung hindi muka kami nitong sardinas. Bakit ba kasi nagsisama pa sila e. Naramdaman kong nagtu tubig ang mata ko at hinampas siya ng mahina. "Sabi ko naman sayo ingatan mo sarili mo e, pasaway ka talaga kahit kelan! Gumising ka na nga dyan at ng mabatukan na kita" Sabi ko at pinahid ang nagbabadyang luha ko na tutulo na. Hindi niyo ko masisisi guys kung ganito reaksyon ko, masyado ko lang talagang mahal ang pinsan ko, sobrang close kasi namin kahit no'ng mga bata pa kami, magkaiba sila ng ugali ng ate niya, ate niya puro away ang nakakasalamuha, ang tipid kausap, bookworm pero sobrang bait nun, siya lagi ang nagtatanggol sa aming dalawa ni Sophie pag may umaaway sa amin, lalo na kay Sophie napaka protective sister niya. Si Sophie naman makulit, madaldal, game sa lahat ng bagay, masunurin at mapagbigay, pag naging kaibigan mo siya? Wala ka ng mahihiling pa, you just wanted to keep her for yourself. Kung ang kapatid niya ay matapang siya naman ay fragile, para siyang babasaging bagay na kailangan mong ingatan, pero wala siyang sinusukuan. Napatingin ako sa SC President at nakita kong nakatingin lang siya kay Sophie. Kilala niya ba ang pinsan ko? "Ahm, president? Pwede ba magtanong?" Tumango lang siya as a respond ang sungit talaga nito. "Do you know what happened to my cousin?" Tanong ko habang naka tingin pa din sa kanya. Kumuha siya ng mansanas sa plastic at kinagatan ito. "She fainted along the corridor, I think she didn't eat her lunch" Malamig niyang sabi. Wala ka talagang makikitang emosyon sa taong to. "Sinabi na kasing wag magpapalipas ng gutom e! Katigas talaga ng ulo!" Sabi ko. Kaming dalawa lang nakakarinig ng usapan namin hindi ko alam kung ako lang ba pero feeling ko ayaw niya ipaalam sa iba ang sinabi niya (referring to the 6 guys inside the clinic) "The doctor did some random test so she can find out what happened to your cousin" Sabi pa niya. Napatingin ako sa kanya "So you already knew her situation?" Tanong ko at nakatanggap lang ako ng tango sa kanya. Maya-maya lang ay nagpaalam na siya , nagpasalamat naman ako sa kanya dahil sa pagdadala niya dito sa pinsan ko. Sinama na din niya sa paglabas yung anim dahil ang ingay lalo na si Kerby, Tyrant at Aldrich nag aasaran para tuloy nasa sabong ka kung maririnig mo lang sila. Yes i know them, sa apat na taon ko bang nag aral sa eskwelahan na to e. Tsaka sinong hindi makakakilala sa kanila, they are the notorious group and record breaking ang mga ginagawa nila inside and outside of the school na away. Ang namumuno sa kanila ay si Carmelo Petterson, siya ang Student Council President at President din ng last section, paano siya naging SC president? Simple bukod sa matalino siya ay nahatak ng looks alam niyo naman mga babae dito sa university. Plus his aura, halata naman na napapasunod niya ang mga estudyante dito sa university.  Maya-maya lang din ay nagising na si sophie pero maputla pa din siya.  Lumingon siya sa gilid ko at nagulat. "M-marie, n-nasaan ako?" Tanong niya. Halatang walang alam sa nangyari sa kanya. "Nandito ka sa clinic, inatake ka ng sakit mo, bakit ba kasi hindi ka kumain? Halos mamatay ako sa pag aalala sayo kainis ka! Hindi ba sabi ko sayo alagaan mo ang sarili mo!" Hingal kong Sabi. Whoo! D ko keri bes. "S-sorry Marie, sorry talaga. Promise hindi na mauulit to" Sabi niya habang nakayuko. "Aba! Dapat lang pag ito naulit sinasabi ko sayo malilintikan ka sa'kin" Sabi ko pero joke lang yun tinatakot ko lang siya. Alam niya kasi kung paano ako magalit. "Oo promise!" Sabi pa niya at nagtaas pa ng kamay hahaha nakakatuwa talaga siya. Natahimik naman siya bigla, "Hey? Are you okay?" Tanong ko na ikinailing niya. "Nasusuka ako Marie" Sabi niya kaya Dali dali akong nanghingi ng maliit na planggana para sukahan niya. Hays. Naaawa ako sa pinsan ko, she's only 7 years old ng ma diagnosed na may gastritis siya, kaya hindi talaga namin pinapabayaan ang isang ito, mahina din kasi ang immune system niya. Ayaw naman niya magpa opera para magamot ang stomach niya. Natapos siya sa pagsuka at pinagpahinga muna siya, maya-maya na siguro kami uuwi, nag sabi na din ako kay kuya na may tinatapos lang kaming project. White lies will do. Pag sinabi ko kasi ang totoo magiging bantay sarado nanaman si Sophie katulad ng dati at ayaw ni sophie ng ganun. Nawawalan daw siya ng freedom kahit sweet sa paningin niya ang ginagawa nila tito dati sa kanya. Naalala kong may pagkain pala sa side table ni Sophie, habang binubuklat ko to naalala ko, si president kaya ang bumili nito?  Bakit kaya niya yun ginawa? President duty? Sabagay, napaka malisyosa talaga ng utak ko. Dinala ko na lang sa higaan niya ang tuna sandwich at milk para kainin niya, tinanggap naman niya agad ito at nagpasalamat. "Marie" tawag niya sa'kin habang nakatingin sa'kin ng seryoso. Napakunot ako ng noo. Why so serious? "Why?" Tanong ko. "Tanong lang. Sino ang nagdala sa'kin dito?" Tanong niya. Wala talaga siyang alam? "Wala ka bang natatandaan?" Sandali siyang napaisip "Meron akong nabangga na lalaki kanina pero hindi ko siya makita ng maayos kasi nanlalabo ang mata ko" paliwanag niya. Well that explains everything. "Yung Student Council President ang nagdala sayo dito, siya din siguro yung nabunggo mo kanina" Sabi ko. Halatang nagulat siya "Hala? Nakakahiya president pala yung nabangga ko, Marie kilala mo ba siya? Gusto ko kasi siya pasalamatan e." Sabi niya. Ngumiti ako sa kanya " You don't need to find him kasi classmate mo naman siya e. Siya din ang president ng section niyo" Sabi ko. "Ha? How come na nasa last section ang SC ng school?" Halatang naguguluhan siya. Inexplain ko sa kanya every detail at halata sa muka niya ang pagka mangha. "It's seems that you know him, do you have any pictures or what para malaman ko kung sino siya?" Tanong niya pa. Napaisip naman ako. Pictures? Wala ako nun pero---aha! Kinuha ko agad ang phone ko at nag pm kay lauren (kaibigan ko) kumpleto kasi picture niya ng mga lalaki sa last section, alam mo na pag ang friendship mo may crush punong puno ang gallery niyan ng mga picture ni crush. Hindi naman nagtagal ay pinasa na niya sa'kin ang picture ni carmelo at pinakita ko yun sa kanya... Nung una ay parang may inaalala siya hanggang sa... "Siya yung lalaking sinungitan ako kanina sa Classroom!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD