(Xena’s POV) Hindi ko alam kung bakit ramdam ko agad ‘yung pagbabago. Pagpasok pa lang sa lab, parang may invisible wall sa pagitan namin ni Sir Kyle. Usually, he’d greet me with that quiet smile — ‘yung tipong half-smirk na parang sinasabi, “good morning, trouble.” Pero ngayon, wala. Tahimik siya. Formal. Parang binura ‘yung lahat ng comfort na pinaghirapan naming buuin. “Good morning po,” bati ko, pilit na normal. Nagtaas lang siya ng tingin saglit. “Good morning.” That’s it. No smile. No teasing. No lingering look. Pero kahit ganun, alam kong may mali. ‘Yung tipong may tinatago siya — at ‘yung katahimikan niya mas maingay pa sa sigawan. Nagtuturo siya sa harap, kalmado, pero napapansin ko ‘yung paraan ng pag-iwas niya ng tingin. Parang may sariling rulebook sa loob niya na

