Kyle’s POV Minsan may mga bagay na mas nakakasakit kapag hindi sinasabi. At ‘yun ang naging problema ko mula nung gabing ‘yon— ‘yung mga salitang dapat ko nang sinabi, pero nilamon ng katahimikan. Kasi kung nagsalita ako, baka hindi ko na mapigilan. After ko siyang ihatid sa gate, tumalikod agad ako. Hindi ko na hinintay ‘yung ngiti niya o ‘yung usual na “goodnight.” Kasi alam kong kapag nakita ko pa ulit ‘yung mga mata ni Xena, baka tuluyan nang bumigay ‘yung pader na ilang taon ko nang binubuo. Pagpasok ko sa loob ng bahay, dire-diretso ako sa kwarto. Pero kahit anong pilit kong ipikit ‘yung mga mata ko, nakikita ko pa rin ‘yung mukha niya— ‘yung paraan ng pagkakasabi niya ng, “Then maybe you shouldn’t have been so easy to write.” Damn it. It hit deeper than she probably me

