(Kyle’s POV) Gabi na. Tahimik na sa dorm. Yung ilaw lang ng study lamp ko ang bukas, at nasa harap ko pa rin ‘yung pink notebook ni Xena. Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa rin mabitawan. Dapat ay naibalik ko na ito kahapon, after our last session — pero heto ako, still staring at it like it’s a forbidden thing I can’t stop touching. Just read it one more time, sabi ng utak ko. Para maintindihan mo lang kung bakit niya sinusulat ang mga ganitong bagay. Pero deep inside, alam kong hindi iyon totoo. Hindi ko ito binabasa para lang intindihin. Binabasa ko ito dahil gusto kong maramdaman ulit. Huminga ako nang malalim. Then slowly, binuksan ko ang notebook. Ang amoy ng papel — may faint trace ng perfume niya. Hindi overpowering, just subtle, sweet, parang siya. Page 37. ‘Yung ba

