Isang linggo na akong nandito sa palasyo. Hindi ako pinapayagan lumabas ng Hari kaya palagi napunta si Kuya Serino sa kwarto ko para hindi ako mabagot. Isang linggo na rin simula nang mawala si Elise. Marami pa rin ang katanungan ang naiwan sa akin. Sa isang linggo iyon ay hindi pa rin nahahanap kung sino ang salarin. Hindi rin ako pinapayagan ni Ama na tumulong sa paghahanap dahil baka raw ay ikapahamak ko pa. Paulit-ulit lang ang routine ko sa isang linggo na nandito ako. Kumain, maligo, matulog at pagpunta ni Kuya Serino ngunit kahit papaano ay hindi ako nababagot dahil sa secret place ko. Ipinagmamalaki ko ang sarili ko dahil sa loob ng ilang taon ay wala pa rin nakakaalam ng sikretong taguan ko bukod sa akin at sa kaniya. "Selene, did you understand what I said?" Kuya Serino asked

