Pagkatapos namin mag-usap ay pumunta kami sa king's throne upang ipakilala sa akin ang mga kapatid niya. Lahat sila ay prenteng nakaupo at ramdam na ramdam mo ang malakas na presensya galing sa kanila. "Kumusta?" tanong ko sa lalaki na hinatid ko noong nasa Guiders palace pa kami. Ngumiti siya pagkatapos ko iyon sabihin. "Dude, siya na nagtanong ha. Hindi naman siguro masama kung sasagutin ko siya. Masyado naman yatang bastos kung ipapahiya ko siya, 'di ba?" tanong niya na may nakalolokong mga ngiti. Natawa naman ako sa itsura niya ngunit natigil iyon nang maalala ko sa kaniya si Josh. Napansin naman nila na tumigil ako sa pagtawa kaya nagpakilala na lang siya. Naramdaman siguro nila ang nararamdaman ko ngayon. "I'm Tairon, kapatid ni dugo." Kumindat siya sa akin pagkatapos niya iyon

