HOT ENCOUNTER

1262 Words
HAPPY BIRTHDAY ko ngayon. Napilit ako ng aking mga kaibigan na mag-bar daw kami. Pa-despedida ko na rin daw dahil lilipat na ako ng tirahan, kasama ang aking anak. Mas maaga ang out ko sa work kumpara sa kanila. Kaya nauna na akong pumunta rito sa bar. Napatakip ako ng mga tainga dahil sa maingay na tugtuging sumalubong sa akin. Kung ako lang, ayoko sana sa ganitong bar dahil hindi naman ako mahilig mag-disco. Pinagbibigyan ko lang ang mga kaibigan ko na mahilig sa party pero mga dalagang ina rin gaya ko. Bukod doon ay mas mura ang bar na ito kumpara sa iba. Masarap din ang tequila nila rito. Nagpa-reserve na lang muna ako ng table at upuan para sa aming tatlo habang naghihintay. Ilang minuto pa lamang akong nakakaupo nang maagaw ang aking atensiyon sa magkapareha na naghahalikan sa gitna ng dancefloor habang mahalay na sumasayaw. Walang pakialam sa paligid. Sa tantiya ko ay nasa mid twenties lang silang dalawa. Napailing na lang ako nang alisin ko ang aking tingin sa magkapareha. Ibang-iba na talaga ang mga kabataan ngayon. Masiyado nang wild. Wala ng pinipiling lugar. Nagbago ang tugtugin at wala pa rin ang mga kaibigan ko. Mas naging maingay ang paligid. Patay-sindi na mga ilaw na lang ang natira sa dancefloor. Hindi sinasadya na mapatingin na naman ako sa gawi ng mahalay na magkapareha. At sumakto pa talaga na nakapaling din sa akin ang mukha ng lalaki. Bahagyang umawang ang aking mga labi nang mapagmasdan ko siya sa gitna ng patay-sindi na mga ilaw. Ang guwapo niya pala! Hindi ko alam kung bakit nanuyo ang aking lalamunan habang pinagmamasdan ko siya na matiim din ang tingin sa akin. Huminto pa talaga siya sa pagsayaw para lang makipagtitigan sa akin. And when he combed his hair using his fingers, I was mesmerized. Alam ko na nakakahiyang mahuli niya ako na tumititig sa kaniya. But I cannot take my eyes off him. Sa twelve years na pagiging single at takot ko na magtiwalang muli sa mga lalaki, ngayon lang ako nakaramdam nang ganito. Kinalabit ng babaeng kasama niya ang lalaki, rason para mahinto ang pagtititigan naming dalawa. Lalo pang umawang ang aking bibig nang bigla siya nitong kinabig sa batok at hinalikan sa mga labi. Mabilis na umiwas ako ng tingin nang makita ko ang mainit din na pagtugon ng lalaki. Pilit kong inabala ang aking mga mata sa ibang tanawin sa bar na ito. Ngunit nakikita ko mula sa gilid ng aking mga mata na nakatingin pa rin sa akin ang lalaki habang nakikipaghalikan siya sa kaniyang kapareha. Hindi ko nagustuhan ang epekto niyon sa akin kaya nagpalit na lamang ako ng puwesto at tumalikod sa kanila. Ilang sandali pa ay sabay na dumating ang aking mga kaibigan. Um-order na kami ng tequila at nagsimula nang uminom. At tuluyan na ngang nawala sa aking isipan ang estrangherong lalaki. HAPPY UMIIKOT na aking paningin nang maubos namin ang tatlong bote ng tequila. Pero tahimik lang ako na nakaupo pa rin sa puwesto ko. Ayokong umalis dito at makipaghalubilo dahil alam ko na makulit ako kapag lasing. Isa sa mga rason kung bakit once a blue moon lang ako kung uminom. Samantalang ang mga kaibigan ko na sina Babe at Always ay makukulit na. Pabalik-balik na sa dancefloor. Alam nila na hindi nila ako mapipilit kaya hindi na sila sumubok pa na isama ako. "Pupunta lang ako sandali sa ladies' room," nabubulol na paalam ko sa kanila nang balikan nila ako. "Kaya mo? O kailangan mo ng kasama?" tanong sa akin ni Always. Tulad ko, lasing na rin siya. "Huwag na. Kayang-kaya ko pa," pagmamalaki ko pa. Kahit ang totoo, mas lasing ako kumpara sa kanila. Sabagay, sanay naman talaga sa inuman ang dalawang ito. "Oo nga naman. Paano 'yan makakabingwit ng fafa kung sasamahan mo?" tukso naman sa akin ni Babe. "Wala na yatang balak tumingin muli sa lalaki 'yan." "Hindi pa lang talaga siguro napapanahon. But who knows, ngayong gabi na matatagpuan ni Happy ang 'the one' niya." Tinawanan ko lamang ang aking mga kaibigan. Tumayo na ako. Napahawak pa ako sa lamesa nang maramdaman ko na naman ang pag-ikot ng paligid. Umeekis na ang aking mga paa habang naglalakad papunta sa ladies' room. May nasulyapan akong pamilyar na mukha ng lalaki na ngumiti sa akin. Palibhasa man-hater kaya inirapan ko lang siya. Naramdaman ko na sumunod siya sa akin pero hindi ko pinansin. Ihing-ihi na ako. Baka dito pa ako magkalat kapag pinatagal ko pa. Mabuti na lang at walang katao-tao sa loob nang dumating ako. Hindi ko na kailangan pang pumila. Paglabas ko sa cubicle ay muntik na akong masubsob sa sahig, kung hindi lang sa matitipunong braso na maagap na sumalo sa akin. "Hey," ang baritonong boses na aking narinig. Namumungay ang mga mata na dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Nag-isang linya ang aking mga kilay nang mamukhaan ko siya. Dahil sa epekto ng alak sa aking sistema kaya nawala na ang hiya ko. "Hey din. Ikaw 'yong lalaking nakita ko sa dancefloor kanina, 'di ba?" usisa ko pa. Kahit ang totoo ay nagtataka ako kung bakit hindi ko siya magawang irapan at layuan katulad ng madalas na ginagawa ko sa ibang lalaki. "I'm glad you still remember me," sabi niya sa akin. Ngumiti pa ako sa kaniya. "And why not? Ang galing mo kayang sumayaw." Sinundan ko pa iyon ng hagikhik, sabay hampas sa balikat niya. "Really? Kung gano'n, sayaw tayo. Hindi pa kita nakikitang sumayaw simula kanina," yakag ng lalaki, sabay hawak sa aking kamay. Nagulat ako sandali. Ibig sabihin, kanina pa siya nakasubaybay sa akin? "Hindi ako sumasayaw." Tumatawa na binawi ko ang aking kamay. "Lalo na kapag ganiyan na maraming tao." "Oh, that." Amused na napatango-tango siya at saka gumuhit ang mapang-akit na ngiti sa mga labi. "Kung gano'n, dito na lang tayo sumayaw. Sa walang tao." Napasinghap ako nang walang kaabog-abog na hinapit niya ako sa baywang. Pinagdikit niya ang aming mga katawan. Kinuha naman niya ang aking mga kamay at pinaglapat sa malapad na dibdib niya. I felt his heart beating fast like mine. Katulad ko ay amoy-alak din ang kaniyang hininga. Mukha lang siyang matino kaysa sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nangyayaring ito sa akin at napapayag ako ng isang estranghero na sumayaw sa loob ng ladies' room. Kanina lang, nagrereklamo ako sa mga kabataan na masiyadong wild. Pero mukhang ganito na rin ang ginagawa ko ngayon. Walang pinipiling lugar para lumandi. Ano na lang ang iisipin ng mga makakakita sa amin dito? Nang muli akong tumingala sa kaniya ay nahuli ko siya na nakatingin din nang matiim sa akin. "Am I making you uncomfortable?" tanong niya sa akin nang umiwas ako ng tingin. Nagtapang-tapangan naman ako at muling humarap sa kaniya. "Nope." "Really?" Napuno ng pagkaaliw ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "Kahit sabihin ko sa'yo na kanina pa kita gustong halikan?" Lihim akong napalunok. Dinig na dinig ko ang malakas na t***k ng aking puso. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob na sakyan ang trip ng lalaki. Marahil ay epekto ng espiritu ng alak sa aking sistema. "Why don't you try?" hamon ko sa kaniya sa gitna ng aking kalasingan. Tumitig ako sa mukha niya. Kahit nanlalabo na ang aking paningin, nasisiguro ko na di hamak na mas guwapo siya kapag malapitan. Ngumiti lang siya at saka sinalubong ang titig ko sa kaniya. There's really something about his eyes that enchanted me. "Damn," sabi pa ng lalaki bago niya sinapo ang aking pisngi at sinakop ang aking mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD