Episode 4

2052 Words
Chapter 4 ANGELA Hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw at gabi. Mahigit isang linggo na ako rito sa Tagaytay. Nag-i-enjoy ako sa mga tanawin sa aking paligid. Sinimulan ko ng ipabungkal ang lupain na tataniman ko ng strawberry farm at pineapple farm. Pinalagyan ko na rin ng mga pataba ang lupa bago taniman ng strawberry at pineapple. Ang resort ko naman na pinapatayo ay hindi pa nagsisimula dahil busy pa si Kuya. Sabi niya siya na lang ang guguhit ng resort na ipapatayo ko sa tabi ng aking farm. Kaya, heto kinukulit ko na naman siya sa telepono. "Ano ba, Angela? Marami akong pasyente, kaya huwag mo muna akong guluhin," masungit na sabi nito sa kabilang linya. "Kuya Lander, naman! Kailan mo ba sisimulan iguhit ang design ng resort? Nang sa ganoon makapagsimula na ako," pangungulit kong wika sa kaniya. "Kapag hindi na ako busy, okay?" Masungit niya akong binabaan ng linya. "Grrrrr..." napagigil na lamang ako ginawa ni Kuya. Kapag may bagay ako na gusto makuha hindi ako titigil hanggat hindi ko iyon makukuha. Pahagis kong inilapag sa kama ang aking cellphone. Suot ang geneun leather jacket nakahanging blouse panloob at naka-mini skirt na kulay itim ay bumaba ako sa aking silid. Nakasuot ako ng octagonal cap stylish at nakasalamin na kulay black. Bibit ang aking shoulder bag na lumabas ako ng bahay. "Saan ka pupunta, Iha? Nakaporma ka yata ngayon?" tanong ni Manang Biday na may hawak pang walis sa labas ng pintuan. "Mamasyal lang ako sa bayan, Manang. Kayo na po ang bahala rito," nakangiti kong pagsisinungaling kay Manang. "Huwag ka magpagabi at tawagan mo lang ako kapag naabireya ka sa daan," bilin ni Manan na palagi na lang seryoso ang mukha. "Yes, Manang!" tugon ko sabay salute sa kaniya. Sumakay ako sa aking kotse habang kuwentas ko ang aking camera. Syempre kahit saan ako pumunta dala-dala ko ito dahil kapag may maganda akong view na nadadaanan kinukuhanan ko iyon ng larawan. Nag-drive ako patungo sa sentro ng Tagaytay. Pagdating ko roon huminto muna ako sa isang tabi saka binuksan ang aking cellphone. Gamit ang Google map ay nag-search ako sa hospital de Mayniland, kung saan naka-duty si Kuya ngayon. Maayos naman na itinuro ng GM ang Daan patungo sa Maynila. Sa bawat magagandang view na nadadaanan ko humihinto ako at kumuha ng ilang larawan. Alas-dies na ako ng umaga nakarating SA Hospital de Mayniland dahil sa sobrang traffic ba naman. Nag-parking Muna ako bago bumaba. Pumasok ako sa loob ng hospital at nag tanong sa information area. "Hi, saan naka-duty si Doctor Lander Diez?" tanong ko sa naka-duty roon. "May óperasyon ngayon si Doctor LD, Ma'am. May appointment po ba kayo sa kaniya?" "I'm his sister. And I need to talk to him because I'm not feeling well," saad ko sa naka-duty sa Information area. "Hintayin mo na lang siya sa waiting area Ma'am, labas ng office niya. Hindi siya puwede maisturbo ngayon dahil may inooperahan siya," wika nito sa akin. Itinuro niya kung saan ang opisina ni Kuya. Habang naghihintay ako sa labas ng opisina ni Kuya nakaupo ako at kinuha ang ang aking wireless earphone saka inilagay sa aking tainga at nagpatugtog ng rock music sa aking cellphone. Halos tatlong oras din ako naghintay kay Kuya bago siya pumasok sa kaniyang opisina. “What are you doing here?’’ seryoso niyang tanong sa akin at pumasok siya sa loob. Sumunod ako sa kaniya saka naupo sa tapat ng table niya. “Kuya, kailan mo ako gagawan ng design sa gagawin kong resort?” nakakunot-noo kong tanong sa kaniya. “Hindi kita ma-intertain, My Dear. Busy pa ako, kaya bumalik ka na sa bahay mo,’’ pagtataboy nito sa akin. “Kuya naman, eh! Ilang oras akong nag-drive papunta rito tapos pagtatabuyan mo lang ako?’’ maktol ko sa kaniya. “Sinabi ko naman sa’yo na maghintay ka dahil marami akong pasyente na dapat unahin, Angela. Bawas-bawasan mo nga ‘yang katigasan ng ulo mo. Sige na, umuwi ka na. Ipapahatid na lang kita kay Rigor, para hindi ka mapagod mag-drive,” naiinis na saad ni Kuya sa akin. “Hindi bali na lang! Kung ayaw mo, maghahanap na lang ako ng iba,’’ masama ang loob na wika ko kay Kuya. “Angela, please understand my situation. Hindi naman agad-agad maguguhit ko ang iniuutos mo sa akin. Busy ako sa mga pasyente ko, kaya puwede ba intindihin mo naman ang sitwasyon ko? Don’t worry sa susunod na buwan maluwag-luwag na siguro ang schedule ko,’’ wika ng masungit kong kapatid. Napa-roll eye na lamang ako ng tinawag sa paging ang pangalan niya. “Paging Doctor LD to go operating room.” Dalawang beses pang inulit ang pag-paging kay Kuya. “See, marami ang nangangailangan sa akin, kaya sige na. See you next week, My Dear Sister,’’ aniya. Tinapik niya lang ang balikat ko at lumabas na sa kaniyang silid. Napabuga na lamang ako ng hangin sa ire. Lumabas na lang ako at sumakay muli sa aking taxi. Habang nasa loob ako ng taxi tinawagan ko si Daddy. Subalit ring lang nang ring ang kaniyang cellphone, kaya hinayaan ko na lamang ito. Kung hindi ako magkakamali busy din ito sa mga negosyo niya. Mahirap talaga kapag bago ka pa lang sa isang lugar. Wala ka man lang matawagan na kaibigan. Hindi katulad sa Amerika na kahit sino sa mga kaibigan ko roon ay mabilis ko lang tawagan upang samahan ako kung saan ko gusto pumunta. Sinimulan ko ng i-start ang aking sasakyan at bahala na kung saan ako mapapadpad. Habang sa kahabaan ako ng kalsada nakatanaw ako ng restaurant. Tumabi muna ako roon at nag-order ng pagkain. Nagugutom na rin kasi ako dahil tanghali na. Pagkatapos kong kumain sumakay ulit ako sa aking kotse at hindi ko na naman alam kung saan ako pupunta. Nababagot din naman ako sa bahay dahil wala naman akong masyadong gagawin roon. Sinusundan ko lang ang kahabaan ng kalsada hanggang nakarating ako sa Cavite. Nag-drive lang ako nang drive hanggang nakarating ako sa karagatan.. Naghanap ako ng aking mapag-parking-an mabuti nakakita ako ng hotel, kaya doon na ako nag-parking at nag-chick in. Balak kong bukas na lang ako uuwi at tatawagan ko na lang si Manang Biday na hindi ako makauwi ngayon. Maganda ang hotel at nasa harapan mismo siya ng dagat, kaya mula sa aking silid tanaw ko ang asul na dagat. Ang kagandahan pa mayroon silang bar na katabi lang ng hotel. Mayroon din mall sa hindi kalayuan. Maganda ang puwesto ng hotel na ito dahil malapit sa lahat. Mula sa 17th floor bumaba ako at nagtungo sa mall para makapamili ng pamalit ko. Syempre hindi ko rin palalampasin na hindi makapag-swimming sa pool na nasa tabi lang ng dagat. Pagkatapos ko mag-shopping namasyal ako sa tabi ng dagat saka kumuha ako ng ilang larawan na may magandang view. Syempre hindi ko talaga papalampasin ang pagkakataon na hindi kunan ng larawan ang bagong lugar na napuntahan ko. Maraming tao at pareho may kapareha. Naiinggit tuloy ako dahil sa edad kong 24 hindi pa ako nakapag-boyfriend. Ayaw ko rin kasi ng ibang lahi dahil takot ako. Isa pa walang nanliligaw sa akin dahil bantay sarado naman ako ni Kuya. Ayos lang naman sa akin kahit tumanda akong dalaga. Subalit pangarap ko rin magkaroon ng sarili kong anak. Pero, syempre gusto ko muna mag-injoy sa buhay ko mag-isa bago ko hanapin ang magiging tatay ng anak ko. Madilim na ng pumasok ako sa hotel subalit sa halip sa silid ako dumiretso tumuloy ako sa bar. Nag-order lang ako ng light na inumin. Napakaganda ng lugar na ito dahil puwede ka mag-unwind sa swimming pool na katabi lang din ng bar. Uminom muna ako ng ilang shot saka ako nagtungo sa swimming pool. Dala ko ang aking bag at swimsuit na binili sa mall. Nagbihis na ako ng swimsuit saka lumusong sa tubig. Nagpadala ako ng light na inumin sa swimming pool. “Hi, Miss. Can I join you?’’ Napalingon ako sa lalaking kumausap sa akin. Matangkad ito malaki ang pangangatawan na parang alaga sa gym. “Ako ba ang kausap mo?’’ mataray kong tanong sa kaniya. Nakasuot siya ng polo na kulay puti na bukas sa harapan, kaya nakikita ang malapad niyang dibdib. Nakapang-swimming attire ang pang-ibaba niya. “Nag-iisa ka lang naman sa puwesto mo rito, ‘di ba? Kaya ikaw ang kausap ko, Miss,’’ nakangisi pa ng lalake na mukhang manyakis. Gwapo sana kaso napi-preskuhan ako sa ugali niya. “Sorry, pero gusto ko mapag-isa. Malawak naman ang swimming pool na ito, pero kung gusto mo talaga sa pwesto ko sige dito ka na lang at maghahanap ako ng mapagpuwestuhan ko,” mataray kong sabi sa kaniya at umahon sa pool. Namilog ang mata niya ng umahon ako. Parang ngayon lang ito nakakita ng babae na naka-swimsuit sa harapan niya. Kinuha ko ang wine at naglakad. “Sungit mo naman, sexy!’’ sigaw pa ng manyakis na lalake. Ayaw ko na nasisira ang araw ko lalo na sa mga taong walang kuwenta. Kaya, nga ako pumunta rito para makapag-relax. Sa di kalayuan ng swimming pool nakakita ako ng silid na mayroong swimming pool sa loob. Ang sa gilid na bahagi ng silid ay salamin ang pader, kaya nakikita ko ang loob. Sinubukan kong buksan ang pintuan at bumukas naman iyon. “Wow, ang ganda naman rito,” napapangiti kong sabi sa aking sarili. May alak na nakalagay sa lamesa na nasa gilid lang ng swimming pool. Sakto lang ang laki ng swimming pool. Kinuha ko ang alak at dinala sa gilid ng swimming pool. Naglublob ako sa tubig at pabalik-balik na lumangoy. Mayroon din dito na salbabeda na kung gusto mo magpalutang-lutang at kumain ipatong mo lang ang pagkain sa lalagyan ng pagkain na naroon na sa harapan ng salbabeda. Umahon ako at kinuha ang pagkain na naroon sa lamesa na hindi pa nagalaw. Iniisip ko na para iyon sa mga guest, kaya ang swerte ko dahil nauna akong pumasok rito. Nagpalutang-lutang ako sa swimming pool habang nakasakay ako sa salababeda at umiinom at kinain ang steak na ginawa ko ng pulutan. Medyo nakaramdam na ako ng pagkahilo, kaya ipinikit ko na lamang ang aking mga mata, subalit napadilat ako nang may baretonong boses na tumawag sa akin. “Who gave you permission to enter this private room?” Napalingon ako sa kinaroroonan ng baretong boses. Isang matangkad na lalake ang nakatayo sa gilid ng pool. Nakapameywang ito at nakasuot ng roba. Pamilyar ang mukha nito sa akin subalit hindi ko na pinansin kung saang lupalop ko siya nakita dahil bigla na lang ako nagulat ng sigawan niya ako. “Get out of here, stupid!’’ Nang-init ang tainga ko sa sinabi niyang iyon, kinuha ko ang bote ng alak sa tabi ko at walang ano man ay ibinato ko iyon sa kaniya. Nakailag siya subalit nabasag ang bote. “Huwag mo akong tawaging stupid, dahil hindi lang naman ikaw ang nagbayad dito para mag-relax. Nauna akong pumasok rito, kaya huwag mo akong sabihan na stupid!’’ nanggigil kong wika sa kaniya. Pinadyak-padyak ko ang paa ko sa tubig para makarating ako sa gilid ng pool para masampal ko ang bastos na lalakeng iyon. First time ko kayang masabihan ng stupid, kaya hindi ko iyon palalampasin. Pag-ahon ko lalo akong nahilo, kaya halos gumapang na ako sa kinaroroonan ng istatwang lalake na hinintay lang ako na makarating sa kinaroroonan niya. Nang nakarataing na ako sa kinaroroonan niya hinawakan ko ang mga paa niya para makatayo ako. Maraming balahibo ang mahahaba niyang paa. “Baliw ka ba? Anong ginagawa mo?’’ galit niyang tanong sa akin nang nasa mga hita niya na ang aking mga kamay. “Nahihilo ako at g-gusto ko tumayo para masampal ka!’’ wala sa sarili kong sabi sa kaniya. Marahil naparami talaga ang inom ko, kaya mukhang malakas ang sipa sa akin. Narinig ko na tumawa siya ng pagak na nakakainsulto. “Lasing ka na ang tapang mo pa!’’ sabi niya sa akin at hinatak niya ang aking braso upang makatayo ako. Nang makatayo ako binitiwan niya ako, kaya binabalanse ko ang aking sarili na huwag mabuwal. Hinawi ko ang aking mga buhok sa aking mukha at matuwid na humarap sa kaniya. “Ikaw?’’ gulat niyang tanong sa akin. Pinasingkit ko ang aking mga mata upang alalahanin kung sino siya? Kilala niya ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD