At dumating din ang araw na nadischarge siya sa hospital, hilom narin ang sugat niya kaya sabik na talaga siyang makalabas at makauwi sa bago nilang bahay. Kasama niya ang mga magulang habang nagliligpit ng kaniyang gamit, ilang araw naman naging abala ang binata at huling bisita nito sa kanya ay sandali lang silang nagkausap pero nabalitaan niya kay Boss B na may out of town business ito, kung ilang araw ay hindi niya alam. Namimiss niya tuloy makita ito at iniisip niya rin kung magkikita pa kaya ulit sila. "Celina okay kana? wala kana bang naiwan?", untag ng Mommy niya kaya napatingin siya dito saka tumango, nauna na naiuwi ng mga ito ang malaking teddy bear na bigay sa kanya ng binata. "Is everything alright? wala ng nakalimutan?", saad naman ng Daddy niya, "Wala na Hon, Let's go", a

