Nagpatuloy ang binata sa ginagawang paghahatid nito sa kanya papasok ng Campus bago ito magtungo sa opisina. Pinupuntahan rin siya nito bago magtanghalian para sabay silang kumain kaya halos masanay siya sa presensya nito, wala man itong nababanggit sa kung anong relasyon nila ay tingin niya meron ng espesyal sa kanilang dalawa. Bago mag alas singko ay naroon narin ito at nakaabang sa kanya, matapos ang maghapon niyang exam ay napapawi ang pagod niya tuwing nakikita itong nakaabang sa may parking area. Nang matanaw niya ito di kalayuan ay lumapad na agad ang pagkakangiti niya at mabilis na humakbang papunta dito. "Sir Harry," "How's the exam? napagod kaba?", umiling naman siya dito, nasagutan niya ata lahat at muntik niya pang iperfect, "Solid, wala akong iniskip na isa. Ewan ko lang k

