Part 27

2230 Words
Tanghali na ng magising siya, napabalikwas siya ng bangon ng makarinig ng kakaibang ingay mula sa labas. Bakit parang naririnig niya ang pag meow ng mga alaga niyang pusa?, hindi kaya nakapasok ang mga ito? kabilin bilinan pa man din ni Boss B na bawal ang mga alagang hayop sa loob ng Rest House at ayaw ng binata. Baka magalit pa ito kung kailan maganda na yung samahan nila. Napamaang siya ng makita sa labas ng garahe ang tatlong pusa, nakabukas ang gate at malamang ay nakapasok ang mga ito, baka nagugutom na at hinahanap na siya. Dali dali niyang nilapitan ang mga ito, "Celina ang mga pusa mo maaga kang hinahanap at mga nagugutom na ata", saad ni Manang Becky, "Onga po Manang eh, dito tayo sa labas ming!", sabay kuha niya dun sa isa, hindi naman ito pumiglas ng kargahin niya, sunod niyang dinampot ay yung isa pa babalikan niya nalang yung isang naiwan na nagpapaikot ikot pa. May kabigatan narin ang mga ito dahil alaga niya sa pagkain, akmang lalabas na siya ng gate ng makasalubong niya ang binata, natigilan pa siya ng makita ang bitbit nitong isa pang pusa, yung pang apat! "Oh Celina, gising kana pala", "S-Sir??", napangiti naman ito sa kanya, bigla naman tumalon pababa yung bitbit nitong pusa "You seem surprised, baka may ibang mag uwi ng mga pusa mo kaya pinapasok ko na sa loob", "Ah? hah? p-pero?", "Hindi pa bumabalik yung pang lima, baka nasa galaan pa", muling saad nito saka humakbang papunta dun sa garahe, nagtataka na sinundan niya lang ito ng tingin may kinuha ito sa likod ng sasakyan kaya napalapit siya dito. Napangiti naman ito sa kanya ng mailabas nito ang limang lalagyan ng pagkain para sa mga pusa, "Huh??," "Binilhan ko narin sila nito para hindi kana sa labas magpapakain, mahirap na. Troublemaker pa man din ang amo nila", natawa naman siya sa sinabi nito at hindi parin makapaniwala,, "Pero akala ko ayaw niyo sa mga alagang hayop Sir?", "Did I say that?", takang saad naman nito, napailing lang siya, nilabas naman nito ang isa pang supot, mga cat foods naman kaya napakurap siya ulit. "I'm not fond when it comes to pet, but when I see how you take care of them, it's looks fun and interesting aside from doing a lot of paperworks", "Ibig sabihin aampunin niyo narin sila?" napangisi naman ito, "Kesa iba ang kumuha sa kanila at baka dun kapa sumama", "Huh?," napaiwas naman ito ng tingin at inilagay sa lapag ung limang pakainan ng mga pusa, pinanuod niya lang ito habang nilalagyan nito ng pagkain ang bawat lagayan, naglapitan naman ang mga pusa niyang alaga dito at agad nilantakan ang hinandang pagkain ng binata. "Kukuha lang ako ng tubig", may galak na saad niya at madali na pumasok sa loob ng kusina, nakasalubong niya pa ang napapangisi na si Boss B "Iba talaga ang nagagawa mo Celina, ngayon lang nagka interes sa pusa yang amo ko", "Huh?, ang bait nga ni Sir Harry eh, aampunin niya narin ang mga pusa ko", "Baka natakot na iuwi ni Kent ang mga pusa", "Hindi naman yan iuuwi ni Kent Boss B", "Sus narinig ko kaya yung sinabi niya," "Narinig mo?" "Hindi pala masyado, siya sige na mamaya isipin mo pa na chismoso ako", kamot ulong saad nito, natawa nalang siya dito, agad rin siyang bumalik dun sa pwesto ng binata at sinalinan ng tubig ang kainan ng mga pusa niya. Troublemaker pa man din ang amo nila. Napangiti siya ng maalala ang sinabi nito, simula nga naman ng dumating siya dito ay puro gulo na ata ang pinasukan niya pero sa mga gulo na yun naroon ito para sa kanya. Bigla tuloy nag init ang mukha niya, "What are their names? do they have a name?" maya maya'y tanong nito, "Muning", "Muning? all of them Muning?" tila di makapaniwalang saad nito, tumango naman siya dito "Muning one, two, three, and four", natawa nalang siya dito, "Aba at nagkaroon na ng panibagong amo ang mga alaga mo Celina", saad naman ng Ginang na nakamasid sa ginagawa nila, nakangiti na tumango naman siya dito, napatayo naman ang binata mula sa pagkakaupo. "Simula ngayon dito narin sila sa loob ng bahay Manang Becky, yung pang lima nasa galaan pa", "Gala kase yon, mga tanghali babalik narin yon", "Ang mabuti pa mag almusal na tayo, mag aasikaso lang ako ng lamesa", susunod din sana siya sa ginang ng pigilan siya ng binata "Celina wait", "Sir?", "Pupunta kaming Manila ni Kuya Bigs, hindi ba't may gusto kang balikan sa bahay niyo?", "Pero ayaw na kong papasukin ng bagong guard dun Sir, may bago naraw may ari yung bahay at mahigpit ang bilin sa kanya na hindi pwede magpapasok", "I'll take care of it", "Huh?", "Sasamahan kitang kunin ang mga kailangan mo, Let's eat para makaalis na tayo", saad nito at humakbang na papasok sa loob, muli pa siyang natulala dito, sobra sobra na talaga ang kabutihan na nagagawa nito sa kanya. Matapos nilang kumain ay mabilis siyang nag-asikaso dahil excited siyang sumama sa byahe ng binata papuntang Manila. Sasamahan rin daw siya nito makiusap sa mamang body guard para makapasok siya sa loob ng bahay nila at makuha niya ang ilan niya pang gamit. "Mag iingat ka Celina! wag kang hihiwalay kala Sir Harry at baka mapahamak kana naman. Diyos ko po kang bata ka", muling paalala pa sa kanya ni Manang Becky, yumapos naman siya sa braso nito para kumalma ito, "Opo Manang, hindi po ako aalis sa tabi ni Sir Harry", "Tayo na Celina, nasa labas na si Sir Harry", "Bye Manang!", "Mag-iingat kayo", pahabol na saad nito, sumunod na siya kay Boss B, nakita niya pa sa labas ang binata habang naghihintay sa kanila, pinauna siyang pasakayin nito sa loob bago ito. Tahimik lang siya sa byahe abala rin kase ang binata sa harap ng laptop nito kaya siguro minsan lang ito magmaneho dahil walang oras na hindi ito busy. Pag mapapasulyap siya dito ay titingin din ito sa kanya kaya agad din siyang mapapaiwas ng tingin, "May gusto kabang bilhin? o kainin?", umiling naman siya dito saka ngumiti, makita niya lang ito ay ayos na siya. "W-Wala Sir, okay lang ako. Wag niyo lang po ako pansinin,, work lang po kayo", baka kase nadidistract ito pag susulyap siya, maigi siguro ay ituon niya nalang ang pansin sa labas ng bintana, muli naman napangiti ito. Hanggang sa nakarating din sila sa loob ng subdivision at tumigil sa tapat ng may kalakihan nilang bahay. "Eto pala ang bahay niyo Celina? muntik ng maging palasyo ah?", saad ni Boss B, napangiti lang siya dito. Binuksan naman ng binata ang pintuan ng sasakyan at naunang bumaba kasunod siya. Muli siyang kumatok dun sa pintuan ng guard. "Ano hong kailangan??", "Kuya ako yung,,-" "Naku Mam, kayo na naman? hindi po talaga pupwede. Nakausap ko po yung Amo ko at yung bilin niya ay ganon parin hindi po kayo pwedeng pumasok", "Let her in", biglang saad naman ng binata dito, "Pero Sir, ang bilin po talaga ni Mam Garcia-", "Call you're Boss, and tell her na inutusan kitang tawagan siya", "Naku Sir, sino hoh ba sila?", "Harry Steve", napatingin lang siya kay Manong Guard na nagkakamot ulo, "Wait lang Sir at tatawagan ko si Madam", sandali silang naghintay sa labas habang tinatawagan nito ang Amo. "Hello Madam?? nandito ulit ung babae nung nakaraan na gusto pumasok,,, sinabi ko na nga hoh na hindi pupwede at iyon ang utos niyo,, may kasama hoh siya pinapatawagan ako sainyo,, siya raw hoh si Harry Steves,", "It's Steve", "Yun nga po Harry Steve,, pooo?? papasukin ko po??? ", agad siyang napatingin ulit dito at napamaang na tumingin sa binata, "Pasok naraw kayo Mam, Sir", kamot ulong wika nito sa kanila, lumapad naman ang pagkakangiti niya "Thank you Manong!!, sandali lang po talaga ako sa loob promise!!", Natuwa siya ng buksan nito ang gate nila, sabik siyang pumasok sa loob ng bahay at bumugad sa kanya ang malawak nilang garden at garahe. Mahahaba na ang damo sa paligid at tuluyan ng napabayaan ang mga alagang halaman ng Mommy niya, umahon ang lungkot sa kanyang dibdib. Makikita mo talaga ang halaga ng isang bagay oras na nawala na ito sayo. Sa likod ng kusina siya dumaan dahil naka locked ang front door, nagulat pa siya kung sino ang nasa likuran niya. Ang binata pala ito, "Sir Harry kayo pala, tara po sa loob", aniya dito at pumasok sila mula sa kusina at nagdiretso sa malawak nilang sala. Agad niya binuksan ang ilaw, nang lumiwanag ang paligid ay mas lalo niyang namimiss ang sariling tahanan,, "Ang daddy ko ang nagplano ng interior designed nito, five years old ako ng lumipat kami dito", aniya habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kanilang bahay, ang bahay na pinaghirapan ng kanyang mga magulang. "You're father is a great architect, rebuilding this kind of interior's designed", "Anniversary gift niya ito kay Mom kaya naman ginandahan niya talaga, tara sa taas Sir. Doon ang ilang mga kwarto", aniya dito at naunang umakyat ng hagdan, pag tumagal pa siya dito ay mas lalo lang bibigat ang kalooban niya. Sumunod naman ito sa kanya sa taas at tinuro niya ang apat na kwarto, ang huli ay ang kanyang silid. Napahinga pa siya ng malalim bago pumasok sa loob, nahagip agad ng tingin niya ang coat na naiwan niya sa ibabaw ng kama. Kinuha niya muna yung mga kailangan niyang dalhin saka dinampot ang coat na nasa kama, "Tara na Sir", "Sigurado kang wala ka ng nakalimutan?", saad nito at napatingin dun sa coat na bitbit niya, tumango naman siya, "Oo Sir wala na,, malaya ko ng ipapaubaya ang kwarto ko sa bagong may ari", napangiti naman sa kanya ang binata, "You have a nice room,", muli niya inikot ang tingin sa paligid, nang lumabas ang binata ay isinara na niya ito, nakakalungkot lang isipin na ito na ang huli niyang pagtuntong sa bahay nila. "You want to get it back?", napaangat naman ang tingin niya dito habang pababa sila ng hagdan, hindi biro ang halaga ng pagkakautang nila sa bangko at wala siyang kakayahan na bayaran yun. "Balang araw", pilit ang ngiting saad niya dito, ayaw na niyang magtagal pa doon dahil lalo lang bumibigat ang pakiramdam niya. Hanggang sa nakalabas na sila, muli niyang sinulyapan ang paligid bago lumabas ng gate. "Maraming Salamat Kuya, nakuha ko na", "Okay Mam, bye Sir balik po ulit kayo", "Tsk,," Tahimik lang siya habang binabaybay nila ang daan pauwi, inayos niya naman ang pagkakatupi ng coat na bitbit niya napansin niya tuloy ang pagtingin dito ng binata. "That coat", "Huh? eto Sir?", "Yeah, nasayo pa pala yan", sabay iwas nito ng tingin, tinuloy niya naman ang pagtutupi dito, "Napulot ko lang ito eh sa bus,", "N-Napulot??", napakamot naman siya at inalala yung nangyari, "Hindi pala, may nag iwan sakin nito", "Mukhang maganda yan Celina ah? kasya ata sakin yan", biglang saad naman ni Boss B, "Eh? parang mas kasya toh kay Sir Harry Boss B", aniya at napatingin sa binata pero nasa labas ng bintana lang ang tingin nito. Medyo nahiya tuloy siya, as if naman na tatanggapin ito ng binata e maraming magaganda at mamahalin na coat ito. "Mag ka size lang kami ni Sir Harry", "Hehe, ganon ba? sige iyo nalang. Hindi ko rin kilala may ari neto eh", "Eherrm", napahawak naman sa leeg ang binata ng mapatingin siya dito, "Ayos walang bawian ah? mukang maganda eh at mamahalin. May pang porma man lang ako, ", tuwang saad pa nito napangiti nalang siya at itinuon narin ang tingin sa labas. Sandali silang tumigil sa isang restaurant at kumain bago bumiyahe ulit pauwi. Akala niya ay may pupuntahan pang iba ito pero parang ang pagpunta lang sa bahay nila ang sinadya nila. Hapon na ng makabalik sila sa batangas, "Oy Celina, may usapan tayo akin na yan", nakangising wika pa ni Boss B habang nakatingin dun sa coat na bitbit niya "Lalabhan ko muna Boss B para hindi ka mangati pag sinuot mo", "Naku hindi na, ako ng bahala dyan mapapagod kapa. Tsaka mamaya bigla pa magbago ang isip mo", natawa naman siya dito at iniabot na dito ang hawak na coat "Sige na nga", "Ang ganda naman nito, bagong bago pa ah. Bagay na bagay talaga toh sakin", natatawa na pinagmasdan niya lang ito habang inaamoy amoy pa nito ang hawak na coat "Pamilyar yung amoy ah, ang bango pa amoy pogi", "Ay nako Joselito, akina nga yan ng malabhan", sabay hablot dito ng ginang at tiningnan pang maigi ang hawak na coat "Hindi ba kay Sir Harry ito? kamukha ng coat niya", "Ano kaba naman Becky, porket si Sir lang ang nagsusuot lage ng coat dito?", "Kamukha kase ng mga coat ni Sir", natatawa na pinagmasdan niya lang ang dalawa, nakakatuwa panuorin ang mga ito pag nag aasaran "Pano naman magiging kay Sir toh? e naiwan nga toh sa bus tsaka hindi nagsusuot ng cheap na damit si Sir noh, Becky talaga. ayusin mo paglaba niyan ah mukang imported pa naman yan", "Oo ako ng bahala dito", paalam ng ginang, nagtungo nalang siya sa labas at nakita niya pa na abala ang binata sa mga alaga niyang pusa. May katuwang na siya ngayon sa pagpapakain sa mga ito, pero bigla niya naisip paano pag dumating ang araw na aalis na siya? makikihati kaya ito sa mga pusa niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD