Marahas na tinanggal niya ang suot na scarft at hinagis ito sa lapag, naninikip ang dibdib niya sa nangyari at nagawa pang makipagtalo nito sa kanya. Ayaw niyang makita na umiiyak ang dalaga pero hindi niya mapigilan ang kanyang emosyon, nanginginig parin ang kalamnan niya ng makitang kasama nito ang lalaki na minsang nanakit dito. Sobrang nag-aalala siya kanina ng hindi niya matagpuan ito, hindi matanggap ng kalooban niya ang makita na kasama nito ng lalaking yun. Wala parin siyang tiwala sa posibleng gagawin nito para muling makuha ang dalaga, at hindi yun kakayanin ng kalooban niya. Agad niyang tinanggal ang suot na coat at muling hinagis sa upuan, nagpupusok parin sa galit ang kalooban niya pero sa tuwing naaalala niya ang luhaan na mukha nito ay parang pinipiga ang dibdib niya. Hindi

