Bago bumalik sa Beach Resort ay naisipan niya munang dumaan sa Rest House niya, mula ng dumating sila kahapon sa pinas ay hindi niya pa napupuntahan si Manang Becky pero alam nito na ngayon ang punta nila dito dahil sa gaganaping Anniversary Party sa Resort. Di kalayuan ay may natanaw pa siyang pulang montero na nakaparada sa gilid ng Rest House nila. Napakunot noo siya, parang pamilyar ang sasakyan nito at bigla niya naalala ang dalaga. Dito ba nito iniiwan ang sasakyan nito? pinarada niya sandali ang sasakyan sa kasunod nito saka bumaba. Marahil nandito pa si Manang Becky dahil hindi pa nakalocked ang gate. Agad siyang pumasok sa loob at nagtungo sa kusina, wala dito ang ginang marahil ay nasa silid nito. Tinungo niya ang pinto nito at kinatok. "Manang???", Ilang saglit pero wala siya

