Part 3

2298 Words
Nagitla siya ng biglang may tumapik ng balikat niya, pag angat ng tingin niya ay ang kaibigang si Ara, kakarating lang nito sa room nila. "Himala ang aga mong pumasok?", nakangiting saad nito ng maupo sa tabi niya, napabuntong hininga lang siya, kailangan niyang pumasok ng maaga dahil ayaw niyang sumabay kay Angelo, bago umuwi ang mga ito ay narinig pa niya ang sinabi nito sa Mommy niya na susunduin daw siya ng alas siete kaya naman alas sais palang ay umalis na siya kahit pa ayaw niya sana pumasok. "Wala nga kong plano pumasok eh", "Bakit naman, anong nangyari kagabi?" "Feels like katapusan ko na", Nanlaki naman ang mga mata nito bago natawa sa kanya at sinalaysay na niya ang buong nangyari kagabi kaya hanggang sa magising siya ay bugnot parin siya, napabungisngis lang ito matapos niyang magkwento "Hindi kaya nakakatawa", "Yah I know, pero tingin ko seryoso na dyan sila tita sa planong pagmamatanda sa inyo ni Angelo" "Duh??, edi siya nalang pakasal dun!" lalo namang natawa ito "Gaga ka talaga taba, pero wala ba talagang chance na magustuhan mo si Angelo?, ang dami kayang nagkakagusto dun, gwapo naman siya, matangkad, brainy, maginoo uhm ano paba?" Inirapan niya lang ito although totoo naman lahat ng sinasabi nito sa binata, hindi niya lang alam sa sarili kung bakit hindi niya magawang magustuhan din ito. Isa lang nasisiguro niya hindi sila nito nakatadhana, "Kung natuturuan lang ang puso,, sana noon pa" "Bakit kase dimo bigyan ng chance? magdate kayo tapos titigan mo siya sa mga mata malay mo dun mo makita na siya pala ang lalaki para sayo", dagdag pa nito, napailing nalang siya. Nagawa narin naman nila noon ang magdate, pero hindi niya alam kung date ba ang tawag dun dahil kasama nila noon ang ninang nila pareho, masyado kase itong mahiyain noon, pag gusto siyang makasama ay kailangan may backer pa. Natitigan niya narin ito sa mga mata, maganda ang tingin na binibigay nito sa kanya pero wala siyang ibang maramdaman na kakaibang pagtingin dito, hanggang sa naiirita nalang siya sa sobrang kakulitan nito. Lagi itong napasyal sa kanila at magkukwento ng kung ano ano, puro kayabangan lang naman ang naririnig niya dito na lalong nagpadismaya sa kanya kaya sa bandang huli ay hindi na niya nilalabas ito. Nagmumukmok nalang siya sa kanyang kwarto at nagpapanggap na tulog para hindi maistorbo ng kanyang ina. "I almost did that, ayoko na siyang pag usapan taba naiistress lang ako baka one of these days bigla nalang akong maglaho", "Bruha kaba! one year pa bago tayo grumaduate and malay mo magbago pa ang isip nila tita, and sabi mo naman kakampi mo ang Daddy mo" "Tingin mo may magagawa pa si Dad once na mag decide ng bongga si Mom??," "Uhm, I Don't know, pero kilala ko si tita gusto niyang ma secured ang future mo", "Tsk!, gusto niyang ma secured ang business niya hindi ako,,", "So anong plano mo?" "Pupunta akong Arts Gallery, hindi pako sumusuko sa portrait na yun", "Grabe ang confidence mo sa Portrait na yun teh!, malapit ng dumating si Mam!", anito ng makatayo siya at dinampot ang sling bag niya "Wala ko sa mood ngayon umattend ng misa niya balitaan mo nalang ako. See you sa next subject", "Huy taba!! babagsak ka na naman niyan eh!!, pambihira ka talaga sama me!!", habol na saad nito sa kanya, napalingon naman siya dito "Wag na!, wala akong kokopyahan ng lecture pag sumama kapa sakin, ge na bye!!", "Naman eh! pasalubong hah", Kinaway niya lang pataas ang isang kamay niya habang naglalakad palayo, nasa hallway palang siya ng makasalubong niya ang binata kasama ang dalawang babae na kaklase nito, nagtatawanan pa ang mga ito, hindi na niya sana papansinin pero nahagip siya agad ng tingin nito "Celina,," At wala siyang nagawa kundi ang tumigil sandali at napatingin dito "Maaga ka palang pumasok, dumaan ako kanina sainyo", "Yeah, why?" "Here, naiwan mo ang scientific calculator mo may exam tayo mamaya sa Physics", sabay abot nito sa kanya ng calculator, kinuha niya nalang ito para makaalis na siya "Thanks", Akmang aalis na siya ng magsalita ulit ito, "Magstart na klase niyo aalis kaba?", Napaikot niya ang mga mata bago muling humarap dito, "May babalikan lang ako sa car, alis nako? hah?", "Hindi ka naman mag ka cutting class diba?", napakunot noo lang siya dito, nagsisimula na naman tuloy siyang mairita sa pangingialam nito, hindi na siya magtataka kung pano nakakarating sa mga magulang niya ang minsang pag ka cut niya ng klase, hindi niya nalang ito sinagot at tumalikod na. Agad siyang nagtungo sa parking at sumakay ng sasakyan niya, bago siya makalabas ng campus ay nahagip niya pa ito na nakatanaw sa kanya habang papaalis ang sasakyan niya. "Nakakainis!", aniya, mukhang maging sa Campus ay binabantayan narin siya nito. Maghapon siyang nagpalipas ng oras sa Mall, bumili ng kung ano ano at tumambay sa play station. Hanggang sa mag alas singko na ay nagpasya na siyang umuwi, babawi nalang siya ng pasok bukas at aalis ulit siya ng maaga. Pagdating niya sa kanila ay sinalubong agad siya ng kanyang Ina sa bungad ng kanilang pinto, "Hi Mi", Akmang hahalik siya dito pero umiwas ito sa kanya, mukhang alam na niya kung bakit bad mood ito. "Spending whole day at Mall?, so kailan kapa natutong mag cut ng class??" Hindi agad siya nakaimik dito, marahil ang binata ang nagreport sa Mommy niya, napahigpit nalang ang hawak niya sa sling bag "Kailan niyo pako pinapabantayan kay Angelo?", "Angelo is concern sa ginagawa mo, masyado mo ng pinapabayaan ang pag-aaral mo Celina!, hindi bat may exams kayo??" "Pwede bang tantanan niyo muna ako kay Angelo Mom?, bakit ako nag cutting class?? cause I'm sick!! hindi ko lubos maisip ang gusto niyong mangyari samin ni Angelo!!!", "Celina!!!!", nagtaas na boses ng Mommy niya, ayaw na ayaw nga pala nito na nakakapagsalita siya ng kung ano sa binata, daig pa nito ang nagayuma "What?? wala na kayong ibang inaalala kundi ang kapakanan ng business niyo kaya maging sarili niyong anak gusto mo pa ibenta sa Angelo na yun!", "Iniisip lang namin ng Dad mo ang kapakanan mo, only Angelo will take care of you maging sa lahat. Wala kaming ibang aasahan kundi siya kaya mas mabuting sumunod kana lang dahil para rin ito sayo", Napamaang lang siya dito, ano bang tingin nito sa kanya paslit?? mas lalong nanginig ang kalamnan niya, nangingibabaw ngayon ang pagkainis niya sa binata, hindi lang ito sumbungero kundi sipsip pa. "I can take care of myself Mom and I don't need Angelo,," "From now on hindi kana gagamit ng Car mo, si Angelo ang maghahatid sundo sayo", huling saad nito bago siya tinalikuran, naikuyom niya nalang ang dalawang palad at napahinga ng malalim. Hindi niya akalain na ganito ang mangyayari, sa inis niya at agad siyang pumanhik sa kanyang kwarto. Ano kaya kung lumayas nalang siya? ayaw niyang matali sa binata at hindi niya yun kakayanin. Agad niya nilocked ang pintuan niya at pasalampak na umupo sa kanyang kama. Mabilis niyang dinialled ang numero ng kaibigan at tinawagan ito. "Hello taba??", "Yes Celina, taba!", anito mula sa kabilang linya "Maaga mo ulit akong daanan bukas, hindi na pinapagamit sakin ni Mom yung car ko", "Actually kakatawag lang din ni tita, wag daw kitang kunsintihin, si Angelo naraw bahala sayo", "W-What?? the heck,, nababaliw na si Mom!!", lalong irita na saad niya, nagpupuyos na ngayon ang damdamin niya sa ginagawa ng mga ito, "Wag mo muna silang suwayin ngayon taba, wag kana mag cutting class at pakabait na tayooo", "And what?? susunod ako sa gusto nilang mangyare?? No way papakamatay nalang ako", "Huy tanga!! babaliw kana rin gaya ni tita eh. Ganito nalang sa kabilang street ka namin dadaanan ni Ramsy bukas, agahan mo umalis dyan ok??", "Ok fine, thanks,, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kung wala ka", "Ay sus nagdrama pa, matitiis ba naman kita. Kailangan mo rin talagang agahan kase may exam tayo sa Marketing. Send ko sayo mga lectures para makapag review ka", "Hays thank you talaga taba, pagpalain ka nawa ng poong maykapal sa labis mong kabutihan sakin", "Nabubuang kana naman siya sige na. Bye", Napahinga siya ng malalim ng mag end ang call nila, muli siyang tumayo at nagtungo sa cabinet niya. Kumuha siya ng ilang damit niya dahil napagpasyahan niyang hindi umuwi bukas. Nasasaktan siya sa ginagawa ng kanyang Ina at hindi niya yun matanggap. Dun nalang siguro muna siya mang iistorbo sa kaibigan hindi naman siya nito matitiis kahit ilang araw lang dahil ayaw na niya munang magstay sa bahay nila. Matapos niyang maimpake ang mga gamit na dadalhin ay nagtungo na siyang banyo para makapagpalit ng damit pantulog. Wala ngayon ang Daddy niya kaya wala siyang mahihingan ng saklolo kaya naman buo na ang loob niya na hindi muna umuwi kinabukasan. Nang makahiga sa kama ay muli niya pinagmasdan ang mukha ng binata na nasa wallpaper ng cellphone niya. Naaattract talaga siya sa mukha nito, sa tuwing pinagmamasdan niya ito ay sandaling nawawala ang mga problema niya. Pero ng sumagi sa isip niya ang binatang si Angelo ay napairap siya. Kailangan niyang makausap ng masinsinan ito na hindi siya papayag sa nais ng kanilang mga magulang, kailangan nitong tanggapin ang katotohanan sa ayaw man nito o hindi. Kinabukasan ay maaga siyang gumising at nag asikaso bitbit ang kanyang malaking bag pack. Gising na ang katulong nila at abala sa kusina kaya marahan na siyang lumabas ng kanilang bahay. Hiling niya lang na sana hindi naghigpit ang Mom niya sa guard nila. "Goodmorning Mam Celina", "Goodmorning kuya", nakangiting bati niya rin dito "Ang aga niyo po yata Mam, wala pa po ang sasakyan ni Sir Angelo", "Ah? H-Hindi ako sasabay kay Angelo kuya, kay Ara ako-", "Naku Mam bilin sakin ng Mommy niyo lalabas lang kayo pag si Sir Angelo na ang sumundo sainyo", kamot ulong wika nito, sandali namang natigilan siya habang nakamata dito. "Sinabi yun ni Mom?", "Oo Mam eh, baka hoh kagalitan ako. Pasensya na Mam trabaho lang", "Sa labas ko nalang aabangan si Angelo kuya, may message narin naman daw siya na malapit na siya sa kanto", "Hoh? eh bat hindi nalang sa loob Mam??", "Maaga kase kami ngayon papasok kuya, abala pa pag pumasok pa siya sa loob", "G-Ganon po ba,", "Yes kuya, dyan lang ako sa tapat ng gate aabang", nakangiti niya pang saad dito, bakas naman ang pag alinlangan sa mukha nito pero sa bandang huli ay pinagbuksan din siya nito ng gate. "Salamat kuya", nakangiti niyang saad, saka nagvibrate ang phone niya at nakatanggap siya ng message galing sa kaibigan. Papasok naraw ang mga ito sa subdivision nila. "Eto may message na kuya malapit na siya, salamat ulit bye!!!", aniya saka mabilis ang mga paang humakbang palayo. Kabilang kanto ang usapan nila at hindi naman yun masyado kalayuan bago pa siyang pigilan at habulin ng guard nila. Napapailing nalang talaga siya sa gustong mangyari ng Ina niya. Malapit na siya sa may kanto ng makarinig siya ng busina ng sasakyan, nakangiti na napalingon siya sakto lang ang dating ng mga ito sa usapan nila. Pero nawala ang ngiti niya ng tumigil ang itim na sasakyan sa harapan niya at lumabas sa loob nun ang binata. "Celina,,,", "Angelo??", Sakto namang pagdating ng sasakyan ng kaibigan niya at sabay na lumabas ang mga ito palapit sa gawi nila. "Taba", Sandali siyang napatingin sa kaibigan saka bumaling sa nakaabang sa kanyang binata. "Kala Ara at Ram nako sasabay pumasok", aniya dito, "Pero ibinilin ka sakin ni Tita na simula ngayon sakin ka sasabay pumasok", mahinahong saad naman nito, "Siya lang may gusto nun, pwede bang wag kang maging sunod sunuran sa kanya??", "Celina hindi ko pwedeng suwayin ang bilin ng Mommy mo", muling giit pa nito na kinainis ng pandinig niya, kahit anong pilit nito ay hindi siya papayag "A.yoko?? Okay?? pabayaan mo nalang ako", Akmang tatalikuran na niya ito para pumunta sa kaibigan ng pigilan nito ang isang braso niya. "Pwede bang wag ng matigas ang ulo mo?", "Pare baka pwedeng samin na sumabay si Celina? wag mo na siyang pilitin kung ayaw niya", narinig niya namang saad ni Ram na nasa tabi ng kaibigan niya, "Pwede Pare wag kang makikialam? hindi naman ikaw ang binilinan kay Celina diba?", "Angelo ano ba!! hindi nga ako sayo sasabay!!", aniya saka pilit na hinihila ang braso niya na hindi nito binibitawan, masama naman ang tingin nito sa kasintahan ng kanyang kaibigan. At nagkakasukatan narin ng tingin ang dalawang lalaki, "Angelo hayaan mo na si Celina sa gusto niya, safe naman namin syang ihahatid sa school", wika naman ng kaibigan niya na bakas na ang pag-aalala sa mukha, mahigpit parin ang pagkakahawak nito sa braso niya at tila walang balak siyang bitawan kahit anong gawin niya. "Let me gooo!!! kundi isusumbong kita kay Daddy!!! hindi porket sinabihan kana ni Mom may karapatan kana sakin!!!", asik niya dito saka niya naramdaman ang pagbitaw nito sa braso niya. Dali dali naman siyang nagtungo sa gawi ng kanyang mga kaibigan. "Celina!", Narinig niya pang tawag nito pero nagmamadali na siyang sumakay sa loob ng sasakyan ng kaibigan, agad rin naman sumunod ang dalawa at madali na pinaandar ang sasakyan. "That guy! masyado na siya", angil niyang saad habang papalayo sila "Hindi mo ba napansin kanina ang tingin ni Angelo? parang gusto na niyang manakit!", "He looks like he wants to swallow me alive", natatawang sagot naman ni Ram habang nagmamaneho "Hayaan niyo siya, hindi niya parin ako mapapasunod sa gusto nila", aniya, pero sa kaloob looban niya ay kinakabahan na siya. Kung magpapatuloy pa ang gustong mangyari ng Mommy niya ay mapipilitan talaga siyang umalis sa poder ng mga ito bahala na kung hindi siya makagraduate wag lamang mangyari ang plano ng mga ito na ipakasal siya sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD