Patuloy parin siya sa pagluha habang nakaupo sa waiting shed, mabuti nalang at wala masyadong mga tao na nagdaraan walang nakakakita ng pagdadrama niya. Sa isang iglap ganon nalang naglaho ang lahat, ngayon naiintindihan na niya kung bakit ganon ka pursigi ang kanyang ina na maikasal siya kay Angelo, para sa kanilang negosyo na ngayon ay hindi niya sigurado kung pag mamay-ari paba nila. Ilang properties na nila ang nahatak ng bangko at hindi niya pa alam ang mga detalye dahil walang nababanggit ang kanyang mga magulang. Sabagay paano magsasabi ang mga ito sa kanya na may problema na silang kinakaharap gayong sa simula palang ay hindi na niya binigyan pansin ang negosyo ng pamilya. Naging makasarili pa siya netong mga nakaraan. Napaangat ang tingin niya ng isang itim na sasakyan ang biglang tumigil sa harapan niya, pagbukas ng pinto nito ay nakita niya agad ang lalaki na napangiti pa ng makita siya.
Agad naman siyang napatayo sa kinauupuan, aalis pa sana siya pero mabilis itong nakalapit sa harapan niya.
"So you're just here",
"What else do you need?? tingin mo ba mapipilit mo parin akong sumama sayo?? I will never go with you Angelo!", mariin niyang saad dito, nangingilid narin ang luha sa mga mata niya
"You have nowhere else to go Celina, ngayon pa na wala narin ang bahay niyo", tuluyan ng bumagsak ang mga luha niya, kung ganun ay may alam ito sa nangyari
"I still won't go with you, just leave me alone hindi mo hawak ang buhay ko kaya umalis kana",
"Kung nakinig kalang nung una hindi na sana umabot sa ganito ang lahat Celina, pero masyado kang makasarili, and who is suffer now? ang mga magulang mo",
Natigilan siya habang nakatitig lang dito,lalo niyang naikuyom ang dalawang palad,tingin ba nito ay dahil sa nangyari ay magbabago ang isip niya na sumama dito at pumayag sa gusto ng mga ito na makasal sila?? hinding hindi,
"Don't you feel sorry to yourself? how many times you will force yourself on me?", nag-igting naman ang panga nito sa sinabi niya,
"Damn you Celina, I do this for the sake of your family",
"Just leave my family alone, it's not your business Angelo at isa pa wala na, wala ka ng dapat pang habulin sakin", nagitla naman siya ng bigla nitong hablutin ang braso niya,
"Let me remind you Celina that you're family owes me a lot,, do you know that your parent's are missing?? pag nagmatigas kapa you will never ever see them again", saad nito saka marahas na binitawan ang braso niya, muntik pa siyang ma out balance sa ginawa nito, lalong umahon ang kaba na nararamdaman niya para sa mga magulang, anong ibig sabihin nito na nawawala?
"Let's go", muling saad nito at kinuha ulit ang braso niya, agad naman siyang nagpumiglas dito,,
"Ano ba!!! kahit ano pang sabihin mo hinding hindi ako sasama sayo!!!",
"Don't be stubborn Celina!!, sa tingin mo hahayaan kitang makatakas ngayon?? hindi", anito at pilit parin siyang hinihila, nagmatigas naman siya kakahila sa braso niya at di sadya na nasampal niya ito,
"Bitawan mo ko sabi eh!!! kundi ipapapulis kita!!",
Natigilan naman ito at nanlilisik ang mga mata na tumingin sa kanya,
"You really want to get hurt huh?", napapikit siya ng akmang sasampalin siya nito,
"And who are you????", may galit sa boses nito, napaangat ang tingin niya ng isang kamay ang biglang humablot sa braso ng binata.
"You have a habit of hurting innocent woman",
"S-Sir Harry???", di makapaniwalang saad niya, hawak hawak parin nito ang kamay ng binata at masama ang tinginan ng mga ito sa isa't isa.
"Let go of my hand!!", asik naman nito, nagulat pa siya ng marahas nitong bitawan ang kamay ng binata dahilan para mapaatras ito at masama ang tingin sa kanilang dalawa.
"The next time you hurt Celina, I will put you in jail",
"Who do you think you are huh?? Bakit ka nakikialam? ang yabang mo ah!,", akmang susugod ito ng bigla na itong maunahan ng malakas na suntok ng binata, napasigaw nalang siya ng tumalsik si Angelo at duguan ang labi,
"Let's go" mahinang saad ng binata at kinuha nito ang kamay niya, napasunod nalang siya dito
"Celina!!!!!", napalingon nalang siya sa malakas na sigaw ni Angelo, akmang hahabol ito sa kanila ng pigilan ito ng isang babae na kakababa lang ng sasakyan.
"Are you hurt?", tanong sa kanya nito ng makalapit sila sa isang taxi, umiling naman siya at tumingin dito, papaano ito nakarating dito sa lugar niya, kinuha naman nito ang bagahe niya at ibinigay don sa driver na nasa gilid nila.
"Sakto lang ang dating niyo Sir, munti muntikan ng masaktan etong si Mam don sa salbaheng lalaki na yon", sabay ngiti naman na saad ni Manong,
"Tsk,"
"P-Pero anong ginagawa niyo dito Sir?",
"J-Just passed by", sagot nito at binuksan ang pinto ng sasakyan, may pagtataka na pumasok siya sa loob kasunod nito.
"San na tayo ngayon Sir", tanong naman nung driver
"Diretso tayo sa Makati",
Wala silang kibuan habang nasa byahe, nahihiya siya dito pero nagpapasalamat siya na nailayo siya nito kay Angelo.
"I told you to stay in my side hanggat hindi pa natin nakakausap ang mga magulang mo",
"They're missing, sabi ni Angelo na nawawala sila", muli namasa ang mga mata niya, pero may bahagi ng isip niya na ayaw maniwala sa tinuran ni Angelo. Nag-aalala na siya para sa mga ito at heto siya ngayon walang ibang magawa para matulungan ang kanyang mga magulang. Hindi naman agad ito nakaimik kaya nagpunas lang siya ng luha. Bigla niya naalala ang Ninong Henry niya, tiyak niyang may alam ito sa kalagayan ng kanyang magulang pero paano niya ito ngayon makakausap?
"I will help you Celina, from now on let's wait. May tao na ngayong naghahanap sa kanila".
"Totoong nawawala sila Sir Harry??", di makapaniwalang saad niya, kung kanina ay hindi pa siya kumbinsado ngayon ay mas lalo siyang nag-aalala gayong alam din pala nito na nawawala ang kanyang mga magulang.
"Yeah, bigla silang nawala sa hotel na tinutuluyan nila", tuluyan na siyang napaiyak sa narinig, ano na ngayon ang gagawin niya? kailangan niyang mahanap ang mga ito. Hindi makakaya ng kalooban niya kung parehas na mawala ang kanyang mga magulang, wala siyang pakialam kung mawala ang yaman at ari-arian nila pero ang kanyang mga magulang,, hindi niya kakayanin.
"Calm down Celina, I'm trying my best to help you're parent's. We will find them okay??" marahan na napatango na lang siya at napatitig sa mukha nito, nagpapasalamat parin siya na nandito ito para pagaanin ang kalooban niya. Isang puting panyo ang iniabot nito sa kanya kaya hindi na siya nag-alinlangan na tinanggap iyon at ipinangpunas sa mukha niya. Hanggang sa nakarating sila sa isang building,
"Mag-iingat kayo Mam/Sir,, makakagarahe ako ng maaga ngayon", nakangiting saad pa ni Manong Driver ng bumaba sila,
"Thank you Kuya", aniya matapos nitong iabot sa kanya ang bagahe niya.
"Let's go,", narinig niyang saad ng binata at naunang humakbang papasok ng gate nung building, sumunod nalang din siya dito dahil hindi niya rin naman alam ngayon kung saan pupunta hindi niya pa nakakausap ang kaibigang si Ara at nahihiya rin siya kung doon sa pamilya nito makikituloy dahil sa pagkakaalam niya malaki ang ininvest ng mga magulang nito sa negosyo ng kanilang pamilya at dahil sa nangyari tiyak niyang namomoblema din ang mga ito.
Tahimik siyang sumunod sa binata hanggang sa tumigil ito sa tapat ng elevator, ilang empleyado ang kasabayan nila na yumukod at bumati dito habang ang ilan naman ay tila nagpapa cute pa na ngumingiti sa binata. Nang bumukas ang elevator ay humakbang na ito papasok kaya sumunod naman siya, nagtaka pa siya ng hindi mga nagsipasok ang mga ito at may pagtataka rin ang tingin sa kanya hanggang sa nagsara nalang ang elevator. Wala naman siyang narinig sa binata kaya hinayaan niya nalang, hanggang sa bumaba sila sa 30th floor pagliko nito sa kabilang pasilyo ay isang malaking glass door ang bumungad sa kanila,
"Good afternoon Sir Harry", sabay yukod na bati nung guard, tinanguan lang ito ng binata hinarang naman siya nito na akmang susunod siya
"May appointment po ba sila Mam?"
"She's with me", napatingin siya sa binata na nakalingon sa kanila kaya napatango lang ang guard at ngumiti sa kanya,
"Pasok na po kayo Mam", tumango lang siya dito at sumunod na dun sa naghihintay na binata, bumungad sa kanya ang malawak na opisina na puro cubicle, ilang empleyado ang naroon at nakamata sa kanila habang papasok sila sa kabilang pasilyo.
Agad naman napatayo ang babae ng makita ang pagdating nila, tingin niya ay Secretary ito ng binata pinagbuksan sila ng pinto nito bago sila pumasok sa loob ng opisina.
"Sir Harry, the meeting will begin in 10 minutes", napatingin naman ang binata sa relo nito saka bumaling ng tingin sa babae,
"Please assist Celina, habang wala ako", tumango naman ito at napangiti sa kanya, humarap naman ang binata sa kanya,
"Wait me here", siya naman ang tumango dito at sinundan nalang ito ng tingin, sandaling may kinuha ito sa isang cabinet, isang coat at agad din isinuot nito bago lumabas ng opisina. Natigilan naman siya ng maalala yung coat na bitbit niya kanina naiwan niya pa ata iyon sa kama niya, ipinilig niya nalang ang ulo at naupo sa sofa nito. Imposible naman na sa binata iyon,
"Hi Mam Celina, I'm Liz secretary ni Sir Harry, gusto niyo po ba ng juice or coffee?", nakangiting wika ng babae sa kanya,
"Uhm water nalang po please?", aniya dito, ngayon niya naramdaman ang uhaw at ng mapasulyap siya sa wall clock ay pasado ala una na kaya pala medyo kumakalam na ang sikmura niya. Bumalik naman ito bitbit ang isang bote ng mineral water at nakangiti na iniabot sa kanya.
"Here Mam, nasa labas lang po ako if ever na may kailangan kayo",
"Thank you", nahihiyang saad niya dito, binuksan niya agad ang mineral ng makalabas ito ng silid. Napawi din ng tubig ang gutom niya kaya sandali niyang inikot ang tingin sa paligid ng opisina ng binata. Mula sa table nito ay tanaw sa labas ang mga naglalakihang building, ilang mga paintings ang naagaw ng pansin niya kaya napatayo siya at pinagmasdan ito ng malapitan, mahilig pala sa mga abstract painting ang binata napansin niya naman ang signature na nasa baba nito,
Clara C.
Lahat ng painting na nakadisplay sa opisina ng binata ay iisa ang signature, kung hindi siya nagkakamali ay ito ang babaeng minamahal ng binata. Isang magaling na artist at karamihan sa mga art works nito ay nakadisplay sa Arts Gallery, bigla niya naman naalala ang portrait ng binata, hindi kaya ito rin ang gumawa non?? dali dali siyang bumalik sa kinauupuan at kinuha ang cellphone na bigay ni boss b. Agad niya zinoom ang gilid ng portrait, at naroon nga ang Signature nito,
Ito nga ang nagmamay-ari ng kinahuhumalingan niyang painting, ilang katok ang narinig niya bago bumukas ang pinto. Nakangiting pumasok doon si Liz habang may bibit na ilang supot, tingin niya ay pagkain iyon,
"Kumain muna kayo Mam Celina, nabanggit ni Sir na hindi paraw kayo kumakain",
"Ah nako,, okay lang po ako", may hiyang saad niya habang inaayos nito sa lamesa ang mga pagkain,
"Matatagalan yung meeting ni Sir Harry at diretso pa sila ng team ngayon sa Construction Site, pinapasabi niya Mam na kumain na kayo", napa ah nalang siya dito, isang ngiti ang iniwan nito sa kanya bago umalis. Nagugutom narin naman siya kaya naupo na siya sa harap ng pagkain, nagsimula na siyang kumain bago pa magbago ang isip ng secretary nito. Nahihiya man ay wala na siyang magagawa pa, iba na ngayon ang buhay na kinakaharap niya kung saan wala ang kanyang mga magulang.
Agad niyang pinunasan ang namasang mga mata, konte lang din ang kinain niya at nabusog din siya agad. Pano siya makakakain ng maayos gayong may malaking kinakaharap ang kanyang pamilya. Nakakakain rin kaya ngayon ang kanyang mga magulang? nasa maayos kaya ang mga ito??, tahimik na napahikbi ulit siya sa isang tabi, hanggang sa nakaidlip siya. Nang magising siya ay alas singko na ng hapon hindi parin nakakabalik ang binata. Isang message naman galing kay Ara ang natanggap niya, hinahanap raw siya ngayon ng Ama ni Angelo at gusto siya makausap tungkol sa mga magulang niya. Muli umahon ang kaba sa dibdib niya, bigla naman bumukas ang pintuan kaya napalingon siya,
"Celina!!!",
"Boss B!!", agad siya napatayo at lumapit dito,
"Akala ko nagbibiro lang si Sir Harry na nandito ka, ano bang nangyari at bigla kang umalis?",
"Bumalik kase ako sa bahay Boss B",
"Oh tapos? tuluyan kana bang pinalayas sainyo?" anito habang nakatingin dun sa bagahe niya,
"Tuluyan nakong nawalan ng mauuwian", nagulat naman ito sa sinabi niya, naiiyak na siya pero parang gusto niya tuloy matawa sa reaksyon nito
"Welcome kana man sa Rest House ni Sir Harry kaya may mauuwian kapa, tsaka nag-aalala na sayo si Becky nag iiyak na don", napangiti lang siya dito at tuluyan ng namasa ang mga mata niya.
"Wag kana umiyak Celina, pinapasundo kana talaga sakin ni Sir Harry para makauwi na, amina yang bagahe mo,"
"P-Pero pano si Sir?? babalik naba tayong batangas Boss B?",
"Oo, bakit ayaw mo ba?"
"H-Hindi tara na, baka bigla pa magbago ang isip mo eh"
"Yun naman pala eh, wag ka mag-alala kay Sir Harry susunod rin yon pauwi", saad nito habang papalabas sila ng opisina. Ngumiti naman siya at nagpaalam dun sa Secretary ng binata, nagpasalamat rin siya dito, paglabas nila ay nag uuwian narin ang ibang staff na kasabayan nila sa elevator.
"I will help you Celina, from now on let's wait. May tao na ngayong naghahanap sa kanila", naalala niyang saad ng binata, pero may nag uudyok parin sa kalooban niya na gustong makausap ang Tito Henry niya, nahihiya na siya sa abalang nabibigay sa binata.
"Sobrang busy ngayon ni Sir Harry, nakakahiya nga kanina na pumalpak pa yung sasakyan na nadala ko, nagtaxi tuloy si Sir hindi pa naman sanay mag commute yon", natigilan naman siya, kaya siya labis na nahihiya dito dahil dumadagdag pa siya sa nagbibigay ng alalahanin sa binata.