Chapter 5

2037 Words
Leyla was completely minding her own business outside the office of their CEO. Her desk was placed here and she was very excited to arrange her things on it earlier. It was now filled with a bunch of colorful pens, sticky notes, and highlighters. Napapangiti siya habang inaayos ang files sa laptop na ipinasa sa kan'ya. This job is her dream. Magmula nang lumipat siya sa Manila, ito na agad ang sinubukan niyang apply-an na trabaho. Dahil na rin sa suggestion ng isa sa mga nagpalaki sa kan' ya. Si Leyla ay isang simpleng dalaga na sa unang tingin ay imposibleng hindi balikan ng pangalawang beses. Iba ang kan' yang kagandahan. Parang may kontrata sa sinag ng araw at kahit na saan siya pumunta, may nakasunod na liwanag at kakaibang ningning sa paligid niya. Mukha siyang isang babae na may kaya sa buhay, kakaiba ang datingan. Puwede na nga siyang pumasa bilang CEO nitong kumpanya. She has a very different charm that is almost mysterious. Walang duda ang tindi ng taglay ni' yang kagandahan. Kani- kanina pa nga lang pagpasok niya sa opisina, halos mabali na ang leeg ng mga lalaki na naglalakad sa harapan niya para lang makanakaw ng tingin sa kabigha- bighaning dalaga. Ilang beses na rin si' yang natanong ng kung anu-ano para lang makuha ang atensyon niya. May isa na tinanong siya kung anong oras na habang nasa harapan sila nang malaking wall clock. Mabuti nalang at hindi niya itinulong ang balak na ituro ang napakalaking orasan na kulang nalang ay batukan ang lalaking nagtanong. Hindi niya kasi alam ang isasagot noon kaya naman magalang niyang tinignan ang orasan at sinabing "Seven thirty" bago siya ngumiti naglakad papalayo. 'Di na niya napanood ang lalaki na bigla nalang namula at halos suntukin na ang sarili para lang mapigilan ang kagustuhan niya na magtatalon. Kaya nga lang, nang makita na nito ang orasan, tanging pagsabunot nalang sa sarili ang nagawa niya. "Hello hello, magandang umaga Miss Leyla, may schedules ako na iniwanan d'yan sa desk mo kanina. Nakita mo na ba? Please no, paki-ayos nalang ang lahat para wala ng problema sa schedules ni Mr. Andrews this week. Pagkatapos, puntahan mo nalang ako sa table ko. Submit it to me before lunch," Albert said as he passed by Leyla's desk coming from the office. She checked the time to see that it's only nine in the morning. Bago mag-salita, iniabot niya ang isang maliit na clipboard. "Ano ito?" "Schedule po Sir." Nanlaki ang mata ni Albert dahil sa narinig. Ganoon ba talaga kabilis natapos nitong bagong dating ang inutos niya? Kung siya ang gagawa noon, pag-confirm palang sa mga nakalista, aabutin na siya ng siyam-siyam. "I've arranged it Sir, please check it for me. Para po maayos ko po bago ang deadline if may nagawa man akong mali." The man's jaw was left open in awe. He's very dramatic. Halos mag lupasay na siya para lang mas maipakita pa ang pagkakabilib niya. Sa utak niya kasi kunukuwenta niya kung gaano katagal na ang nakalipas matapos niyang iwanan ang mga listahan, one hour? He flipped thru the pages, hindi lang nakaayos ang buong schedule per hour, may mga key notes pa kung saan ang meeting place, ano ang pag-uusapan nila at ang mga numero na kailangan nilang tawagan for confirmation or cancellation sa bawat meeting. They were even highlighted based on how important each schedule are. Kitang- kita na dedicated at mabusisi siya sa bawat ginagawa. Talaga namang nakakabilib, ang ganda pa tignan ng final schedule niya. "You did this in less than an hour?" hindi niya napigilan na itanong. Sa totoo lang ay umaasa siya na itanggi ng babae ang oras, "Baka naman hindi pa talaga tapos?" isip niya. "Yes po-Oh! I'm sorry Sir, may error po ba? Sorry po kung minadali ko-" naputol ang sinasabi niya nang itinaas ni Albert ang kan' yang kamay para pahintuin muna siya sa pagsasalita. "Saan ka galing? Paano mo natapos ito ng isang oras? It is perfect. That was very fast Leyla. Paano mo naayos ang lahat ng ito?" "Actually Sir may hindi pa po ako na- follow up na mga schedule pero po idadagdag ko nalang po mamaya kapag po sumagot na sila sa tawag ko. Sa tingin ko po kasi hindi pa nakikita ng mga nasa contact ang tawag ko." "I must say, I am very impressed-" naputol ang pag-uusap nila nang biglang mag beep ang telephone sa desk ni Leyla. It was Rui leaving her a task. "Coffee," his cold deep voice was heard. Muntik ng mabato ni Leyla ang hawag na mouse dahil sa nakakagulat na pagsasalita ni Rui. Malokong inabot naman ni Albert ang button para sumagot sa tawag ng Boss. "Mr. Andrews, hello rin sa' yo! Grabe naman, ayaw mo ba 'yong kape na dinala ko kanina? Pinag-papalit mo na ako agad? Medyo masakit din pala ano?" "Shut it Albert, I did not finish it. It turned cold, I can't drink it anymore" "Arte talaga nitong si Bossing, kunwari nalang kasi iced coffee na!" Pang-aasar nito. Hindi na siya natatakot kay Rui dahil sa pagiging malapit nilang dalawa. "I'll get a new one for you Mr. Andrews, please wait for a while." Si Leyla na ang sumagot. Ayaw naman niya simpleng utos lang ng Boss niya, hindi pa niya masusunod. Pag-alis ni Leyla papunta sa office pantry, nakangising umupo si Albert sa upuan ng dalaga para asarin si Rui. Ngayon na malapit na niyang iwanan ang kaibigan, hindi na siya nagpipigil na banatan ito. Wala na siyang kinakatakutan. He pressed the button to directly connect to him inside the office. "Mr. Andrews, kalmahan mo lang ha? Baka hindi mo makayanan." "Albert can you shut it? Anong ginagawa mo sa desk niya? Kung nand'yan ka lang para inisin ako, halika at may ipapagawa ako sa iyo." "I'm helping her with stuffs, to take good care of you." After saying those cheesy words, he giggled. Making the people who pass by him wonder. "Anong ginagawa niya?" "Malay ko, bakit siya tumatawa mag-isa?" usapan ng dalawang dumadaan. Hindi ito nakaligtas sa pandinig niya. "Ay shuta, mukha akong baliw rito," bulong niya sa sarili bago ayusin ang kan'yang neck tie. "Shut the f*ck up then. Don't call me anymore, hindi ka na talaga natatakot sa akin." Their banters are something that the two of them will definitely miss. Nakakatawa na sa gitna ng napakaraming mata na nakatingin kay Leyla habang naglalakad, ang tanging tumatakbo lang sa isip niya ay kung sobrang bilis ba ng ginawa niyang pag-aayos sa schedule. "Baka naman ang akala ni Sir Albert e masyado akong pabibo," she whispered to herself. "Oh freak, did I overdid it again?" she thought to herself. Dire- diretso lang siya sa paglalakad kaya hindi na niya napansin ang babae na nasa likuran niya. "Yah!" muntik siyang mapatalon sa sigaw nang matinis na boses ng babae sa likuran niya. A girl that she's not very familiar with is angrily looking at her. Ang maikli niyang damit at napakataas na heels ang unang napansin ni Leyla. Hindi siya mukhang nagtatrabaho sa office. Parang nandito siya para rumampa. Ngayon tuloy ay biglang napaisip siya kung sino itong babae. "I'm sorry, are you talking to me?" she politely asked with a very warm smile on her face. Ibinalik naman sa kan'ya ang matalim na tingin at simangot. It is as if she did something to this girl. The tall girl walked closer to her, ngayon niya napansin ang makapal na make- up nito. Nakahawak pa siya sa bewang niya habang parang minamaliit na tinignan si Leyla. "Did you not see me? Hindi ka man lang gumalang, you even passed by me." "Oh, I am very sorry Miss. I did not see you, good morning!" Lalong nag-init ang ulo nang mataray na babae dahil parang walang problema lang na nginitian siya ng dalaga. "Wow, this is insulting," she whispered. Tinuro niya ang pintuan sa pantry nila, senyales para kay Leyla na pumasok kasunod niya. So she did. "How dare you insult me in front of so many people?" "Insult? As a verb an insult means to talk or to treat people with disrespect, which I have never done, not to you at least. In fact it was you who did that if we talk about the exact definition," said Leyla. Her face remained very calm and emotionless. Para lang talaga siyang nag explain, hindi man lang iniisip na ngayon ay halos umusok na ang ilong ng babaeng nagngangalang Shiela. "What did you just say? Do you not know who I am? Are you dumb?" "Yes Miss. I do not know who you are. I just started today, if you just started talking to me by introducing yourself politely, that would have been much more easier for the both of us." "Yah! Nababaliw ka na ba? Bakit ka gan'yan na makapagsalita?" dahil sa pagsigaw, may dalawang babae pa na pumasok sa loob ng pantry. "Hoy Shiela anong nangyayari? Bakit ka nagwawala?" Cristel, her friend on the promoting department asked. Katabi nito, si Ana naman ay nanlalaki ang mata habang tinitignan si Leyla. "Hello, I am Leyla. I'm the new secretary of Mr. Andrews, can you please introduce yourselves to me, I would hate another misunderstanding." Hindi maintindihan ng dalawa na kakapasok lang ang nangyayari, dapat ay magiging mataray ang mga ito sa bagong babae, pero nginitian lang sila, parang nanlambot na kaagad sila. "Hello, ako si Cristel mula sa promotion dept." "Ana, sa promotion din, si Shiela ang head namin." "Nasisiraan na ba kayo?" bugaw ni Shiela sa kanila. Magkakasunod silang tinignan ni Leyla isa- isa. Dahil sa biglaang pangyayari, hindi niya na rin alam pakay ng mga babae. "Teka nga, bakit narinig ko nag-away kayo? Anong nangyari?" Ana asked. "Miss Shiela seems to have a problem with me, I would like to sort it out with her but I don't really understand where it comes from," she stated calmly. Talent yata niya na mag explain ng kalmado at walang kaproble- problema. "Shiela ano ba, nagseselos ka lang yata eh," pang-aasar ni Cristel na kaagad na nahinto dahil sa pagsuway ni Shiela. "Selos? For?" parang bata na tanong ni Leyla. "You see, Shiela and Mr. Andrews has a very special...hmm, connection," Ana explained. Nakikinig lang si Leyla habang tumatango, hindi pa rin malinaw sa kan'ya ang pinaglalaban ng babae. "So kung pwede sana na layuan mo si Mr. Andrews, he's taken." "Huh? Mukhang nagkakamali kayo, hindi pa nga ako lumapit sa kan'ya. So wala pa talaga kayong maibabato sa akin as of now, and kung problema sa iyo, Miss Shiela, since you claim that you two are in a relationship, bakit hindi nalang ikaw ang naging secretary niya?" Biglang natahimik si Shiela dahil sa tanong ni Leyla. Ang dalawang kaibigan niya rin ay tahimik na nakaabang sa sagot niya. "Hin-hindi puwede sa office." "Then you should have asked him to hire a male secretary instead of me." "I don't really tend to be controlling-" "Hmm? I highly doubt that, you seem to be someone who has a ton of suggestions," said Leyla. Nauubusan na ng maibabato si Shiela sa kan'ya. "Shie, tama na siguro," bulong ni Cristel sa kaibigan. "Hindi pa kasi niya alam ang tungkol sa inyo ni Mr. Andrews, Shie hayaan mo na muna siya," Ana said. "If what you say is true Miss Shiela, and you are worried that I am getting in the middle of your so called relationship with him, puwede natin pag-usapang tatlo. You can bring your friends as witness, ayaw ko na matawag na masamang babae dahil lang nagtatrabaho ako." "Oh my gosh, may point siya," parang bilib na sabi ni Cristel. "Matalino siya masyado, ang hirap banatan," whispered Ana. "No-No need for that. Just leave him alone. Stay far away from him." "He's asking for a coffee, it took so long, baka magalit siya. Can you help me Miss Shiela?" "Huh?" "Para hindi ako mapalapit sa kan'ya, can you make him a coffee? Sigurado na hindi siya maiinis kahit na medyo nahuli kung ikaw ang magbibigay." Shiela was visibly nervous. She gulped at the words of the innocent looking girl in front of her. "I'm sure he wouldn't mind, you're his girlfriend after all, right?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD