“Ano na ba ang mangyayari sa dalawang ‘yon?” tanong ni Stephanie habang malamyang kumakain ng pansit na niluto ng kan’yang kaibigan na si Patricia. “I know, it’s not going to be very easy, pero sana naman hindi sila masyadong magkaroon ng problema. Baka mamaya biglaan pa silang magkalayo na dalawa. Mas lalo akong hindi matatahimik kung ganoon ang mangyayari. Sa tingin mo ba, nasira ko lang kung ano ang mayroon silang dalawa, Pat? Baka dapat ay hindi na lang ako nag salita, para naman hindi ko na sila nagulo na dalawa. It’s making me feel very guilty, I do not know what is going to happen, but I knew that it had a possibility to turn sour. And yet, I still let this stupid mouth of mine to say everything like that.” “Steph, ano ba? Alam mo naman na mas mabuti na ang ganito, mas maganda nang

