"What? Hindi mo parin ako kakausapin?" Rui tried to break the silence between him and Leyla as they were left in the meeting room alone. Hindi na kasi siya pinansin ng sekretarya matapos ang kalokohang ginawa nito kahapon. Dahil naisipan niyang biruin si Leyla sa harapan ni Roca, halos matanggal na ang tainga ng dalaga sa kakatili ni Roca sa buong biyahe nila pauwi. Matapos noon ay hindi pa ito nakuntento, pinilit pa niya na doon siya kakain sa unit ni Leyla para mas makapag usap sila. Kaya naman para maramdaman din ni Rui ang bigat ng problema, naisipan niya na hindi niya ito papansinin, puwera nalang kung kailangan. "Sometimes I wonder where you get your guts from," he teased. "Parang ikaw tuloy ang Boss ko, kapag nalaman na naman to ng kumpanya panigurado ang balita na susunod, kasa

