Mira's POV: Pagkatapos magteleport ni Jelal ay napunta kami sa isang kwarto. Siguro kwarto niya ang isang 'to. Halos wala pa sa kalahati nito ang lodge ko. Bakit ang daya talaga? "Bakit mo ako dinala rito!? Anong kailangan mo sa akin ha?" Tanong ko kay Jelal. Nagsasalin naman siya ng wine sa baso. "Kumalma ka lang, may dapat tayong pag-usapan." Kalmadong sabi niya at ininom ang wine na isinalin niya sa baso. "Ano ba ang pag-uusapan natin? At bakit naman kasali ako? Tungkol saan ba?" Kalmadong tanong ko kay Jelal. Wala naman akong magagawa kung magwawala ako rito. Isa pa, mas malakas siya sa akin. Baka bigla niya na lang akong itapon sa bintana o dalhin sa North Pole tapos iwanan. "You know Akiyami Fei Jin right? Ako ang anak niya kay Jong Kasuka, ang dating kasintahan ni Tita Ar

