CHAPTER 1

736 Words
Mira's POV: Nandito ako ngayon sa bar at kanina pa ako ngalngal nang ngalngal. Paano ba naman kasi, si Sting ang boyfriend ko nahuli kong may kabit. Sa edad kong 323 eh maganda pa rin naman ako at sexy. Simula noong isinumpa ako, nafreeze na ang itsura ko mula nang 18 years old pa lamang ako kaya ito, mas matanda na ako sa mga lola niyo pero maganda pa rin. "Oh, Ma'am Mj, parang noong isang araw lang nakita ko kayo ah, nandito na naman kayo?! Si Fafa Sting na naman ho ba?" Tanong ni Wendel. Kahit kailan talaga napakachismoso. Lagi ko siyang nakakachikahan kapag nag-iinom ako dito sa The West Bar, isa siyang bartender. Solid magtimpla kaya dito ako lagi dumadayo. "Yes, at ito na naman, broken as always. Isa pa nga, timplahan mo ko 'yong pinakamatapang." Utos ko kay Wendel na bayot. Dito kami nagkakilala ni Sting, ang ex-boyfriend ko, sa the The West kaya alam ni Wendel bayot ang history namin. Alam niya rin kung paano ko niligawan si Sting. For your information, sinagot naman ako ni Sting 'no. Talipandas lang talaga siya at niloko niya pa ang beauty ko. "Ay, Ma'am, lasing ka na naman. Hindi na keribels ng beauty ko ihatid ka sa labas kasi magoovertime akes ngayon, wala kami pandate ng menthol ko." Sabi ni Wendel bayot at inirapan pa ako. Buti pa siya may boyfriend. Ako nagkakaroon nga, lagi naman akong iniiwan. Kapag hindi ako niloloko, nagsasawa naman sa 'kin. Bwiset, magsama-sama sila. "Oo na, ito na ang bayad ko keep the change na lang. Iiwan ka rin niyan letse!" Sigaw ko kay Wendel at ipinatong sa lamesa ang bayad. ‘Kala niya, walang forever! Pagiging imortal ko lang mayro'n, isama mo pa na forever din akong iniiwan. Lumabas na ako ng bar na pagewang-gewang. Feel na feel ko ang pagcacat walk ko ngayon. Pero kahit na pinipilit kong makalimutan ang lahat, wala pa ring naitutulong sa 'kin ang alak. "Here I am again, no plans. Wala na yata akong nagawang matino sa buhay." Reklamo ko sa aking sarili. Pagewang-gewang ako na naglalakad papunta sa vintage car kong Jaguar. Pangalan pa lang wild na, mana sa may-ari. For your information, mga hampaslupa, I'm rich. Sa tagal kong nabubuhay wala pa ba akong maipupundar? Aminado akong medyo bobita ako, pero matalino naman ako 'no. Ano raw? Lasing na nga talaga ako. "Why am I even talking to myself? Damn, what a crazy immortal I am." Pagkausap ko sa sarili ko at tumawa. Kahit anong pilit kong pagpapasaya sa sarili ko, wala, nganga. Sa tagal kong nabubuhay wala pa rin akong nagiging asawa kahit isa. Lahat na lang iniiwan ako. Mga bwiset na talipandas, malalandi, jutay– "Ay, jutay!" Nagulat ako dahil biglang may kumulbit sa 'kin na batang babae na namamalimos. Kawawa naman siya, ang cute pa man din kahit uhugin. "Ate, pengeng barya." Nakangusong sabi niya habang kinukulbit ako. Awe, ang cute naman na bata nito. Inilabas ko na 'yong wallet ko para bigyan siya nang pera ng bigla niya itong hinablot. "Hoy, ibalik mo 'yan! May pacute-cute pa ako sa'yo katacute ka pala!" Bwiset na 'yan, kapag sinuswerte nga naman oh! Pinabayaan ko na 'yong wallet ko ro'n sa bata. Aanhin ko ba 'yong pera eh mayro'n naman na ako lahat ng gusto kong mabili. May kotse ako, bahay, kompanya, sandamukal na stocks ng pagkain kaso ayon, walang jowa. Pumasok na ako sa Jaguar ko at nagmuni-muni. Pa'no kung subukan ko kaya ulit magpakamatay? Ilang taon ko na ring hindi nasusubukan, baka this time gumana na. Sa pagiging imortal ko hanggang ngayon, I desperately want peace. I mean to rest in peace. Nagmaneho na ako at dere-deretso lang akong nagdadrive. Hindi ko alam kung saan ba ako pupunta, bahala na si Spongebob. Naalala ko na, 'yong paborito kong tambayan sa may tulay. Maganda naman siguro do'n mamatay kahit papaano, memorable. Kahit hindi ako namamatay, gusto ko pa rin subukan. Kadalasan kasi, puro sakit ng katawan lang ang nakukuha ko. Bwiset na pagiging imortal 'to. Sa mga movie, gustong-gusto ng mga kontrabidang maging imortal. Hindi ba nila alam na nakakabagot? Tipong gusto mo na magpahinga, pero wala kang magagawa. Mag-isa na lang ako at napag-iwanan na ng mga mahal ko sa buhay. Wala na akong kasama kundi ang sarili ko. Sana ngayon, magtagumpay na ako sa balak ko, sana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD