Laxon's POV: Maghapon kami nagkulitan ni Mira. Maghapong tumawa, nagmovie marathon, at lumamon nang lumamon. Ang dami niya rin naikwento sa akin kung papaano raw siya nagpakamatay dati. May saltik talaga yata ang isang 'yon. Naikwento niya rin sa akin 'yong nangyari noong una kaming nagkita. Iniwanan daw nga talaga siya nung ex niya na si Sting na babaero, kapangalan pa ng secretary ko. Nasa sofa kami ngayon at pangatlong movie na ang pinapanood namin, kaya ito tumba na si Mira. Nakapatong ang ulo niya sa balikat ko at ang kamay niya ay nasa popcorn pa. Maganda pala talaga siya, kaso berdugo. Maganda talaga siya, hindi ko na 'yon itatanggi. Ang haba ng pilik-mata niya at mapula-pula ang kaniyang porselanang kutis. Napakabango rin ng buhok niya at ang lambot, todo puri na yata ako nga

