Mira's POV: Naglalakad na ako ngayon pabalik sa activity area. Fresh na fresh na ako at ambango na ng kili-kili ko, amoy sabon na. Hindi na rin ako amoy dugo. Para akong binuhusan kanina ng regla, eww. "Well well well, look who's here." Sabi ng isang napaka, napaka– basta napaka niya. Maganda naman pala talaga itong Sheena na ito. Mukhang inosente pero impakta nga lang talaga. "Oh anong kailangan mo sa akin? Dedede ka ba 'te?" Mataray na tanong ko sa kaniya at namewang. "f**k, eww so gross! Wow ang kapal din ng mukha mong tarayan ako ah, kilala mo ba ako ha!?" Sigaw niya sa akin at tinulak ako sa braso. Aba-aba palaban 'to ah. "Ako ba kilala mo ha?" Kalmado kong tanong dito sa Sheena bungangera na ito. Ghad, naiinis na ako ha. "Hindi, I don't care kung sino ka man. Hindi hamak

